Part 17

16 0 0
                                        

Nang sumapit ang bisperas ng kinaiinipan kong araw ay saka ako nagsabi kay Des at Anne. As usual may konting pagsisinungaling na naman para maiwasan ang hinampuhan. Ang sabi ko ay biglaan ang pagtawag ng kapatid ni Mommy kaya ura-urada ang aming pagpunta sa Bulacan...isang family reunion ang naisip ko idahilan. Ok lang kay Anne at sinabihan pa ako ng "take care and give my regards to your family."

Si Des naman ay halata kong gustong magprisintang sumama pero hindi nagawang sabihin, nahihiya siguro at sa pakiwari ko ay nag-aantay na yakagin ko, pero hindi ko ginawa. "Sweetie pie, next time na pumunta kami dun, isasama kita ha...after our family reunion...then ipapakilala kita sa mga kamag-anakan ko sa Bulacan" pagbibigay pakonsuelo ko kay Des upang hindi magtampo. Naunawaan naman nya ko, tumango sya at ngumiti sa akin na ginantihan ko naman ng napakalambing na halik.

Alas otso ng umaga nang kami ay makarating sa Malolos, Bulacan...ang bayan na sinilangan ng aking mommy. Sa barangay Matimbo matatagpuan ang kanilang ancestral house na kasalukuyang tinitirhan ng bunso nilang kapatid na si tito Raul. Dalawa na rin ang anak ni tito Raul, parehong barako, dose anyos ang panganay at otso naman ang pangalawa. Masinop sa bahay ang asawa ni tito, sa katunanayan ay maganda ang pagkakaayos ng loob at labas ng bahay, at halatang iniingatan ang pagka-orihinal ng ilang parte ng kabahayan na pwede pang i-preserve, at bumagay naman sa pagkaka-renovate ng ilang bahagi. Malawak ang bakuran nina tito, sa harapan ay may puno pa ng langka at makapuno, sa duluhan naman ay may mga puno ng saging, mangga, santol, kaimito at iba pa. Sa ilalim ng puno ng mangga ay may duyan at papag na paboritong pahingahan ni mommy sa tuwing pumupunta kami dito dahil napakasarap ng ihip ng hangin...maaliwalas.

"Ate hindi pa ba mag-aasawa itong pamangkin ko ha" sabay tapik ni tito sa balikat ko. "Ewan ko ba dyan, wala pang iniuuwi ng bahay at ipinakikilala sa aking girlfriend eh" sagot ni mommy. "Naku delikado na yan, baka pilantikin din ang mga daliri nitong pamangkin ko, sayang ang ka-guapuhan...kaisa-isa pa naman" sabay halakhak ni tito. "Wala pa lang po sa tamang panahon tito, hayaan nyo pag meron na akong ka-engaged isasama ko dito at ipapakilala ko sa inyo" salag ko naman.

Matapos ang aming masaganang almusal ay nagsimula na kaming maghanda ng mga dadalhin para sa pagpunta sa palaisdaan nina tito. Si manang ay halatang excited na excited na dahil alam nya na sasakay kami ng bangka papunta sa palaisdaan, lalo na si Neneng na waring kinasasabikan ang muling paglusong sa dagat na kanyang kinamulatan at kinalakhan. Nang maayos na ang lahat ay isinakay na namin ang mga gamit sa isang pampasaherong jeep na kamag-anakan din namin ang may-ari at tumungo kami sa kalapit na pondohan kung saan nag-aantay ang mga bangka naming gagamitin.

Tatlong bangka ang naroon, isang malaki at dalawang medyo may kaliitan. Sumakay sa maliliit na bangka ang mga trabahador ng palaisdaan, at doon naman kami sumakay sa malaki kasama sina tito at tita. Habang ginagabayan at inaayos ng piloto ang mga sumasakay ay napansin ko ang mga kalalakihan sa pondohan na masusing nangakatingin sa banda namin, ang iba ay nagbubulungan pa, pero sa totoo lang iisang direksyon ang pinatutunguhan ng kanilang mga mata...kay Neneng. Naka t-shirt lang ng puti si Neneng at light blue na jogging pants na bagay na bagay sa kanya, hindi mo aakalain na mumurahin at sa Divisoria lang binili nina mommy, lalong lumutang ang kakinisan ng kanyang balat. Kay gandang pagmasdan ng kurba ng maliit nyang beywang at ang korte ng kanyang malantik at bilugang pwet. Bumagay din ang pagkakatirintas ng kanyang buhok na nagpatingkad ng kanyang mala-inosenteng kagandahan na kung hindi mo kakilala ay mapagkakamalan mong isang anak mayaman na ni hindi pinapadapuan sa langaw ng kanyang mga magulang. Alam ko maraming mga mata na humahanga, nagpipiyesta at nanggigigil sa kabuuan ni Neneng habang papasakay ng bangka...di ko naman sila pedeng pigilan dahil normal lang sa lalake ang humanga o magnasa sa isang kagandahang tulad nya... depende na lang yun kung papano mo dadalhin ang pagpapantasya.

Sina mommy at tito ay doon sa bandang unahan pumuwesto, ang asawa ni tito at mga anak nila, kasama ang iba pa naming mga pinsan, ay sa gitna, kasunod ay ang mga dala naming gamit, sa parteng hulihan naman si manang at si Neneng. Dahil huli akong sumakay ay sa bakanteng lugar sa hulihan din ako nakakuha ng pwesto sa likuran nina Neneng...at sa likuran ko ay ang piloto ng bangka katabi ang makina.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon