Part 3-3

14 3 1
                                        


Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Nang maabot ng aking mga paa ang sahig ay naramdaman kong may natapakan akong isang matigas na bagay – ang cellphone ko ulit na crack ang screen at ngayon ay nakahiwalay naman na ang housing. Mukhang nahulog mula sa aking kamay kagabi – kagabi habang hinihintay kong sagutin ni Isabel ang aking mga tawag.

Tumayo ako at pinulot ang cellphone. Yumuko pa ako nang maigi para hanapin ang housing ng cellphone sa ilalim ng kama pero wala akong nakita. Sa halip ay nahanap ko iyon sa ilalim ng table at hindi lamang iyon ang aking nakita – nakita ko rin ang journal ni Miyoko. Bigla ko tuloy naalala yung tunog na narinig ko noon nang ipatong ko ang cellphone sa table noong araw na may natanggap akong text mula kay Isabel na humihingi ng tawad at humihiling na makipagkita ako sa kanya sa usual spot namin sa Sevilla Avenue. Nahulog marahil iyon sa sahig nang sandaling iyon.

Kinuha ko ang journal na nagkataong naka-open sa last entry nito – sinulat iyon ni Miyoko isang araw bago siya namayapa.


July 31, 2007

8 pm bukas, ipapakilala ko si Bella sa parents ko at kay Yosef. Sinabihan ko sina Mama at Papa na maghintay sa restaurant, habang sina Bella at Yosef naman ay mag-aantay sa labas sa kabilang kalsada malapit sa isang lamppost. Ang hindi nila alam, plano kong magkita by chance ang best friend at ang girlfriend ko bago ko pa man sila ipakilala sa isa't isa.

Chronic smoker si Yosef at ayaw na ayaw ni Bella ang amoy ng usok ng sigarilyo. Kapag nakita ka ni Bella na naninigarilyo sa public, kahit malayo ka pa, lalapitan ka niya para sabihin ang rights ng mga non-smoker.

Let's see kung gagana ang plano ko bukas.


Na-realize kong si Miyoko ang aming crossroads – ang crossroad kung saan nagkita ang mga landas namin ni Bella. Si Miyoko ang dahilan kung bakit kami nagtagpo ni Isabel – ang babae na nagturo sa akin kung paano magmahal for the first time. Ang babae na sumama sa akin para lakarin ang tamang daan.

Ang babae na bumago sa akin.    

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon