Part 39

397 0 0
                                        


The Naughty Adventures of Pepito - Nika 2

Kinabukasan ay ginising ako ni Katrina, alas 7 na daw at mag aalmusal na
kami sa mansion. Antok na antok pa ako at pagod na pagod pero di ko
masabi sa kanya ito. Agad akong naligo at nagbihis sabay sumunod na sa
mansion. Nang kakain na kami ay napansin ko wala si Nika sa tabi ni Ted,
natanong naman ni Katrina kung nasan si Nika. “Si Nika, ayun antok pa
daw sya kaya hinayaan ko nalang matulog pa” sabi ni Ted. Di na ako
magtataka bakit kaya nilabanan ko ang antok ko at kumain nalang. Bukas
aalis na kami at makikita ko narin ang mga magulang ko, pero di pa ako
ganon kaatat umuwi parang may kulang pa kasi at may dapat pa akong gawin.

May pinuntahan ang mga matatanda at kami mga bata ang naiwan sa mansion.
Nagyaya naman si Katrina na magswimming pero antok talaga ako, sumama
lang ako sa kanya at pinanood ko syang naglangoy. Nang matapos lumangoy
si Katrina ay tumabi sya sa akin at sumadal ako sa balikat nya at
natulog ako. Nagising nalang ako nang may naririnig akong nagtatawanan,
pagmulat ko ng mata ko si Nika at si Ted ang nasa harapan ko at
tinitignan nila ako. “Insan naman, pinagod mo ata si Pepito e, tignan mo
parang nanghihina sya” tukso ni Ted kay Katrina. “Sira! Di no!” sabi
naman ni Katrina, kung alam lang sana ni Ted na si Nika ang nagpapagod
sa akin ay sigurado away ang kinalabasan nito. “Naidlip lang naman ako
e, sino ba yung kagigising lang at di nakasama sa almusal? Ikaw Ted ha,
pinagod mo ata si Nika e” asar ko naman kay Ted. Namula ang mukha ni
Nika at sumabat sya “Hoy! Ano pinagsasabi mo dyan!?”. Tumawa nalang kami
pero humirit pa ako “Ted talaga o, tayo tayo lang naman e, hinay hinay
lang kasi”. Tawa ng tawa si Katrina at si Ted pero si Nika ay napapatawa
narin pero pinigilan nya.

“Katrina di ko na kaya bumangon, pinagod mo kasi ako e” sabi ko pabiro
kay Katrina. Tawa lang ng tawa si Katrina at Ted, medyo napapasabay
narin si Nika. “Katrina hirit ka kasi ng hirit e, dali tawag ka
ambulance….please” sabi ko at ginaya ko ang tono ni Nika tuwing
nagsasabi syang “please” at doon natawa na si Nika ng malakas,
napatingin sila sa kanya pero tawa parin sya ng tawa. “Ted nagugutom na
ako” sabi ni Nika pero sabi ni Ted “di pumunta ka loob magpahanda ka ng
pagkain, may gagawin pa ako”. Medyo napahiya si Nika at sabi ko “Katrina
samahan mo si Nika para kumain” pero sagot naman nya “Ikaw na muna bihis
lang ako tapos sunod ako sa loob” sabi nya. Naglakad palayo si Ted at
nagpunta sa tutulugan nila. Naglakad naman kami ni Nika papasok ng
mansion at si Katrina nagpunta sa bahay para magbihis.

Nakiusap kami sa kasambahay kung pwede pang kumain si Nika at naghanda
naman sila ng pagkain. Naupo kami sa small dining area at sinamahan ko
sya habang kumakain sya. “Buti natitiis mo ugali nung gagong yon?” sabi
ko bigla kay Nika. “Wala na kami” sabi nya bigla. “Ano?” tanong ko ulit
sa kanya. “Break na kami, kanina lang umaga, nag away nanaman kami, araw
araw kami nag aaway kasi, pero secret muna at ayaw nya ipagsabi” sabi ni
Nika sa akin. “Uy sorry ha, di ko alam e, kumusta ka naman?” sabi ko sa
kanya. “Masaya…..masayang masaya” sabi nya at kumindat pa sya sa akin.
Natawa ako sa kanya at sabi ko “Hindi yun, I mean about yung break up
nyo, ano pakiramdam mo?” hirit ko sa kanya. “Hay, buti na ganyan, di ako
masaya sa kanya, makasarili sya” sabi nya habang kumakain sya.
Napatahimik naman ako kasi wala akong alam sabihin na iba dahil sa
naganap sa kanila. “Nakakatawa nga e, boyfriend ko sya pero sa iba pa
ako sumaya” sabi nya at napatingin ako sa kanya. “Kanino naman?”
pasimple ko pa tinanong. “Sa boyfriend ng pinsan nya” sabay tumawa sya
bigla. “Di bale madami pa dyan, mabait ka naman e at maganda ka” sabi ko
nalang sa kanya. “Oo nga madaming iba pa dyan at nasa harapan ko yung
isa” sabi nya. Bigla naman dumating si Katrina at pasalamat ako para
masalba nya ako sa inaasal ni Nika. Pagkaupo palang ni Katrina ay sinabi
na nya ang nangyari at nagulat naman si Katrina.

“Kat” sabi ni Nika, mahilig talaga mambitin si Nika pag usapan. “Bakit?”
sabi naman ni Katrina. “Ano gagawin mo kay Peps pag nangaliwa sya sa
iyo?” sabi ni Nika. Napaisip si Katrina at napatingin sa akin, “well, di
nya gagawin yon, diba Pepito?” sabi naman ni Katrina. “Yes your higness”
sagot ko naman at natawa silang dalawa. “Pero teka nga pano nga talaga
kung nangaliwa ako?” hirit ko pa. Matagal napaisip si Katrina at sabi
nya “siguraduhin mo lang na maganda kung hindi papatayin kita talaga!”
sagot ni Katrina at tumawa pa sya. “Ha? Payag kang mangaliwa sya? Di mo
sya ibreak?” sumbat ni Nika naman. “Hindi ako papayag syempre, pero kung
may nangyari sa kanila ok lang titiisin ko kahit masakit, di ko sya
ibreak kasi mahal na mahal ko si Pepito….hoy siguraduhin mo maganda ha!”
sagot ni Katrina. Medyo natamaan ako sa sinabi nya at napayuko ako ng
ulo. “Sige tatandaan ko yan” sagot ko nalang. “aha! May balak kang
mangaliwa ha!” hirit ni Katrina at pinagkukurot ako sa tagiliran. “Wala
ano, nagbibiro lang ako” sabi ko naman.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon