Kinabukasan, maaga akong nagising pero wala na sa tabi ko si Des at nakakumot ako, siguro ay kinumutan nya ko para nga naman hindi nakabilad ang aking kahubaran, isa pa ay malamig na ang simoy ng hangin. Inaantok pa ko pero alam kong mahihirapan na akong matulog. Nagpainin lang ako ng konti at pagkatapos ay nagbihis saka ko inayos ang kama.
Paglabas ko ng cottage ay nakita ko si Des, humahangang pinagmamasdan ang mga nagliliparang paro-paro na nag-uunahang dumapo sa mga namumukadkad na bulaklak ng mga halamang nakahilera sa makikitid na landas na nagdudugtong sa mga cottages. Hindi ko sya inabala, umupo na lamang ako sa baitang ng hagdanan ng aming cottage at saka ko sya pinanood. Napansin ko ang kaibang lakad ni Des, hindi deretso, hindi normal…animo nahihirapan, lakad hapon…sakang…parang iniiwasang magkiskis ang kanyang mga hita. Na-cusrious ako sa nakita kaya nilapitan ko…”Sweetie pie bat ganyan ang lakad mo, may masakit ba sayo?” usisa ko. “Nagtanong ka pa, eh ikaw ang gumawa nito” sagot ng pabulong na may kasamang pinong kurot. Nakuha ko agad ang ibig nyang ipahiwatig. “Ano ba nararamdaman mo.” “Mahapdi, lalo na nung umihi ako kanina…parang sugat na binuhusan ng suka. Tapos pag naglakad ako masakit pag nagkikiskisan kaya hirap akong maglakad. Paano kung may makapansin sa akin mamaya, ano sasabihin ko” pag-aalalang tanong. “Wag kang mag-alala gagawa tayo ng paraan mamaya pag may nakapansin, pero pilitin mo pa rin na lumakad ng normal ha…just leave it to me my sweetie pie” pampalakas ng loob na sabi ko. “Sayang hindi ko tuloy ma-eenjoy ang maghapon ko dito, pahamak ka talaga” maktol nya. “Di bale…enjoy ka naman kagabi eh…hehehe…” biro ko. “Anong enjoy, eh ang sakit nga noh…sinugatan mo pa ko, meron bang ganitong enjoy ha? Ikaw…ikaw ang nag-enjoy” “Hahaha…hayaan mo pag nagtagal ma-eenjoy ka rin..wala ng sakit…puro sarap ang mararamdaman mo” panunuya ko. “Puro ka kalokohan, makapuntos ka lang lahat gagawin mo. For your information, ayoko na noh, hindi ka na makakaulit…hmmpp.” “Ay ang suplada ng ale, tara na nga sa loob at baka makita pa nina Joseph ang pagiging sakang mo” sinabayan ko ng tawa. Kurot na katakot-takot ang inabot ko mula kay Des, masaya naman ako dahil alam kong paraan nya yun ng paglalambing.
Mag-aalas otso ng umaga, magulo na naman ang mga bata, takbuhan sa pool at sa munting playground sa gilid. Nagtampisaw na rin ang karamihan sa mga matatandang kasama namin, lalo na dun sa pool na may hot spring water. Ang iba naman ay aliw na aliw sa pamamasyal. Gaya ng inaasahan ko, di na makapamasyal pa si Des dahil sa kanyang sariwang sugat. Sinamahan ko na lamang siya sa palibot ng aming cottage. Humagilap ako ng isang bangkito na nakalaan sa mahabang mesa kung saan kami nag-sasalo-salo at inilagay ko sa gilid ng aming cottage sa tapat ng bintana. Naupo kami at nagkwentuhan ng mga personal na bagay, kasama na rin ang mga work-related matters. Maya-maya ay narinig ko na nag-riring ang aking cellphone na iniwan ko sa kwarto, linsyak baka si Anne, kinabahan ako…baka magkabukingan…patay si Carms baby. Nakalimutan ko nga palang i-off kagabi. “Huy cellphone mo yun ah…” sabay dunggol sa akin ni Des. “Oo nga noh…teka sandali ha aakyatin ko lang,” Tumango lang si Des. Pagdating ko ng room, nawala ang ring. Dinampot ko upang silipin ang Call Register nang mag-ring ulit. Namputsa…si Anne nga.
Sinilip ko muna si Des sa ibaba at ng masiguro kong naroon pa ay pumunta ako sa may sala at saka ko sinagot ang tawag..“Hello” bulong ko na kunwa ay bagong gising. “Hello Carms..musta ka na dyan…ano lagay ng conference nyo.” “Hi Anne, ok naman everything is fine, medyo malamig dito ngayon” yun ang naapuhap kong tugon. “Tatawag sana ko kahapon kaya lang inisip ko na baka on-going ang meeting nyo eh makaistorbo pa ako. Binalak ko na magtext na lang sana sayo later on, kaya lang nakatulog ako at umaga nako nagising, napuyat ako sa pagrereview….sorry Carm ha” paliwanag nya. Ayos…sa loob-loob ko. “Ok lang yun, I understand your situation as a student. Saka isa pa bawal din naman ang phone call sa conference room eh, except of course on emergency cases, pinagsabihan kami na i-turnoff ang mobile namin when we enter the hall. Kaya sayang lang din kung tatawag ka kasi di ko naman masasagot kahit naka-on ang cellphone ko….but text message will do.” “Ganun ba, buti na lang pala at tama ang hinuha ko. I’m missing you so much Carms…kelan mo ko pupuntahan sa bahay.” “One of these days puntahan kita sa inyo.” “Sige hihintayin kita ha, saka Carms uwian mo naman kami ni Mommy ng Strawberry, favorite ko kasi yan, tamang-tama nandyan ka na lang din eh.” “Ha, ah eh…os..sige..uuwian ko kayo. Pano Anne maliligo na muna ako at maya-maya lang eh mag-uumpisa na naman ang meeting namin, nakakahiya kung male-late ako.” “Ok…remember ha…take care of yourself there…I’m waiting for you…and I love you.” “Thanks…I love you too” paanas kong pagtatapos ng aming usapan. Putragis…saang sulok kaya ako maghahagilap dito ng strawberry…hayy…di bale maghahanap na lang ako sa SM supermarket pag-uwi…kailangan kong bumili kahit mahal para di ako mahalata...sa isip ko. Pinatay ko ang aking cellphone para masigurong walang bulilyaso, inilagay ko sa aking bag at saka bumalik sa pwesto ni Des.
