Part 4-2

13 3 0
                                        

Malapit nang dumilim at tila walang katapusan ang kalsada. Matapos ang kalahating oras ay natanaw ko rin ang traffic light ng crossroads na magdadala sa akin sa mall. Hinanda ko ang aking sarili habang hinihintay na maging green ang traffic light. Sa wakas ay nakagalaw rin ang aking sasakyan patungong intersection. Ang kaso, hindi sapat ang oras at ang traffic light ay naging dilaw pagkatapos ay muling naging pula. Nakikita ko na ang mall. Kung pinagbigyan lang sana ako ng traffic light ng isa pang segundo, isang liko na lang at nasa mall na dapat ako.

Iginala ko ang aking paningin sa labas at napansin kong busy ang traffic enforcer na nagsisignal sa mga sasakyan galing ng north road. Maraming sasakyan ang dumidiretso papuntang south, habang ang ilan naman ay lumiliko sa kalsada sa aking kanan.

Kanina pa nagsimula ang book launch. Ito na ang pagkakataon para muli kong makita si Isabel. At sa bawat segundo na sasayangin ko ay maaaring hindi ko siya masilayan ngayong gabi. Nang masiguro kong hindi ako mapapansin ng traffic enforcer ay nangahas akong isulong ang aking sasakyan at pinihit ito pakanan.

Ilang metro pa lang ako nakakalayo ay bigla na lamang akong nakarinig ng kalabog sa aking likuran sabay yugyog ng buo kong sasakyan. Salamat sa seatbelt at naiwasang mauntog ng aking ulo sa manibela. Tumingin ako sa likod at napagtanto ko kung ano ba talaga ang nangyari – isang gray na SUV ang bumunggo sa aking sasakyan. Bago ang kotse kong 'to; kahit minor scratch lang ang gawin mo dito, feeling ko na-crash na ang buo kong sasakyan.

Lumabas ang driver ng SUV at nag-aalala niya akong tinanong, "Ayos ka lang ba?"

Lumabas ako at kinumpronta ko siya. "Tingin mo ba ayos lang ako? Alam mo bang bago itong sasakyan na 'to." Oh! Muntikan ko nang malimutan na ako talaga ang may kasalanan. Kung sinunod ko lamang ang traffic sign, hindi sana ito mangyayari. "Pasensiya na po kayo, manong, at napagtaasan ko kayo ng boses. Ako po talaga ang may kasalanan."

Maya-maya ay bigla na lamang may pamilyar na boses ng babae ang tumawag sa akin, "Yosef." Isang dalagang nakasuot ng sunglasses ang lumitaw sa likod ng driver. Tumigas ako sa aking kinatatayuan pero nagawa ko pa ring ngumiti. Isang matamis na ngiti.

"Isabel?" bulong ko.

"Oo, ako nga ito," sabi niya at tinanggal ang kanyang sunglasses.

"Akala ko ni-launch ang book mo kaninang kapon."

"Hindi, na-move iyon ngayong gabi." Tapos ay nag-cross-armed siya at ang mukha niya ay parang naiinis. "At late na ako dahil sa'yo."

"So-sorry. Hi-hindi ko alam," nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksiyon ko sa sinabi niya. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, pero hindi ko akalain na sa ganitong paraan kami magkikita.

"Sorry? Sorry para saan?" Bigla siyang natawa nang marahan. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako nang mahigpit na tila ayaw na niya akong bitawan. "Pumunta ka dito para hanapin ako. Tama ba ako?"

Tumugon din ako ng mahigpit na yakap. "Akala ko, hindi na ulit tayo magkikita."

"Sorry, Yosef. Hindi dapat kita iniwan noon. Walang araw na hindi kita inisip. Pero at least ngayon, alam kong handa na akong talikuran ang nakaraan ko... na handa na akong umibig muli."

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. At sa kauna-unahang pagkakataon ay binigay niya sa akin ang kauna-unahan kong halik.

Nagsimula kaming paligiran ng mga tao. Nag-flash ang mga camera para i-capture ang napaka-romantic na moment na ito. Ang ilan pa nga ay pumapalakpak na animo'y nanonood ng isang show. Magiging headline siguro kami ng mga tabloid kinabukasan; Hindi na ako makapag-antay na mangyari iyon.

Hindi namin alintana ang mabigat na traffic na aming nilikha at ang umaalingawngaw na busina ng mga sasakyan, dahil sa amin ang oras na ito at ang lugar na ito na tinatawag na crossroads – ang right time at right place na kay tagal naming hinintay ni Isabel.

"There is a chapter in our lives that we may call the 'Crossroads', and this is where the roads of two people's lives are destined to meet. However, this is where they also leave... but there will be a time that their roads will cross again in another crossroad."

The Prologue of the "Crossroads 2" by Isabel Altamira

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon