July 25, 2008. Birthday ni Miyoko. Binisita ko ang kanyang mga magulang para kamustahin ang lagay nila ngayon ilang buwan matapos pumanaw ang kanilang anak.
Nang makarating ako sa kanilang bahay, nakita ko ang kanyang nanay na nakaupo sa front porch. Nakatalikod siya sa akin. Kaya naman nang lumapit ako sa kanya ay hindi niya ako napansin. Busy siyang tumitingin ng mga picture na nakalatag sa table. Mga larawan ng nag-iisa niyang anak na si Miyoko.
"Auntie," sabi ko.
"Oh, Yosef. Nandito ka pala," sabi niya na nakangiti.
Umupo ako sa tabi niya at may kinuha siyang isang larawan ni Miyoko na kuha noong limang taong gulang pa lamang siya at nagbo-blow ng candle sa birthday cake.
"Tignan mo si Miyoko dito," sabi ng nanay niya sa akin. "Napaka-cute at cuddly niya noong bata pa siya."
May kinuha muli siyang picture naming dalawa ni Miyoko noong bata pa kami at nasa loob ng crib. Umiiyak ako sa larawan, habang nakangiti naman si Miyoko. Ngayon ko lang nakita ang photo na ito, at wala akong idea kung bakit ako umiiyak doon.
"Alam mo ba? Madalas kayong mag-away ni Miyoko noong maliliit pa kayo," sabi ng nanay niya sa akin. "At ikaw ang madalas umiyak sa huli. Pero sa totoo lang, mas maraming kayong good memories ni Miyoko."
At may pinakita siya sa akin na ilang mga picture na naglalaro kami ni Miyoko sa playground na may malalaking ngiti sa aming mga mukha. Napangiti ako nang may makita akong picture namin ni Miyoko na nakaakbay sa isa't isa at nakasuot ng toga noong graduation. Nakasuot siya ng medalya sa photo. Tatanungin ko na sana ang kanyang nanay kung anong award ang nakuha niya noong araw na iyon nang mapansin kong umiiyak si Auntie.
"Bakit pa kasi kailangan niyang mawala?" sabi ni Auntie, habang nagpupunas ng luha. "Ipapakilala na niya dapat ang kasintahan niya noong araw na iyon. Pero hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong gawin iyon... at kahit kailan, hindi na niya magagawa iyon."
Malinaw ang intensyon ni Miyoko. Gusto niyang ipakilala si Bella noong araw na iyon... Pero nasaan nga ba si Bella nang mga oras na iyon? Kasama dapat niya si Miyoko. Pero bakit wala siya sa sasakyan nang mangyari ang aksidente? Nasaan siya noong mga sandali na pumanaw ang kanyang boyfriend?
Hinawakan ko ang kamay ng nanay ni Miyoko at nangako:
"Hahanapin ko po siya.Hindi ko po alam kung saan at papaano, pero hahanapin ko po siya para kay Miyoko."

BINABASA MO ANG
Crossroads (Tagalog)
Romance'Crossroads' is where the roads of two people's lives are destined to meet. Naliligaw ng landas ang buhay ng college student na si Yosef hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang isang prangka-ngunit-magandang si Isabel na nagsimulang baguhin ang...