Part 2-4

9 2 0
                                    

Habang nasa klase ako ay naramdaman kong nagba-vibrate ang aking phone sa aking bulsa. Kahit na may nagle-lecture na professor sa harapan ay nilabas ko pa rin ang aking cellphone para basahin ang text message. Hindi naman ako kinabahang gawin iyon dahil lagi naman akong umuupo sa bandang likuran ng classroom.

From: Isabel

November 14, 2007 5:23 AM

Yosef, maglaro tayo s bowling center along Sevilla Avenue.

Be there at 8pm. Bawal ma-late, ha.

Ang problema may klase pa ako hanggang 9PM .

Tinawagan ko siya habang kumakain ng lunch kasama ang ilan sa mga kaklase ko na panay ang kantiyaw na girlfriend ang tinatawagan ko – Sana nga totoo ang sinasabi nila na girlfriend ko na nga si Isabel. Ang kaso hindi. Lalo pang lumakas ang kantiyaw ng mga kaklase ko kaya hindi ko na marinig ang boses ni Isabel. Nag-decide na akong maglakad papalayo sa kanila kung saan hindi nila maririnig ang aming pag-uusap.

"Hey, Isabel, naririnig mo na ba ako?"

"Oo, naririnig na kita. Wait lang, Yosef. Bakit sinasabi ng mga kasama mo diyan na girlfriend mo ako? Ano bang pinagsasabi mo sa kanila?"

"Wa-wa-wala akong sinasabi sa kanila, ha. Inaasar lang nila ako."

"Sigurado ka?"

"Oo naman... Anyway, napatawag ako kasi sasabihin ko sana na may klase pa ako hanggang 9PM. Sorry pero—"

"See you tonight, Yosef. Bye!"

Sabay baba niya ng phone. Ni hindi man lang niya pinatapos ang aking sinasabi. Marahil wala na nga akong ibang choice kundi ang lumiban sa huling dalawang klase ko at makipaglaro ng bowling sa kanya.

Hindi ako makapaniwalang kailangan kong maging masunurin na manliligaw sa kanya.

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon