There is a chapter in our lives that we may call the 'Crossroads', and this is where the roads of two people's lives are destined to meet...
At dito kami unang nagkita ni Bella.
"Sabi mo ipapakilala mo sa akin ang kaibigan mo, eh bakit nandito tayo ngayon sa sementeryo?" tanong ni Isabel habang kami'y naglalakad at hawak ang kamay ng isa't isa. "Huwag mong sabihing..." Kahit hindi niya tinuloy ang kanyang sinasabi, alam ko kung anong gusto niyang sabihin.
"Oo, tama nga ang iniisip mo," sabi ko. "Pumanaw siya noong isang taon lang. Siya yung sinasabi ko na naaksidente noong araw na una tayong nagkita."
"Nalulungkot ako sa pagkawala ng kaibigan mo."
Hinawakan niya ang aking bisig at sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Iyon lamang ang kailangan ko para mawala ang aking kalumbayan. Hinalikan ko ang kanyang noo bilang tugon at nagpatuloy kami sa paglakad.
"Ipapakilala niya dapat sa 'kin ang girlfriend niya noong araw na iyon, pero hindi na iyon natuloy dahil sa aksidente. Kaya ngayon, ako naman ang magpapakilala ng girlfriend sa kanya." Tumigil ako sa paglakad, humarap sa kaniya at hinawakan ang kanyang mga bisig. "At mamaya, ipapakilala naman kita sa mga magulang ko."
"Sa mga magulang mo?" Napaatras siya. "Paano kung hindi nila ako magustuhan?"
"Magugustuhan ka nila. Magaganda na mga grades ko ngayon. Sinigurado ko na gagraduate ako ngayong taon. Tumigil na rin ako sa paninigarilyo. Madalas akong pagalitan ng mom ko dahil sa bisyo ko."
"Yosef, ano bang sinasabi mo? Wala naman akong kinalaman diyan sa mga sinasabi mo."
"Hindi, mali ka. Sinabi ko sa mga magulang ko na nagbago ako dahil sa isang tao... dahil binago ako ng tao na iyon... at alam mo kung sino ang tao na iyon? Ikaw iyon, Isabel."
Tumitig siya sa aking mga mata at malawak ang kanyang ngiti. Napansin kong may mga namumuong luha sa mga sulok ng kanyang mga mata. Niyakap niya ako at bumulog sa aking mga tainga:
"Pero tandaan mo na nagbago ka dahil ginusto mo, at hindi dahil sa sinabi ko sa'yo."
Nang pakawalan niya ako mula sa mahigpit niyang yakap ay inakala kong ibibigay na niya sa akin ang first ever kiss ko. Mas romantic sana ang moment na iyon kung hinalikan niya ako – yun nga lang, nasa sementeryo kami.
"So sa'n ba nakahimlay ang kaibigan mo?" tanong niya.
Naglakad ako sa tabi ng isang linya ng mga lapida habang nakasunod siya sa aking likuran, hanggang sa makita ko ang inscription ng pangalang 'Miyoko Suderam'. Nilagay ko sa tabi ng lapida ang basket ng mga bulaklak na binili namin kanina.
"Miyoko, hulaan mo kung sinong kasama ko ngayon," sabi ko sa taong alam kong hindi naman tutugon. "Kasama ko ngayon ang girlfriend ko."
Nang tumalikod ako – nakita ko ang gulat na mukha ni Isabel.
"A-anong sabi mo? A-anong pangalan niya?" nanginginig niyang tanong.
"Isabel? Anong problema? Anong nangyayari sa'yo?" Hinawakan ko ang kanyang mga braso, pero nagpupumiglas siya.
"Sagutin mo ang tanong ko! ANONG PANGALAN NIYA?" sigaw niya habang nakatitig sa aking mga mata at walang kakurap-kurap.
"Ok, naiintindihan ko. Pero kumalma ka muna. Okay?" sabi ko at tumango siya. "Miyoko ang pangalan niya. Miyoko Suderam."
Unti-unti niyang ibinaling ang kaniyang paningin sa puntod ni Miyoko, at nagsimulang bumuhos ang kanyang luha. Napaluhod siya, gumapang papuntang lapida, at lumuluhang nagsalita:
"Patawad, Miyoko. All these times, akala ko iniwan mo ako."
Nanghina ako nang magsimulang mabuo ang katotohanan sa aking harapan — Si Miyoko ang kanyang ex-boyfriend, at si Isabel at Bella ay iisang tao lamang. Ngayon lang muli nagsama ang dalawang nag-iibigan.
Naghahanap ako ng Bella pero hindi ko alam lagi lamang pala siyang nasa paligid ko. Naka-date ko pa siya hanggang sa maging girlfriend ko. Sana hindi ko na lang nalaman ang katotohanan na si Isabel pala ang Bella na minahal ni Miyoko. Minsan masakit tanggapin ang katotohanan kaya hinihiling mo na lang na nabubuhay ka sa kasinungalingan.
Kasalanan ko kung bakit nawalan ng cellphone si Isabel – iyon pa naman ang tanging bagay na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Kasalanan ko kung bakit hindi niya nalaman ang masamang sinapit ni Miyoko. Kasalanan ko kung bakit siya naghihintay sa taong hindi na kailanman babalik. Kasalanan ko ang lahat.
"Yo-sef... paki-sabi... kay... Bel-la... na... ma-hal... ko siya," bulong ni Miyoko sa aking isipan. Ito na ang oras para gawin ko ang ipinangako ko sa kanya.
"Bella, sobrang mahal na mahal ka ni Miyoko. Na kahit sa huling hininga niya... ikaw pa rin ang iniisip niya."

BINABASA MO ANG
Crossroads (Tagalog)
Romantizm'Crossroads' is where the roads of two people's lives are destined to meet. Naliligaw ng landas ang buhay ng college student na si Yosef hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang isang prangka-ngunit-magandang si Isabel na nagsimulang baguhin ang...