The Naughty Adventures of Pepito - Mapanuksong Bagong Taon (Part 1)
Habang nasa biyahe kami ay di ko parin makalimutan si Arlene, bawat
pikit ko ng mata ko para maiglip ay naglalaro sya sa isipan ko. Medyo
magkalayo kami ni Katrina sa likod ng kotse, natatakot kami sa magulang
nya, medyo strikto kasi sila. Tatlong oras din kami nagbiyahe at
pagdating namin sa lugar nila ay napakalaking mansion ang agad kong
nakita pero di kami doon dumiretso. Huminto kami sa isang bahay na
katabi ng malaking mansion. Pagbaba ko palang natanong ko si Katrina
kung kanino yung mansion at sabi niya sa lolo at lola nya. Doon kami sa
maliit na bahay titira, may apat na maliliit na bahay na nakapalibot sa
malaking mansion, may swimming pool pa sa likod.
“Yan mansion sa lola at lolo ko, dyan sana tayo pero madami na tao dyan,
kaya dito tayo” sabi ni Katrina sa akin. “E kanino naman ito?” tanong ko
sa kanya. “Sa lolo at lola ko parin, itong apat ang guest houses” sabi
nya. manghang mangha ako sa yaman nila, kahit yung maliit lang na bahay
kuntento na ako. Agad namin pinasok ang mga gamit sa bahay na tutuluyan
namin, may isang kwarto sa first floor at dalawa sa second floor. Yung
mga magulang ni Katrina ang sa first floor at tig isa kaming kwarto ni
Katrina sa taas.
Pagkatapos namin mag settle in sa bahay ay agad ako hinila ni Katrina at
lahat kami pumunta sa mansion. Pagpasok namin ay ang daming tao sa loob,
napatingin lahat sa amin ang mga tao. Agad naman ako pinakilala ni
Katrina sa lahat, lalo na sa lolo at lola nya. akala ko nakita ko na ang
lahat ng tao pero sa isang kwarto kami nagpunta at lahat ng pinsan ni
Katrina nandon, pinakilala din nya lahat sa akin. Halos lalake ang mga
pinsan nya, konti lang ang mga babae. Pero meron ako agad nakita na
magandang babae na parang masama ang tingin sa akin.
Nang lumabas kami para maglibot sa paligid ni Katrina natanong ko sa
kanya kung sino yung babaeng yon, sabi nya siya daw si Nika, girlfriend
daw ng pinsan nyang lalake. “Bakit type mo sya?” tanong ni Katrina sa
akin. “Hindi no, masama lang sya makatingin kasi” sabi ko naman pero sa
loob loob ko ay nagagandahan ako sa kanya. nang pabalik na kami ay
nakasalubong namin ang pinsan nyang si Ted, kasama niya si Nika. “Tara
na sa loob insane kain na daw” sabi ni Ted sa amin. Masama parin
makatingin si Nika sa akin kahit na ngumiti na ako sa kanya, sinundan
namin yung dalawa na pumasok sa mansion para maghapunan.
Sa main dining area ang mga matatanda at kami naman na mga mas bata ay
sa pangalawang dining area kumain. Mababait ang mga pinsan ni Katrina sa
akin, maayos ko silang nakakausap, si Nika lang talaga ang di kumakausap
sa akin at laging matalim ang tingin. Hinayaan ko nalang sya at nag
enjoy ako sa pagkain, kami lang dalawa ni Nika ang parte ng pamilya
nila, lahat ng mga iba kapamilya lahat ni Katrina. Matapos ang hapunan
ay nagpunta kami sa isang kwarto at doon tumambay, lalo ko pa nakilala
ang mga pinsan ni Katrina. Sumama si Katrina sa mga pinsan nyang mga
babae ako naman iniwan nya sa mga pinsan nyang lalake. Late na nung
mapanik kami sa tutulugan naming bahay, agad akong nahiga sa kwarto at
natulog dahil sa pagod.
Kinabukasan ay maaga ako ginising ni Katrina, sabi nya maligo na ako
agad pagkat maaga ang almsal sa mansion. Pagdating namin sa mansion
ganon nanaman ang nangyari tulad nung hapunan. Halos nauna kami ni
Katrina sa dining table at isa isang nagpasukan ang mga pinsan nya.
hinahanap ko si Nika pero wala sya, nandon naman na si Ted sa lamesa.
Nagsimula na kami kumain at wala parin sya, ang ingay sa lamesa dahil sa
kwentuhan, bumukas ang pinto ng dining area at nakita ko si Nika basang
basa pa ang buhok, napalingon lahat sa kanya at namula ang mukha nya.
agad syang naglakad papunta sa tabi ni Ted at nginingitian nya lahat,
pagkaupo nya ay napatingin sya sa akin, nawala bigla ang ngiti sa mukha
nya at napataas pa ang kilay nya sa akin. Kumain nalang ako at di ko na
sya pinapansin.
Matapos ang almusal ay nagpunta kami sa kwarto muli, pinatawag ang lahat
ng magpipinsan at naiwan kami ni Nika sa kwarto. Naupo lang ako sa isang
tabi at pinagmamasdan ko si Nika. Napatingin sya sa akin at sinubukan ko
ngumiti pero natakot ako bigla pagkat inirapan nya ako. Tumayo nalang
ako at lumabas ng mansion at naglakad lakad sa paligid. Trenta minutos
din ako naglibot at bumalik na ako sa loob, wala parin yung mga
magpipinsan sa kwarto, si Nika lang ang nandon at nagbabasa ng magazine.
Naupo nalang ako at kumuha din ng mababasa. “Pepito, tama ba?” nagulat
ako at nagsalita si Nika at napatingin ako sa kanya. “Oo, bakit?” sabi
ko naman sa kanya. “Nika” sabi nya sa akin. “Ano?” sabi ko sa kanya.
“Nika ang pangalan ko” sabi nya sa akin. “Oo alam ko” sabi ko sa kanya
at tinarayan ko din sya sabay nagbalik ako sa pagbabasa ng magazine.
Natatawa ako sa loob loob ko pagkat binabawian ko sya sa pagtataray din
nya sa akin.
