Part 1-4

27 3 0
                                        

Nabalutan ng pulang liwanag ang buong paligid, habang patuloy sa pag-alingawngaw ang sirena ng ambulansya at rescue truck.

Tinungo ko ang mga rescuer pagkababa nila ng mga sasakyan. Ipinakiusap ko na iligtas ang aking kaibigan. Isa sa kanila ang nagtapik sa aking balikat at nagsabing gagawin nila ang lahat ng makakaya nila. Isa pang lalaki ang nagsalita na maging kalamado lamang ako at manalangin para sa kaligtasan ni Miyoko.

Ang tanging magagawa ko na lamang sa ngayon ay ang panoorin sila habang isinasagawa nila ang rescue operation. Sinumulan nilang hatakin ang driver's seat gamit ang kanilang mga equipment.

Sa loob lamang ng ilang minuto, nailabas din nila si Miyoko mula sa sasakyan. At doon ko lamang napagtanto na ang kanyang sinapit ay mas malala pa kaysa sa inaakala ko – may mga bali ang kanyang mga hita at ang buong kasuotan niya ay tila nababad sa sarili niyang dugo.

Maingat nilang nilagay ang kanyang katawan sa stretcher at dinala sa loob ng ambulansya. Sinundan ko sila sa likuran at nakita kong inilagay ng isang rescuer ang kanyang hintuturo at middle finger sa leeg ni Miyoko.

"Please, sabihin niyo po sa akin na buhay pa siya," nag-aalala kong sinabi.

Walang tugon ang rescuer, ngunit ang kanyang mga mata ay tila nagsasabi na wala nang heartbeat si Miyoko.

Mas naging makapigil-hininga ang sumunod na nangyari. Isang lalaki ang humawak ng defribillator at inilatag ito sa dibdib ni Miyoko. Sa bawat electric shock ay umaangat ang katawan ng biktima. Ngunit pagkatapos ng ilang attempt... ay hindi na nila nagawa pang ibalik ang buhay ni Miyoko.

Tila naubos ang buo kong lakas at napaupo na lamang ako sa gilid ng ambulansya. Gusto kong sabihin na ihatid pa rin siya sa hospital, kahit alam kong idedeklara lamang ng doktor na siya ay dead on arrival. Sinusubukan akong i-console ng mga tao sa paligid. May sinasabi ang kanilang mga bibig ngunit ako'y tila nabingi at walang marinig.

Bigla kong naalala ang isang importanteng bagay na dapat ay kanina ko pa ginawa – kanina ko pa dapat tinawagan ang mga magulang ni Miyoko. Marahil ay nasa restaurant pa rin sila at hindi alintana ang naging kapalaran ng kanilang anak. Tumayo ako at marahang naglakad papalayo. Nilabas ko ang aking cellphone at inipon ang natitira ko pang lakas para i-dial ang number ng mama ni Miyoko.

"Yosef, bakit ka napatawag? Makikipagkita dapat si Miyoko sa restaurant ngayong gabi, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kasama mo ba siya ngayon?"

"Auntie, si Miyoko po ay..."

Pinikit ko ang akingmga mata at tinanong sa sarili: Paano ko ito sasabihin sa kaniyang mga magulang.

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon