Part 2-2

14 2 0
                                        

Pakiramdam tuloy ng babae, may kasalanan siya sa nangyari sa akin. Inalok pa nga niya ako na dalhin ako sa ospital, pero tumanggi ako dahil hindi naman talaga ako gaanong nasaktan sa pagkakabagsak ko sa lupa. Nahilo lang ako saglit.

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa malapit na bench at sinamahan niya akong maupo. Hinubad ko ang marumi kong polo. Mabuti na lamang at may undershirt ako. Kung hindi ay uuwi ako ng bahay na marungis.

Kahit hindi ko naman sinasabi ay bigla na lamang niyang minasahe ang aking likod. Whoa! Nasa likod ko ang mga palad niya. Kaya naman nagpanggap muna ako na sobrang sakit ng likod ko.

"Aray! Ang sakit ng balikat ko," sabi ko na umiiling.

"Akala ko ba ayaw mong magpahatid sa ospital," sabi niya.

"Oo, tama ka. Ok na ako, hehe." Lumayo na ako sa kanya bago pa man niya isipin na isa akong manyakis. "Kailangan ko lang siguro magpahinga."

Akala ko iiwan na niya ako, pero bigla na lamang niyang ininsist na ilibre ako sa Miyoko's Restaurant. Kakain kami at siya ang magiging appetizer ko.

Nang umupo ako sa upuan sa tapat niya, isang waitress ang lumapit at binigay ang menu.

"Hi, Sir Yosef. Kailangan ko pa po bang tanungin kung ano ang order ninyo?" tanong ng waitress na nakangiti.

"Hindi na. Alam mo na kung anong order ko," sabi ko.

"Kayo naman po, Maam?" tanong niya sa aking kasama.

Ni hindi man lang binuksan ng babae ang menu at binalik ito sa waitress sabay sabi, "Kung ano man yung order ninya, ganoon na rin sa akin." Nang nakaalis na ang waitres ay bigla niyang tinanong, "Kilala ka niya?"

""Actually, lahat ng crew kilala ako dito. Suki kasi ako ng restaurant na 'to, at yung manager nila... kaibigan ko." Bigla akong natigilan nang banggitin ko yung dalawang huling salita.

Paano nga ba naman kasi magiging manager pa rin si Miyoko kung matagal na siyang wala? At hindi na muli pang babalik.

Akala ko napansin ng babae ang biglang pag-iba ng emosyon ko, pero hindi pala. Hindi kasi siya nakatingin sa akin. Meron siyang tinitignan sa labas hanggang sa dumating ang dalawang bowl ng beef ramen.

"So mahilig ka pala sa ramen?" tanong ng babae.

"Oo," sagot ko. Nang iangat ko ang bowl para higupin ang mainit na sabaw, napansin ko na nakatingin lamang siya sa kanyang pagkain. "Hindi ka ba mahilig beef ramen?"

"Hindi. Gusto ko rin 'to. Meron lang kasi akong naalala."

Hinawakan niya ang kanyang chopsticks at kumuha ng isang chunk ng beef. Napakahinhin niyang kumain. Nahiya tuloy ako sa sarili ko dahil medyo masiba akong kumain.

"Sorry nga pala sa nangyari kanina," bigla niyang banggit. "Hindi kita dapat hinabol."

"Awodyapat-angmagshowishayo," sabi ko habang ngumunguya.

"Anong sabi mo?"

Lumunok muna ako nang maigi. "Ang sabi ko, 'Ako dapat ang mag-sorry sa'yo.' Pasensya na talaga sa nangyari last month."

Bigla ko na lamang napansin na wala na palang laman ang aking bowl.

"Gusto mo pa ba?" tanong niya. "Magsabi ka lang. Ako ang magbabayad."

"Hindi, ok lang. Busog na ako." Pero nakatingin ang mga mata ko sa kanyang bowl.

"By the way, ako nga pala si Isabel. Isabel Altamira," sabi niya sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

"Ako naman si Yosef. Yosef Seymour."

Nakipagkamay ako sa kanya – at ang kamay na niya yata ang pinakamalambot na kamay na nahawakan ko. Napatitig ako sa kaniya at tila tumigil ang oras. Na-imagine ko tuloy na nabalutan ng bubbles ang paligid tulad ng sa mga movie.

"Ahem," sambit niya. "Yung kamay ko."

"Ano yun?" sabi ko, habang nakikipag-kamay pa rin sa kanya.

"Ang sabi ko, 'Yung kamay ko.'"

"Ay. Yung kamay mo nga pala. Sorry."

At pinalaya ko na rin ang kamay niya mula sa pagkakabilanggo nito sa sarili kong kamay.

Muli ay dinako niya ang kanyang mga mata sa kalsada sa labas. Sinubukan kong alamin kung ano ba ang tinititigan niya sa labas, pero wala naman akong nakitang dapat niyang tignan sa labas. Pero nagkataon na kami ay nakalinya sa pedestrian lane sa labas. Nang pinatigil ng red light ang mga sasakyan ay tumawid ang mga tao sa kalsada.

"Bigla ko lang kasi naalala yung ex ko," sambit niya sa wakas. "Nag-date kami dito isang beses, at tumawid siya sa pedestrian lane na yan na may dala-dalang bulaklak para sa akin."

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon