Part 25

335 0 0
                                        


The Naughty Adventures of Pepito - Lenlen

Natapos ang piyesta ng patay, balik kami sa eskwelahan. Second semester
na ni Katrina sa college at iba na ang schedule nya. Tuwing TThS nalang
kami sabay umuwi pagkat pag MWF ay maaga ang dismissal nya. Tuloy ang
training namin sa basketball at may maliit na torneo na sasalihan namin.
Ayos naman ang mga grado ko sa eskwela kahit nasa basketball team ako,
pero sabi ng magulang ko pag bumaba ang grado ko ay aalis ako sa
basketball team, ayaw ko mangyari yon kaya nag aaral ako mabuti.

Isang Miyerkules, half day lang kami sa eskwela, ayaw ko pa umuwi kaya
iniwasan ko si Liza at sumama ako sa mga kaklase ko at pumunta kami ng
mall. Kumain kami sa isang fastfood resto at masayang nagkwentuhan,
madami silang kwento na di ko alam pagkat ngayon lang ako nakasama sa
kanila. Habang kumakain kami ay bigla sila napatigil at may nakita
silang magandang babae. Hindi na ako lumingon at kumain nalang ako.
“Robert tinitignan ka nya” sabi ni Andrew. “Pare hindi ikaw ang
tinitignan nya” sagot naman ni Robert. Napalingon si Mark at sabi nya
“Pare papunta na sya dito, tinawag nyo ba?”. Hindi na nakaimik sina
Andrew at Robert, hindi parin ako lumilingon at tinatawanan ko lang yung
dalawang parang nagpipigil ng hininga. “Aha! Sabi ko na nga ba ikaw yan
e, hi Pepito!” narinig ko sabi ng babae na lumapit. Paglingon ko ay si
Ate Len, ang ganda nya, kaya pala ganon nalang natulala ang mga kaklase
ko. “O ate Len ikaw pala” sabi ko agad. Nagulat ang mga kaklase ko
pagkat kilala ko si ate Len. Pinaurong ako ni ate Len at nakiupo sya sa
tabi ko, naipit tuloy si Mark sa gilid pagkat pangdalawang tao lang yung
upuan. Tulala parin ang nakatingin kay ate Len ang mga kaklase ko kaya
pinakilala ko na sila sa kanya. “Ano ka ba Len lang wag nang ate” sabi
ni ate Len. “Sabi ko sa iyo bisitahin mo ako, di mo naman ako binisita
ni minsan, nagtatampo na ako sa iyo” sabi bigla ni Ate Len at napakamot
nalang ako ng ulo at napangiti sa mga kaklase ko. “Sorry ate busy sa
school e” sagot ko nalang kay ate Len. “Busy sa school o kay Liza?”
sumbat ni ate Len at napatawa ang mga kaklase ko. “Hindi ko na nakikita
si Liza ate” nagsinungaling ako sa kanya. “Ah so nanlalalake ka na
ngayon?” biro nya sa akin. Muling nagtawanan ang mga kasama ko at
nagtuksuan pa sila kung sino ang kadate ko.

Biglang dumating ang mga kasama ni ate Len at sumama sya sa kanila at
naupo sila sa malapit na table. “Akala ko grasya na kay Pepito ulit pala
mapupunta” sabi ni Andrew at nagtawanan ang lahat. “Pepito, ano mo ba
sya?” tanong ni Mark. “Wala pare pinsan ni Liza yan, nagbibiro lang yan”
sabi ko nalang pero panay nag titig ni ate Len sa akin at napapangiti
nalang ako sa kanya. Nang matapos kami ay nagpaalam ako kay ate Len at
sabi nya sa akin na bisitahin ko daw sya kung hindi magtatampo daw sya
sa akin. Agad kaming umalis ng mga kaklase ko at nagstroll pa, ilang
oras pa at umuwi narin ako.

Sabado ng umaga ay maaga ako pumunta sa school para sa practice, walking
shorts at shirt sabay rubber shoes ang tangin suot ko, nilagay ko sa bag
ko ang aking workout uniform, pagdating ko nakasalubong ko ang mga team
mates ko at sabi nila postponed ang practice. Alas 8 palang ng umaga,
lahat sila nagsiuwian na at alas 4 pa kami ng hapon magkikita ni
Katrina. Nagpasya ako puntahan si ate Len at bisitahin sya para wala sya
masabi sa akin. Kumatok ako sa pinto ng apartment ni ate Len, ilang
segundo lang ay nagbukas ang pinto at sumilip sya. Nakita ko si ate Len
sumilip sa pinto at nakita ko bagong gising lang ata sya. Pinapasok nya
ako at sinara nya ang pinto agad, “ang aga mo naman” sabi nya sa akin.
Di ako makatingin sa kanya kasi naka fitted tshirt lang sya at panty,
natanaw ko pa na wala syang bra pagkat bakat ang mga nipples nya. “Sorry
ate, wala kami practice kaya nagpasya ako dalawin kita para di ka
magtampo sa akin” sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa malayo.
“Gusto mo hot choco?” tanong nya sa akin pero sabi ko nag almusal na
ako. Pinaupo nya ako sa sofa habang nagtimpla sya ng kape nya. Nang
makatimpla sya ay agad syang nakitabi sa akin at sinindi ang telebisyon.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon