Part 4

24 0 0
                                        

“Teka magkano ba ang usapan nyo ni Mommy na sweldo mo”. “1,800 po ang sabi sa akin ni Manang Mily”. “Ah ok, hayaan mo at pag makaka overtime ako sa opisina eh aabut-abutan kita paminsan-minsan para pandagdag sa padala mo sa inyo”. “Wag na po koya, kakasya na po yung sweldo ko”. “Ah basta pag inabutan kita kunin mo ha”. “Salamat po koya”.

Manaka-naka kong sinusulyapan si Neneng habang kumakain na nakayuko, minamasdan ko ang pagsubo nya, ang pagpasok ng kutsara sa kanyang bibig. Tila ba kay lalambot pagmasdan ng kanyang mga labi. Inimagine ko na ang kutsarang pumapasok sa kanyang bibig ay ang aking tarugo, na sa bawat pasok ay pasipsip na hinihimod ang dulo at nilalaro ng kanyang mainit na dila. Sa imahinasyong yun ay tumigas ang aking alaga. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang dibdib, may bra aninag ko, pero di naging hadlang ang suot na bra para pagpantasyahang muli ang magandang dibdib ni Neneng dahil nakita ko na ito isang umagang nagwawalis. Yun ang pilit kong inirehistro sa aking utak. Dahan-dahan kong hinubaran si Neneng sa aking imahinasyon, ibinaba ko ang tirante ng kanyang duster at tumambad sa akin ang naninigas at nanunulis nyang suso, at bawat subo ko sa aking kutsara ay iniisip ko na suso ni Neneng yun at aking sinisipsip. Nag-init ang aking pakiramdam at wala ng paraan para patigilin ang pag-angat ng aking batuta na namumukol sa aking harapan. Ano ba ang aking nararamdaman, kanina lang ay halos di ko pagsawaan si Anne sa aming pagtatalik, pero ano ito? Parang gayuma sa akin si Neneng, iba ang karisma, iba ang dating, parang kay sarap katalik….

Natapos ang aming pagkain na ewan ko kung nabusog ako o hindi, ang alam ko sumakit ang aking puson at namasa ang aking brief dahil sa imahinasyong naglaro sa aking isipan. “Excuse po koya” tumayo si Neneng at lumakad papuntang lababo. Hindi naman ako makatayo agad dahil sa nag-aalburuto kong alaga na namumukol sa aking shorts. Nagpalipas muna ako ng ilang sandali, nag isip ng kakaiba para kumalma si tarugo, katatakutan, gyera at iba pa, pero malakas ang hatak ni Neneng sa aking kamunduhan kaya ayaw lumambot ang aking teksas.

Ilang minuto rin ang lumipas ay naramdaman ko ang marahang paglambot, inisip ko kasi na anumang oras ay pedeng dumating sina mommy at Manang Mely, pero hindi yun sapat para lubusang manahimik ang mabagsik kong alaga. Pagtayo ko na alam kong syang hinihintay si Neneng ay sabay lapit nya sa mesa upang ligpitin ang aming kinainan. Dumeretso ako ng lababo at naghugas ng kamay. Nagsasabon ako ng kamay nang kumalabog ang mga plato sa lababo at sa sahig. “Nako, surry po koya, nadolas sa kamay ko”. Dadamputin ko sana yung nasa lababo pero mabilis ang ginawang pag-awat ni Neneng sa kamay ko…”Ako na pu koya”. Dumantay ang kanyang braso sa akin at muli kong naamoy ang bango ni Neneng. Ramdam ko ang kinis ng kanyang balat na bahagyang kumiskis sa aking braso habang tuliro sa pag aayos ng nagkalat na plato sa lababo. “Koya nabasag po yung isa sa sahig” pag-aalalang sabi. “Ok lang yan, konting bagay lang yan at normal, wag mong intindihin”. Biglang dinukwang ang nabasag na plato sa sahig upang pulutin. Di ko agad napansin kaya di ako nakailag, sapol ang malagihay kong alaga ng malambot na pwet ni Neneng, halos mapisak sa lakas ng impact, pero hindi masakit kundi masarap. “Ayyy sorry po koya” sabay takbo at umapuhap ng walis. Alam kong damang-dama ng kanyang pwet ang init at tikas ng aking tarugo kaya di malaman ng kung ano ang pupulutin. Naalarma naman ako, baka dahil sa nangyari eh lalong matuliro at iwasan ako ni Neneng. “Neng ok ka lang ba? Papasok na ko sa kwarto ikaw na bahala dito ha” pa-patay malisya kong sabi. “Opo koya”.

Pagpasok ko ng kwarto, biglang dating naman nina mommy at dinig ko ang pagsesermon ni manang Mely kay Neneng. “Neneng anong nangyari” si manang Mely. “Nadolas po sa kamay ko ang plato, nabasag po yung isa” maliksing sagot ni Neneng. “Hindi ka kasi nag-iingat eh nakabasag ka tuloy, eh mahal ang mga plato ngayon, ano ka bang bata ka”. “Sorry na po manang di ku po sinasadya” salag ni Neneng. “Nangyari na yan wala na tayong magagawa, basta sa susunod eh mag-iinga ka na lang ha Neneng” si mommy. “Opo ati”. “Dumating na ba ang kuya Carmelo mo” tanong ni mommy. “Opo ati, nasa kwarto po, ipaghahain ko na po ba kayu?”. “Wag na, kumain na kami sa Jollibee ni manang, ipagpatuloy mo na lang ang paglilinis dyan, pag-igihan mo at baka may matirang bubog sa sahig. ” “Opo ati”.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon