Chapter 13-A: Darker Night

180 1 0
                                        

Chapter 13-A: Darker Night
Sabado ng umaga agad ako pinasok ni Bea sa kwarto ko, nilalambing niya ako at parang may gusto siya hilingin. “Parang may gusto ka” sabi ko sa kanya at ngumiti siya. “Meron pero nahihiya ako” sabi nya at natawa ako bigla. “Nahiya ka pa, sige na sabihin mo na ano yon” sagot ko. “Kasi lately lagi kang wala every Saturday night, nalulungkot ako…alam mo ba yon” drama niya at talagang di ko mapigilan ang tawa ko. Pati siya natatawa, “Alam ko naman na work related yan…so para di kita mamiss masyado sana bilhan mo ako ng laptop” sabi nya. “Ang yaman yaman niyo, mas malaki kinikita ni ninong ah, sigurado malaki binibigay niyang pera sa iyo bakit di ka bumili?” tanong ko. “Siyempre iba naman pag galing sa iyo…mas aalagaan ko yon siyempre gift mo sa akin yon e” sabi nya at tawa kami ng tawa. “Fine, sige kuha ka ng pera sa box sa ilalim ng kama ko” sabi ko sa kanya at agad siya bumangon at kinuha ang box.

“Shet! Ang dami mong pera ah!” sigaw niya at ngumiti lang ako. “Sige kuha ka lang kung magkano kailangan mo, wala kasi ako time magpunta sa bangko e” sabi ko sa kanya. “Grabe Athan, as in ang dami nito, e kailan ka lang nagstart magwork” sabi nya. “Oo nga e, lucky lang ako I guess, so kung magkano kailangan mo just get” sagot ko. “Kasi yung cheapest na nakita ko 20 thousand, pwede na yon” sabi nya. “Bakit cheapest pa? Kuha ka ng mas maganda para tumagal, para pwede natin gamitin dalawa” sabi ko sa kanya at tuwang tuwa siya. “Sige ganito nalang, canvass ulit ako tapos pag meron na ako napili antayin kita tapos sabay natin bilhin” sabi nya. “O sige pero tonight wala nanaman ako Bea, alam mo na work” sabi ko at nahiga siya sa tabi ko at niyakap ako. “I know, napaka hard working mo talaga, sana next week hingi ka ng mas mahabang day off para makapag date naman tayo” sabi nya at napatingin ako sa kanya. “Date? Tayong dalawa?” tanong ko at tumawa siya.

“Don’t tell me bingi ka narin, narinig mo ang sinabi ko ayaw ko na ulitin” sabi nya sabay tinuka ako sa labi. “Sige na baka hinahanap na ako ni daddy sa baba. Malaking problema ito, akala ko ang relasyon namin ni Bea ay physical lang, di ko nakita na mangyayari ito. Di ko pwede to problemahin sa ngayon pagkat excited na ako para mamayang gabi.

Pagdating ko sa bahay ni madam Becky nagsusugal nanaman sila, alam ko wala si Bea pero nagulat ako nung nandoon siya. Katabi pa niya mommy nya at agad ako pinatawag sa tabi nila. “Athan, massage mo daw back ni mama” sabi ni Bea kaya agad ko inasikaso ang mommy niya. Naging busy ako pagkat ang daming sugarol na nagpamasahe, tanghali na nung natapos ako at tamang tama sabay kami lahat nananghalian.

After lunch dumating si Georgina, lalo ako kinabahan at sobra ang nerbiyos ko. Nakita ko nag uusap sila ni Beatrice, napansin ko na medyo iba ang itsura ni Georgina, parang pareho kaming kinakabahan. Steady lang ako pagkat bulag ako, huminga ako ng malalim ilang beses pero talagang kinakabahan ako.

Naupo lang ako sa sulok, dinala ni Bea si Georgina sa tabi ko at sabi mag usap kami. Di kami nagkibuan ni Georgina, wala ako masabi sa kanya at ganon din siya sa akin. Ilang minuto lumipas bumalik si Bea at napansin na magkalayo kami ng upuan ni Georgina. “Hoy ano ba kayo? Bakit di kayo nag uusap? Tara nga sa labas” sabi ni Bea at nagpunta kami sa garden. Naupo kami sa ilalim ng puno, pinagtabi ni kami ng bestfriend niya saka hinarap. “Georgina akala ko ba napag usapan na natin ito?” sabi ni Beatrice. “Oo pero wag nalang kaya Bea, pag iniisip parang madali lang. Oo I want to help pero parang napaka awkward e” sabi ni Georgina. “Oo nga Bea, I think we should not push through with this” sabi ko.

“Ano ba kayo? Pumayag na kayo last week e, excited pa naman ako. Ano ba problem? Sabi ko its okay naman e. Oo boyfriend kita, tapos ikaw bestfriend ko. Alam niyo naman ugali ko e and sabi ko okay lang with me, ako pa nga may gusto nito e” sabi ni Bea. “Oo friend pero iba yung iniisip sa gagawin na, kahit sabihin mo na one time thing lang ito it just wont feel right e” sabi ni Georgina. “Ano ka naman friend e, nagpromise ka na e. Kung aayaw ka din lang sana si Faye nalang kinuha ko. Sige na, nandito na tayo, iwanan ko muna kayo mag usap kayong dalawa okay?” sabi ni Bea at iniwan niya kami.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon