Chapter 12: Dark Night

219 1 0
                                        

Chapter 12: Dark Night
The following Saturday naglalakad kami ni Bea sa labas ng bahay nila, maaliwalas ang gabi at busog na busog kami kaya nagpasya kami maglakad lakad. Pagkatapos ng isang oras pabalik na sana kami sa kanila biglang may sumulpot na tatlong lalake. Namukhaan ko si Joey pero may pumalo sa likod ng ulo ko at napahiga ako sa semento. Naririnig ko ang sigaw ni Bea, bumangon ako dahan dahan at nakita ko hawak siya ni Joey. Pinagsisipa ako ng dalawa pang lalake, bawat sipa lalayo sila. “Ingat kayo diyan traydor yan” sabi ni Joey.

Napadala ulit ako sa semento, masakit ang mga sipa nila sa tagiliran ko. Kung lalaban ako mabubuking na ako ni Bea, kailangan ko mag isip ng mabilis kung hindi ako din lang ang kawawa. “Bea, natatandaan mo pa yung sinabi ko noon, kailangan ko na ipakita sa kanila” sabi ko at nagtataka si Bea. “Ano ang ipapakita mo kupal?” tanong ni Joey. “Bird ko” sabi ko at biglang nagtawanan yung dalawang kasama niya. Nahawakan ko ang stick ko at bigla ako tumayo. “Pag kalaban niyo bulag wag na wag kayo mag iingay kung hindi malalaban niya nasan kayo!!!” sigaw ko sabay winasiwas ko ang stick ko at natamaan ko yung isa sapol sa mukha. Natumba siya sa sahig, winasiwas ko ulit at tinamaan ko ulit yung isa. Tinapon ko yung stick papunta kay Bea, napasigaw siya at umilag, eksakto napatalikod siya kaya nagawa kong labanan yung dalawa.

Eto ang problema sa mga rich kids, matapang lang pag madami sila, pero one on one wala na. Habang nakatalikod si Bea panay sapol sa mukha ang mga suntok ko, pagharap ni Bea kunwari para akong bulag talaga na suntok ng suntok sa hangin. Sumugod si Joey at may cast parin ang kamay niya, sinipa ko yon at ubod ng tindi ng sigaw niya. Tumayo si Bea at pinagtatadyakan niya si Joey, nasapol ko ng sipa ang mga mukha ng dalawa at nang lapitan ako ni Bea kunwari sumusuntok parin ako sa hangin. “Tama na tara na” sabi nya. “Nasan sila tumakbo na ba sila?” tanong ko kunwari. “Hindi nakahiga sila, ang galing mo Athan!” sabi ni Bea. “I told you, I told you, ako ang Bulag na Diyablo, siyempre tagalog kasi si pareng Ben Affleck yung english e” sabi ko at tawa ng tawa si Bea.

“Sigurado ka di na sila babangon?” tanong ko sabay yakap kunwari sa kanya. Lumapit si Bea kay Joey, sinipa niya ulit ito, “Eto dahil hinawakan mo boobs ko!” sigaw niya, bumalik sa akin si Bea at inabot ang stick ko. Lumapit ako kay Joey at pinaghahampas ko ng stick, “Tarantado ka! Hinawakan mo boobs niya! Inunahan mo pa ako animal ka!” sigaw ko at tawa ng tawa si Bea, hindi niya ako inawat at tuloy ang pagpapalo ko kay Joey. Tumigil na ako at naglakad na kami palayo, “Bakit parang baluktot stick ko?” sabi ko at tumawa si Bea. “Baluktot na nga, dibale bilhan kita bago” sabi nya. “Bea, nasan yung dalawa, ilapit mo ako sa kanila” sabi ko at ginawa naman niya. “Nasan yung isa?” tanong ko, “Left” sabi nya, “Aha! Isa ka pa ungas ka pagbabantaan niyo buhay namin! Tignan mo nabaluktot stick ko!” sabi ko at talagang hinampas ko ng malakas ang katawan niya, tatakbo na sana yung isa pero nagawa ko siya hampasin sa ulo kaya napahiga ulit siya. “Gago ka kakasuhan ka namin!” sigaw ni Joey.

“Sige sino maniniwala sa iyo? Tatawanan ka pa nila, nagulpi kayo ng isang bulag at isang babae, o sige nga. Pag ako sa inyo tatakbo na ako kasi any minute dadating na si Gorio…si Greg pala” sabi ko at tumayo yung tatlo at nagtakbuhan. Tawa ng tawa si Bea, ilang sandali may mga taong sumalubong sa amin, nandon si Greg, si Madam Becky, si Victoria at driver niya at ibang pang residents doon.

Nakwento ni Bea ang lahat sa kanila, todo asikaso naman sa akin si Victoria at naglakad kami papasok ng bahay. Inulit ni Bea ang kwento niya para kay Faye at Georgina na busy nanonood ng dvd kanina, aliw na aliw at tawa ng tawa parin si Bea, di siya makapaniwala sa nangyari. Safe nanaman ang sekreto ko kahit na nabaluktot ang walking stick ko. Bumalik sina Faye at Georgina sa movie room habang kami ni Bea nagpunta sa kwarto niya. Naupo ako sa kama at sumandal sa dingding, pinatay niya ang ilaw at saka naupo sa ibabaw ko. “Ang galing galing mo kanina ah” sabi nya sabay haplos sa mukha ko. “Adrenaline lang yon” sagot ko at tumawa siya. “Nagalit ka nung nalaman mo nahawakan niya boobs ko?” tanong niya at ngumiti ako. “Siyempre. Protective ako e, ungas yon naunahan pa ako” biro ko sa kanya at tawa nanaman siya ng tawa.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon