Part 2-3

15 3 0
                                        

Habang nasa loob ng Miyoko's Restaurant, ngumiti sa akin si Isabel nang makita niya akong nakatayo sa labas sa kabilang bahagi ng kalsada. Pinatigil ng red light ang mga sasakyan, at tumawid ako na may hawak-hawak na white roses. Ito ang aming first date – at ito rin ang first ever date ko. Pero sasabihin ko sa'yo ang totoo, si Isabel talaga ang humiling na mag-date kami. No kidding!

Nang pumasok ako sa restaurant, lahat ng tao sa loob ay tumigil sa kanilang mga ginagawa at tumitig sa akin. Pumikit ako sa pag-aakala na nananaginip lamang ako. Nang muli akong dumilat, napagtanto kong wala naman pala talagang nakatingin sa akin. Hindi ako nananaginip, napa-paranoid lang. Ito marahil ang tinatawag nilang first date nerves.

Lumapit ako kay Isabel at inabot sa kanya ang dala kong mga bulaklak. Umaasa ako na bibigyan niya ako ng kiss kahit man lamang sa pisngi – pero hindi iyon nangyari. Ngumiti lamang siya at nagpasalamat.

Tinawag ko ang isang waiter at umorder ng dalawang bowl ng beef ramen. Hindi ko alam kung ini-imagine ko lang ito pero parang binigyan ako ng tingin ni Isabel na tila gusto niyang sabihin na "Beef ramen na naman?"

Nais ko sanang maging unforgettable ang first date na ito, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Habang kumakain na kami, binasag ko ang aming katahimikan at nagtanong, "So saan ka nga pala nakatira, Isabel?"

Tumigil siya sa pagkain at hindi man lamang tumugon. Ni hindi man lamang siya tumingin sa aking mga mata.

"Ahmm, hindi ko ba pwedeng malaman kung saan ka nakatira? Gusto ko sanang ihatid kita sa bahay niyo pagkatapos ng date natin. Alam mo na, iyon kasi ang ginagawa ng isang lalaki para masiguro niya na makakauwi nang ligtas ang babae."

"Malaki naman na ako. Kaya ko nang umuwi mag-isa," aniya. "Sorry pero sa tingin ko, hindi mo pa naman kailangang gawin iyan. Hindi pa naman kita boyfriend."

Napaalik-ik na lamang ako sa sinabi niya. Naisip ko rin na tama siya kaya nag-agree na lamang ako.

Maraming linggo ang lumipas, ngunit hindi ko pa rin alam kung ano na ba talaga ang status ng relationship namin ni Isabel. Tinatanong ko madalas sa sarili ko: 'Nag-de-date pa rin ba kami o going steady na ang relationship namin? Boyfriend na ba niya ako? At kung boyfriend na niya ako, anong klaseng boyfriend ako kung hindi ko man lang siya naihahatid sa kanilang bahay?'

Haist!

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon