Part 2-5

12 2 0
                                    

Nang makita ko siya sa labas ng bowling center, una kong napansin ang kanyang kasuotan. Athletic ang dating niya sa suot niyang all-white polo shirt, sport shoes – at joggers na tight enough para makita ko ang exact curves ng, alam mo na, kanyang buttocks. Hindi tuloy kami match. Buti na lang may suot akong gray na jacket para takpan ang suot kong school uniform.

Nang ipakita ko ang sarili ko sa kanya, sumimangot siya at kumunot ang kanyang noo.

"Bakit?" tanong ko na naguguluhan. "May ginawa ba akong mali? Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina kung ano dapat ang suot ko."

"Hindi iyon. Late ka."

"Huh?" At tinignan ko ang aking wristwatch. "Three minutes lang naman akong late, ha. Big deal na ba sa'yo iyon?"

"Oo naman. Babae ako at hindi dapat pinaghihintay ng lalaki ang isang babae. Dapat it's other way around."

Hindi ko alam ang sasabihin, hanggang sa hinila na lamang niya ang aking braso at ngumiti:

"Tara na nga. Excited na akong maglaro."

Alam mo, hindi ko talaga maintindihan ang mood swing nitong babae na 'to.

Akala ko, tuturuan niya akong maglaro ng bowling. Pero nang makapasok na kami sa bowling center, doon ko lamang nalaman na siya pala ang nag-eexpect na ako ang magtuturo sa kanya. Never pa talaga akong nakakapaglaro ng ganitong sports.

Kahit papaano, natuwa naman ako sa aming paglalaro. Nakailang attempt din kami bago kami may naipatamang bola sa ilang pins at hindi lang basta napupunta sa kanal. Dahil dito napahiyaw si Isabel sa tuwa na umalingawngaw sa buong bowling center. Napatingin tuloy ang mga tao sa amin. Naglapitan ang ilan at pinanood kami sa likod. Pero meron akong isang napansin – Puro mga lalaki sila! Sinusundan ng mga mata nila ang bawat galaw ni Isabel at napansin kong nakatitig sila sa kanyang puwitan.

Si Isabel na ang magpapagulong ng bola. Pagyuko niya, tumaas ang likurang bahagi ng kanyang shirt at bahagyang nakita ang balat niya sa likuran. Naghihintay siguro ang mga lalaki na may dumungaw na butt crack. Kaya nang matapos si Isabel sa kanyang turn, hinubad ko ang aking jacket at sinabihan siyang itakip ito sa kaniyang baywang.

"Teka lang, Yosef. Bawal yata ang estudyante dito."

"Ok lang 'yan. May undershirt naman ako. Tatanggalin ko na lang yung uniform ko."

"Alam mo bang nagsuot ako nang ganito para i-impress ka? Tapos tatakpan ko lang?"

"Seryoso ka ba?" Natawa ako nang marahan. "Siguro, ayaw ko lang na may ibang taong nakakakita."

"Ibig sabihin, tumitingin ka rin. Ikaw talaga. Sige na nga. For your eyes only."

Nang simulan niyang i-cover ang kanyang baywang gamit ang aking jacket, ang mga asshole sa aming likuran ay nagsimula na ring mag-alisan.

"Inggit na inggit siguro sila ngayon sa iyo," sambit ni Isabel habang nakangiti.

Crossroads (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon