Chapter 14-A: Bugaw

21 0 0
                                        

Chapter 14-A: Bugaw
Lunes ng umaga nadatnan ko pa si Bea sa bahay nila, mamaya pa daw ang first class niya dahil exams nila. Nakaupo lang kami habang pinapanood ang mga nagsusugal at napapansin kong kakaiba ang mga galaw niya. Ilang beses siyang napapapisil sa mga hita ko at bawat pisil palapit ng palapit sa ari ko. May isang beses din na pinahipo nya ang hita niya pero agad ko binawi kamay ko pagkat madaming tao sa salas. “Bea anong nangyayari sa iyo?” bulong ko at tumawa siya. “Ano sa tingin mo” sumbat niya at nagtawanan kami. Habang naglalandian kami biglang lumapit si Victoria, tumigil agad si Bea at naupo kami ng maayos.

“Hi Bea, iha pwede ko ba mahiram si Athan bukas, kasi may friend ako na ikakasal so balak ko sana regaluhan siya ng full body massage. Kasi alam mo lately super stressed siya sa paghahanda ng kasal nila at sa Wednesday na kasal niya. Para naman sana one day before wedding she will feel good” sabi ni Victoria. “Hala si tita bakit kayo nagpapaalam sa akin, dapat kay mommy” sagot ni Bea. “E siyempre kailangan magpaalam sa girlfriend” sagot ni Victoria. Gulat si Bea pagkat di pa namin sinasabi sa mommy niya na kami na. “Ha? Anong girlfriend?” sabi naman ni Bea. “Hay iha di niyo na kailangan itago pa, alam na namin at obvious naman kahit di niyo sabihin” sabi ni Victoria.

Pumayag si Bea pero di ko sigurado kung totoo ang sinasabi ni Victoria, pagkaalis ni Bea nakapagusap kami ni Victoria at nalaman ko na totoo pala. Kaya kinabukasan hindi na ako dumiretso sa bahay ni Madam Becky, hinatid ako agad ni Greg sa bahay ni Victoria. Mabait naman si Victoria at tinawagan niya si Bea at pinakausap sa akin, buti nalang nandon pa siya sa bahay nila at mga thirty minutes din kami nakapagtiskahan.

Before lunch kami nagtungo sa hotel kung saan naka check in ang kaibigan ni Victoria. “Bakit hotel?” tanong ko habang nasa elevator kami. “E mas malapit ito sa church, malayo house nila so dito siya nag stay. Buti nalang mayaman ninong nila at libre ang suite, dito narin ata sila mag honeymoon e” sabi ni Victoria. “So itong kaibigan mo late na nag asawa?” tanong ko at bigla siya tumawa. “Hello! Porke ba trenta na ako wala na akong pwedeng friends na younger?” banat niya. “She is only 22, well naging friends kami kasi yung husband ko at magiging husband niya ay parehong mahilig sa baril. Lagi kami sinasama sa shooting range and ayon doon kami nagmeet and we became close friends” kwento niya.

Naglakad na kami papunta sa pinto ng suite, kumatok na siya, “Oh I forgot to tell you commercial model siya, sayang di mo siya malamang nakita pa kasi blind ka” sabi niya at nagbukas ang pinto at isang matangkad na magandang babae ang nagbukas ng pinto. “Uy Vicky!” sigaw ng babae. “Romina, I brought you a gift” sagot ni Victoria at nagyakapan sila at nag beso beso. “Vicky sino siya?” tanong ni Romina. “Ah this is your gift” sabi ni Victoria at biglang tumawa si Romina. Ang ganda niya, tall, slender body, hanep sa curves at modelo talaga ang dating. “Ano siya call boy?” tanong ni Romina at tumawa ako bigla.

“Ay hindi, siya si Athan, bulag siya pero magaling siyang masahista. I know naman stressed out ka lately. Sorry di ako nakatulong pero sana he can help you relax” sabi ni Victoria. “Ah akala ko bed mate, gwapo pa naman siya” biro ni Romina at nagtawanan sila. “Baka po pa ba maupo na dito?” tanong ko pagkat nasa pinto parin kami at lalo sila nagtawanan at pumasok na kami sa loob ng suite.

Sa loob ng suite may dalawa pang babae na busy sa pagtawag at paglilista. “Ay sila pala mga assistants ni Ulysses, hay yung nanay ko at kapatid ko pinauwi ko muna at lalo pa sila nagdadagdag sa stress” sabi ni Romina. Nagpunta kami sa kwarto at naupo ako sa isang silya, nahiga si Romina sa kama at tumabi sa kanya si Victoria. “Hay naku kung alam ko lang ganito kahirap magpakasal umayaw na ako, live in nalang sana” sabi ni Romina at nagtawanan sila. “My God can you imagine lahat kailangan ko ayusin kasi palpak yung wedding planner, mali mali ang flowers, yung food, at can you imagine pati damit ng mga abay mali, so ayun rush lahat, buti nalang wedding gown ko tama” hirit ni Romina.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon