Part 23

367 0 0
                                        

The Naughty Adventures of Pepito - Liza: Bagong Tukso

Unang araw ng pasukan medyo may kaba pa ako at nahihiya pa. Pagpasok ko
sa klasroom ay pinagtignan ako ng mga kaklase ko, ngumiti nalang ako at
naupo sa sulok. Ayos naman ang lahat at may mga nakilala ako agad na mga
kaklase pero lalake lahat, nahihiya ako makipagkilala sa mga babae
parang hindi na ako kasi sanay. Pagkatapos ng klase ay tinawag ako ni
coach at pinakilala ako sa mga team mates ko. nagulat ako pagkat ang
tatangkad ng iba, salamat naman at may mas maliliit sa akin. Sa sabado
pa ang practice namin pero maayos ako nakipagkilala sa kanila.

Dismissal namin nakita ko si Katrina nag aabang sa gate, pagkalapit ko
palang ay agad nya tinanong kung may babae na raw ako kaya nagtawanan
nalang kami. Lagi kaming sabay umuwi ni Katrina pero minsan late sya
lumalabas kaya ako naman ang naghihintay sa kanya. wala kaming pasok
tuwing sabado pero may praktis ako, si Katrina naman ay may klase ng
sabado kaya ako ang naghihintay sa kanya. Linggo ay lumalabas kami ni
Katrina o dun lang sa bahay nila o bahay namin.

Tatlong buwan ang lumipas at sanay na ako sa paaralan ko. First game
namin ng school team at makakalaban namin ang team ng ibang school.
Pagpasok namin sa gym ay ang daming tao doon. Puno ang gym ng mga
schoolmates ko at ibang estudyante ng kabilang school. Kinakabahan tuloy
ako baka magkalat ako at nakakahiya sa dami ng tao. Hindi ako first
five, at sa dami ng matangkad sa amin ay shooting guard lang ako. Nang
papasukin ako para maglaro ang lakas ng kaba ko, unang tira ko hindi man
lang umabot sa ring. Hiyang hiya ako talaga. Sumunod na dalawang tira ko
ay hindi rin pumasok. Gusto ko nang bumalik sa bangko at kahit hindi na
ako maglaro ayos lang. matapos ang first half hiyang hiya ako bumalik sa
bangko. Sorry ako ng sorry pero ayos lang daw yon. Nagsimula ang second
half at nasa bangko ako, dinasal ko na wag na sana ako paglaruin.
Dalawang minuto lang lumipas ay pinapasok muli ako ni coach. Unang tira
ko pasok agad, medyo nabuhayan ako bigla. Limang sumunod na tira ko
pasok din lahat kaya nakuha ko na ang kumpyansa ko, bawat tsansa makuha
ko ititira ko ang bola at hindi na ako nagmimintis. Matapos ang laro
panalo kami at maingay na maingay ang gym, nang nasa locker room kami ay
pinagalitan kami ng coach. Hindi daw sya kuntento sa panalo namin at
madami daw kaming mali na ginawa. Ganun pala ang dito sabi ko sa sarili
ko, kahit panalo na ay hindi parin kuntento, gusto nila talagang mahusay
ang paglaro namin.

Pagkatapos namin magbihis ay sabay sabay kami lumabas, paglabas namin
nggym ang daming babae naghihintay sa labas. Akala ko naman ay mga
kakilala ng mga team mates ko pagkat wala ako masyadong kilalang babae
sa school maliban sa mga kaklase ko lang.

Nagtitilian ang mga babae paglabas namin, nakayuko lang ako at nakisabay
sa iba pero may humawak sa kamay ko na isang babae at sabi “ang galing
galing mo, anong pangalan mo?” may mga kasama syang nagtitilian sa likod
nya. Nahiya ako at napatigil din ang ibang team mates ko at nagtawanan
sila. Binigay ko naman ang pangalan ko at agad naman ako naglakad na
“ako pala si Liza!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.
habang naglalakad kami palabas ng gate madami parin nakabuntot sa amin
na mga babae. Paglabas ko ng gate nandon si Katrina at agad ko syang
nilapitan. Lumapit si coach sa akin at napayuko ako ng ulo. “Iha dapat
nanood ka, ang sya ang nagpanalo sa amin, 26 points ginawa nya” sabi ni
coach kay Katrina at kinabog ako sa tyan sabay sabi pa “taas mo ulo mo
wag kang ganyan, be proud, pero iha bantayan mo to at tignan mo first
game palang yan madami nang nakabuntot sa kanya” sabi pa ni coach at
bigla syang tumawa at umalis na.

Agad ako hinawakan sa kamay ni Katrina at tuwang tuwa sya. “Sayang di
kita napanood, di bale next game manonood ako” sabi nya sa akin. Agad
kami umuwi sa bahay at binalita sa magulang ko ang nangyari. Sabi nila
next game ay manonood din daw sila, tila mas masaya pa sila kesa sa
akin. Humalik ako bigla kay Katrina sa harap ng magulang ko at sabi ko
sa kanya “thank you, kung hindi dahil sa iyo wala sanang ganito” sabi
ko. nagulat sya at namula ang mukha nya at sabi nya “ha? Anong ako?”.
“Kung hindi mo ako sinama sa enrollment at pinaghintay sa gym di wala
sana ito” sabi ko naman at nagtawanan sila ulit.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon