Part 21

376 0 0
                                        


The Naughty Adventures of Pepito - Summer Time

Huling linggo ng marso nalalapit na ang kaarawan ko, tapos na ang
pasukan at matataas na marka ang nakuha ko. Bilang gantimpala ko ay
bibigyan daw ako ng malaking sorpresa ng mga magulang ko sa kaarawan ko
kaya hindi ko na maantay ito.Isang araw ay dumalaw si Katrina sa bahay,
walang pasok ang mga magulang ko sa trabaho kaya nandon sila. Nanonood
kami ng telebisyon nang biglang tumayo si Katrina at tinawag ako at
tumapat sa dingding. "Tayo ka dito dali, kasi may napansin ako e" sabi
nya at dumikit naman ako sa dingding. Sinukat ni Katrina ang tangkad ko
at minarkahan, nagmadali ako kumuha ng tape measure para sukatin. "sixty
nine point five" sabi ni Katrina nung matapos nya sukatin. "Five nine
and a half" sabi naman ng tatay ko agad. Nagulat ako pagkat tumangkad
muli ako. "Sabi ko na nga ba e tumangkad ka!" tuwang sinabi ni Katrina
sa akin at bigla syang tumabi sa akin. "Konting effort pa at six footer
na ako!!!" sabi kong pabiro at tumawa ng malakas si Katrina, hindi
nakuha ng magulang ko yung joke ko kaya pinapanood lang nila kami
nagtatawanan.

Kaarawan ko at nagdinner kami buong pamily kasama si Katrina. Hindi ko
inaasahan biglang may nilabas na maliit na regalo ang tatay ko at inabot
sa akin. "Dad akala ko ba malaki?" sabi ko pabiro. "Buksan mo muna kasi"
sabi naman nya. agad kong binuksan at isang keychain at may susi,
nagtataka ako ano yon kaya napatingin ako sa tatay ko. "Ano to?" sabi ko
sa kanya. "Susi ng kotse" sabi nya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa
tuwa pati si Katrina ay nagulat. "Nasan?!!! Nasan yung kotse ko?" sabi
ko agad. Tumawa ang nanay at tatay ko at sabi ng nanay ko ay "Bakit
marunong ka na ba magmaneho?" at agad ako sumumbat "pag may kotse madali
nalang ako matututo, nasan na?" hirit ko sa kanila. Tawa sila ng tawa at
sabi ng tatay ko "sa ngayon ako ang gagamit ng kotse mo, magpractice ka
muna dyan sa luma, pag nag graduate ka ng high school ay ikaw na
magmamaneho ng kotse mo". Kahit na ganon ang patakaran tuwang tuwa parin
ako kaya sabi ko ay "o palit na tayo susi akin na susi ng kotse mo" at
nagtawanan muli sila. Excited ako magkakotse, hindi ko pa alam magmaneho
pero atat na ako. "E nasan yung bago?" sabi ko ulit. "nandon inaayos pa
ang papeles, wag kang mag alala iingatan ko yung kotse mo, pero sa
pangalan mo muna ilalagay at underage ka pa" sabi ng tatay ko.

Araw ng graduation ni Katrina nahiya ako sumama kasi kasama ko ang mga
magulang nya. Nakita ko si Eunice din sa graduation at sa huli tatlo
kami magkakasamang nagpapicture. Matagal ko narin hindi nakita si Eunice
pero nagngitian lang kami pagkat sumama na ako agad kina Katrina. Araw
ng enrollment ni Katrina sa college ay sinamahan ko sya doon, malaking
unibersidad ang papasukan ni Katrina. Sabi ni Katrina ay maghintay
nalang ako sa gym at sya nalang ang pipila pagkat may mga kasama naman
syang iba. Sa gym may nakita ako naglalaro ng basketball, hindi naman
sila nakauniporme kaya naisip ko siguro pwede ako makilaro.

Nakipagshooting ako muna at naisipan ng isa na maglaro kami ng three on
three. Enjoy na enjoy ako sa laro, bawat tira ko sa labas pumapasok, mas
matangkad ako sa lahat kaya madali kong nakukuha ang rebound. Sa
kainitan ng laro biglang may pumito ng malakas at napatigil kami. "Who
gave you the permission to play here?" sabi ng matandang lalake na
malaki ang katawan. Natakot na ako kaya napayuko nalang ako ng ulo. Nang
naglakad na kami lahat palayo ay tinawag ako nung matanda. Nahiya ako at
natakot ako lumapit sa kanya. "Are you a student here?" sabi nya sa
akin. "No sir" sabi ko naman. "What school are you from?" sabi nya ulit.
Sinabi ko ang pangalan ng paaralan ko at nagulat sya. "Highschool ka?"
sabi nya bigla. "Opo, incoming third year" sabi ko naman at pinakita ko
ang school ID ko. Biglang dumating si Katrina at lumapit sa akin at
tinanong kung anong nangyayari. "Student ka ba dito, kasama mo ba sya?"
sabi nung matanda kay Katrina. Nakita ko na takot na takot si Katrina.
"Ka eenroll ko lang po today, boyfriend ko po sya" sabi ni Katrina at
tumawa bigla yung matanda. "You two wait here" sabi nya sa amin at bigla
syang umalis. Naupo kami sa bleechers ni Katrina takot na takot,
nagsorry ako kay Katrina pagkat baka matanggal sya doon. Kinakabahan na
ako talaga at sorry ako ng sorry kay Katrina. Nang bumalik ang matanda
ay may kasama syang ibang matanda at mga players na naka uniporme.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon