Part 3-2

10 2 2
                                        

Magkasama kaming nakatayo sa sidewalk ng crossroad kung saan una kaming nagkita ni Isabel. Walang ibang tao kundi kami lamang dalawa. Napakatahimik at walang nagsasalita.

Habang nasa sementeryo kami kanina, nabanggit sa akin ni Isabel na madalas siyang tawaging Bella ni Miyoko. Isa siyang amateur writer at Bella ang ginagamit niyang pen name. 'Pag pinagsama ang Isabel at Bella ay mabubuo ang pangalang Isabella at ito ang kanyang buong pangalan. Ngayon ko lamang nalaman ang mga bagay na iyon na tanging si Miyoko lamang ang dating nakakaalam.

Bigla na lamang akong niyakap ni Isabel. Hinaplos ko ang kanyang likod bilang tugon. Mainit at mahigpit ang aming pagyayakap na ayaw ko nang matapos.

Bumitiw siya. Walang isang salita, tumalikod siya at tumakbo sa east road. Nakatingin lamang ako sa kaniya hanggang sa lumiko siya sa isang kalsada at mawala sa aking paningin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ang kanyang tirahan. Bigla akong may naisip at sobra akong kinabahan – pakiramdam ko hindi ko na siya muli pang makikita.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Nang ilabas ko ang phone ko na crack ang screen, nakita kong tinatawagan ako ni Isabel.

"Yosef... I'm sorry." May paghikbi sa kabilang linya.

"Sorry para saan? Isabel, sabihin mo sa 'kin kung nasaan ka ngayon at pupuntahan kita."

"I'm so sorry, Yosef... hindi muna tayo pwedeng magkita."

"A-anong sinasabi mo?" Sinimulan kong tumakbo sa east road, umaasa na maaabutan ko siya.

"Yosef, makinig ka. Gusto kong malaman mo na pinunan mo ang pagkukulang ng puso ko matapos kong inakala na iniwan ako ni Miyoko... pero kanina sa sementeryo... tingin ko parang natuyuan muli ang puso ko."

Lumiko ako sa kalsada kung saan ko siya nakitang lumiko kanina. Pero hindi ko siya makita. Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang patuloy siya sa pagsasalita:

"Sa maling lugar tayo unang nagkita noon. At nasa maling oras naman tayo ngayon. Hintayin nating dumating ang tamang lugar at tamang oras para sa ating dalawa."

"Oo, antayin nating dalawa. Antayin nating magkasama." Narating ko ang isang boulevard kung saan maraming tao ang naglalakad sa sidewalk at maraming sasakyan ang dumadaan. Hindi ko malaman kung saan ako dapat pumunta para hanapin siya.

"Hindi muna tayo pwedeng magsama. Gusto ko munang mapag-isa... nang mahabang panahon... para makapag-isip."

Kumaliwa ako at muling tumakbo. Wala na sa isip ko kung may mababangga akong tao. Muntikan ko nang mabangga ang isang couple. Naiwasan nila ako nang dumaan ako sa kanilang gitna.

Tumigil ako nang marating ko ang isang intersection. Yumuko ako at pinatong ang aking mga kamay sa aking mga tuhod. Hinahabol ko ang aking hininga. Napagtanto kong hindi ko na malalaman pa kung nasaan man siya ngayon. Pero nang itaas ko ang aking ulo at tumingin sa kabilang side ng kalsada – nakita ko siyang nakatayo roon at hawak ang cellphone sa kanyang tainga.

Pero nang sandaling humakbang ako papunta sa kaniya ay nagsimulang dumaan sa aking harapan ang mga mabibilis na sasakyan galing sa kabilang kalye. Hindi ako makatawid papunta sa kaniya.

"Bye, Yosef," sabi ni Isabel sa phone at dagling tinapos ang call. Pumasok siya sa isang bus na tumigil sa kanyang harapan.

Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin ang bus na mawala sa aking paningin.

There is a chapter in our lives that we may call the 'Crossroads', and this is where the roads of two people's lives are destined to meet. However, this is where they also leave...

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon