Part 4: Yosef

12 2 0
                                        


Part 4: Yosef

There is a chapter in our lives that we may call the 'Crossroads', and this is where the roads of two people's lives are destined to meet. However, this is where they also leave...

At dito kami muling magkikita ni Isabel at Bella.

Makalipas ang dalawang taon...

July 25, 2010. 5 PM. Minamaneho ko ang bago kong kotse papuntang trabaho. Noong nakaraang dalawang linggo ko lang ito nabili. Na-promote kasi ako bilang bagong network engineering head ng broadcasting company na pinagtatrabahuan ko. Anong klaseng boss ako kung wala man lang akong sariling sasakyan. Anyway, hindi naman problema ang bumili ng sasakyan dahil malaki na rin ang naipon ko simula nang grumadweyt ako at magkatrabaho.

Everything in my life is doing well, pwera na lang ang love life ko – hinihintay ko pa rin kasi yung babae na nagsabi sa akin na antayin namin ang tamang panahon at tamag oras para sa aming dalawa. Hindi ko na siya nakita simula niyon. Gayunpaman, hihintayin ko pa rin siya. Hihintayin ko siya kahit abutin pa nang mahabang panahon. Waiting is hoping. Kapag tumigil ka na sa paghihintay ay doon ka na rin nawawalan ng pag-asa. Kaya hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa na muli ko pa siyang makikita.


Nakakabaliw ang traffic jam ngayong araw. Never ko pang na-experience ang ganito sa siyudad. Hindi ko alam kung ano bang dahilan ng mabigat na traffic ngayon. Mukhang mauuna pang makarating yung mga pedestrian sa labas papunta sa mga destinasyon nila kaysa sa aming mga motorista.

Sa wakas, makalipas ang ilang minuto, nakaandar na rin ang sasakyan ko... pero tumigil din pagkatapos lamang ng tatlong segundo. Nagkataon na natapat ako sa harap ng isang bookstore. Napansin ko ang advertisement ng bagong novel na binibenta nila. 'Crossroads' ang title ng novel. At ang pangalan ng author? Si Bella. 'Same pen name na ginagamit ni Isabel. At kahit gustong gusto ko nang umuwi, pinark ko muna ang sasakyan sa harap ng bookstore.

Pumasok ako ng bookstore at nakita ko ang isang tumpok ng paperback copy ng novel sa hiwalay na table katabi ng mga bestseller. Hindi ko alam kung bakit pero nag-decide akong bilhin ang book kahit na ni minsan ay hindi pa talaga ako nagbabasa ng nobela.

"Thank you, Sir," sabi ng cashier nang iabot niya sa akin ang libro, resibo at sukli. "By the way, Sir, kung gusto niyong makita ang author, kakasimula lang po ng book launch and signing ngayong hapon sa kalapit na mall."

"Ibig mong sabihin nandoon ang author ngayon?"

"Yes po, Sir."

Nang bumalik ako sa sasakyan ay tinanggal ko agad ang balot ng libro. Binuklat ko hanggang sa makarating ako sa pahina ng dedication.

To Miyoko who made me write this novel

Naging maliwanang sa akin ang katotohanan na bagamat wala na si Miyoko ay mahal pa rin siya ni Isabel. Hindi ko akalain na ang kaibigan ko ay magiging karibal ko pa rin sa puso ni Isabel. Oo, namayapa na siya pero hindi iyon dahilan para patuloy siyang mahalin ni Isabel. Siguro nga wala nang dahilan pa para maghintay pa ako kay Isabel. Siguro nga ay dapat makuntento na lang ako sa mga panahong nakasama ko siya... Siguro nga.

Pinatong ko ang aklat sa dashboard. Nang subukan kong paganahin ang makina ay nanginig ang panel at pabukas na nalaglag ang libro sa sahig. Kinuha ko iyon at nadiskubre ko na ang mga huling pahina ng libro ay may preview ng susunod na akda ni Isabel. Next month na ito ilalabas at ang pamagat ay 'Crossroads 2'. Nilipat ko sa susunod na pahina at nalaman ko na may sariling dedication page ang preview.

To Yosef who made me write again

Naniniwala na ako ngayon na may bahagi sa puso ni Isabel kung saan alam kong ako lamang ang laman.

Bigla kong naalala ang sinabi ng cashier kanina. Sabi niya na kasalukuyang ginaganap ang book launch sa malapit na mall. Hinawakan ko ang manobela at muling sinagupa ng aking sasakyan ang mabigat na trapiko, habang ako naman ay panay sa pagpindot sa busina.

"Magkikita na uli tayo, Isabel."


Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon