Part 13

499 0 0
                                        

Kinabukasan ay niyaya nya ako magpunta sa mall, alam nya hindi ako pwede
lumabas pero sabi nya saglit lang daw kami. Pumayag naman ako kaya
nagpunta kami sa mall dinadasal ko lang na huwag tumawag ang mga
magulang ko habang wala ako. Pagdating sa mall ay alam nya agad ang
pupuntahan nya pero ang bagal ng aming lakad. Magkikita pala sila ng mga
barkada nya nang malapit na kami sa kanila bigla nyang hinawakan ang
aking kamay, wow holding hands kami bigla nang humarap kami sa mga
barkada nya. “Hi, guys, si Pepito, boyfriend ko” sabi ni Katrina sa
kanila. Parang nablanko ang aking isip at natulala nalang ako. Nagtilian
ang mga babaeng barkada nya, may isang lalake don na biglang masama ang
tingin sa akin. Pinakilala din nya isa isa ang mga barkada nya at yung
asungot na lalakeng masama ang tingin sa akin. “Di ako makakasama sa
overnight mamaya, may lakad pa kasi kami e” sabi ni Katrina sa mga
barkada nya. Bigla nila hinila si Katrina at nagbulungan sila, nahiya
tuloy ako at napatingin ako sa lalake, ang sama parin ng tingin nya kaya
nilapitan ko sya agad. “May problema ka ba?” sabi ko sa lalake. Nagulat
naman sila lahat at napatingin sila sa amin. “Wala pare” sabi naman ni
asungot. “E bakit ganyan ka makatingin ano gusto mo mangyari?”sabi ko
para akong siga, sa totoo ay nagtatapang tapangan lang ako at ginagaya
ko ang minsan inasta ni Kuya Jerry nung may nakaaway sya. Mas matangkad
naman ako at mas malaki ang katawan kumpara kay asungot kaya lalo ko pa
syang nilapitan. Natatawa ako sa itsura ni asungot pagkat halatang
natatakot na sya, inawat ako agad ni Katrina at hinila palayo. Nagpaalam
na sya sa mga barkada nya at may binili lang kami at saka nagtaxi na pauwi.

Naglakad nanaman kami mula gate paloob sa village. Akala ko galit sya sa
nagawa ko sa mall pero bigla sya tumawa mag isa. Tumigil ako at sabi ko
“bakit ka tumatawa?”. “Nakita mo ba itsura ni Mark? Takot na takot sa
iyo” sabi nya at tumawa ulit sya. “Ang sama nya makatingin kasi e,
sorry” sabi ko sa kanya. “Hindi ok lang, kasi nanliligaw sa kin yon e,
di ko type, pero nakakaawa ang itsura nya nang hamunin mo” sagot nya
sabay tawa parin. Nagtuloy ang aming lakad at bigla nya hinawakan ang
kamay ko muli. Napatingin ako sa kanya at patay malisya kunwari sya.
Halos napapangiti ako sa tuwa at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya
at kunwari patay malisya din ako. Nang makarating kami sa tapat ng bahay
nila ay napatingin sya sa kamay namin at nagtataka naman ako. “Papasok
na ako pwede ka na bumitaw” sabi nya bigla. Napahiya ako tuloy at
nagkamot ako ng ulo at ngumiti nalang ako. Bigla nya ako binigyan ng
mabilis na smack sa labi sabay lingon sa bahay nila at sabi nya
“puntahan kita mamaya” at pumasok na sya sa loob. Nang pauwi ako parang
naglalakad ako sa ulap at di ko alam bakit, basta masaya ang pakiramdam ko.

Alas singko ng hapon ay may kumatok sa pinto ng bahay. Pagbukas ko ay si
Katrina nakabihis panglabas at may dala syang bag. “Saan ka pupunta,
naglayas ka sa inyo?” sabi ko sa kanya. pumasok sya agad sa bahay at
binaba ang bag nya at sabi “hindi, sabi ko makikisleepover ako sa
barkada, matagal ko na sinabi sa kanila at pumayag naman sila” sabi nya
sa akin. “Pero sabi mo sa barkada mo kanina di ka makakapunta” hirit ko
sa kanya. “Oo nga di naman ako pupunta” sabi nya sa akin. Sapat na yon
na sagot at bigla akong nakaramdam ng nerbyos at excitement bigla.

Nagpunta ako kusina para magluto, adobo lang ang pinakamabilis at sanay
ako kaya agad ko hinanda ang sangkap. Habang nagluluto ako ay lumalapit
sya at hinahalikan ako sa pisngi, minsan ay sa labi pero panandalian
lang. Nang matapos ako magluto hinanda ko ang lamesa at kumuha ako ng
uling sa likod ng bahay para lokohin sya. Pagkaupo nya sa lamesa ay
pinatong ko sa harap nya ang plato na may uling. “Ayan ginulo gulo mo
ako kanina kaya nasunog tuloy” sabi ko sa kanya. napatawa sya bigla ng
matindi at pinulot ko pa yung isang uling para kunwari kakagatin. Nilayo
ko na yung uling at nilabas ang tunay na ulam pero tawa parin sya ng
tawa. Nilapit nya ang upuan nya sa akin at kumain na kami.

Pagkatapos ng hapunan ay naupo kami sa sofa at nanonood ng telebisyon.
Tumayo sya at pinatay ang ilaw para daw mas maganda manood ng tv.
Magkatabi kami sa sofa, di ko naiintindihan ang palabas pagkat iba ang
nasa isip ko, kinakabahan ako at naiinitan. Paglingon ko sa kanya ay
napatingin din sya sa akin di ko na natiis at hinalikan ko na sya agad.
Napahiga ako sa sofa at pumatong sya sa akin, niyakap ko sya at tuloy
ang pagsagupa ng aming mga labi. Nahihiya ako na hipuin sya sa
maseselang parte nya kaya hanggang paghahaplos lang sya likod nya ang
nagawa ko.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon