Pagkatapos naming maglaro ng bowling, lumabas kami at naglakad along Sevilla Avenue. At sa unang pagkakataon ay nakipag-holding-hands siya sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso at kahit malamig ang gabi ay pinagpapawisan ako. Hanggang sa narating namin ang sidewalk sa north intersection ng avenue kung saan kami laging nagpapaalam sa isa't isa. Wala pa ring nagbago. Ayaw pa rin niya akong payagang samahan siya pauwi sa kanyang tirahan.
"Bye, Yosef. Napakasaya ng araw na ito," aniya.
Binitawan niya ang aking kamay, tumalikod at naglakad sa east road. Nang nawala na siya sa aking paningin ay nagsimula na rin akong maglakad sa north road. Makalipas ang ilang minuto, nakakita ako ng isang 'No Entry' sign dahil sa ginagawang deep excavation. Ang 'No Entry' sign na 'yan ang naglalarawan ng relasyon namin ngayon ni Isabel. Bumulong ako sa sarili ko:
"Bakit ayaw mo akong papasukin sa buhay mo, Isabel?"
Nang makarating ako ng bahay, dumiretso ako ng kuwarto at nahiga sa kama. Hindi na ako nag-abala pang maligo matapos akong pagpawisan sa paglalaro ng bowling. Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog, pero bigla na lamang may sumagi sa aking isipan – si Bella at ang pangako ko kay Miyoko na hahanapin ko siya. Halos ubusin ko na ang aking panahon kay Isabel nitong mga nakaraang araw. Nakalimutan ko na tuloy ang tungkol kay Bella.
Hinalungkat ko ang drawer sa gilid ng kama kung saan ko itinago ang journal ni Miyoko. Nang mahanap ko, umupo ako sa gilid ng kama. Ini-scan ko ang journal hanggang sa isang entry ang tumawag sa aking pansin.
July 25 2007
Birthday ko ngayong araw at may surpresa si Bella. Ipinasilip niya sa akin ang isang manuscript na plano niyang i-submit sa isang publishing company. Frustrated writer kasi siya at pangarap niyang maging isang published author.
Inutusan niya akong buksan iyon sa dedication page kung saan nakita ko ang aking pangalan:
'To Miyoko who made me write this novel'
Sinara ko ang journal at nilagay sa taas ng drawer. Muli akong nahiga pero bago ko sinara ang aking mga mata ay bumulong ako sa aking sarili:
"Bella, sana kagaya ka rin ni Isabel."

BINABASA MO ANG
Crossroads (Tagalog)
Romance'Crossroads' is where the roads of two people's lives are destined to meet. Naliligaw ng landas ang buhay ng college student na si Yosef hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang isang prangka-ngunit-magandang si Isabel na nagsimulang baguhin ang...