Sa hapon ay nagpunta kami lahat sa fishpond ng pamilya nila. Kumuha kami
ng mga isda saka pumunta kami sa palengke para mamili ng mga pagkain.
Pagbalik namin sa mansion ay kami kaming mga bata ang nag ihaw at
nagluto, binantayan naman kami ng mga cook nila sa bahay para di namin
masira ang pagkain. For the first time sa labas kami ng mansion kumain
lahat, sama sama pati ang matatanda. Pagkatapos kumain ay akala namin
papasok ulit sila sa loob para sa gabihang pagtitipon nila pero naganap
ito sa labas. Lumapit lang ang lahat sa lolo at lola nila kaya kami ulit
ang naiwan sa malayo ni Nika. May isang kasambahay silang matanda sa
tabi ko kaya natanong ko na ano ang ginagawa nila lagi pagkatapos
kumain. “Di ko alam ano pinag uusapan nila, pag ganyan bawal ang
lumapit, 20 years na ako dito at di ko parin alam ano ginagawa nila”
sabi ng matanda sa amin.
Lumapit ako kay Nika at sabi ko “di mo nanaman ako pinapansin”. “wala
naman akong sasabihin e” sabi nya sa akin. Napasulyap sa akin si Katrina
at napangiti, tumingin naman ako sa relo ko at natawa ulit sya. “Bakit
sya tumatawa pag titignan mo ang relo mo?” tanong ni Nika. “Ah so
kakausapin mo na ako ngayon ganun?” sumbat ko sa kanya. “Di wag!” sagot
nya sa akin. “Wala atat lang ako mag night swimming, di kami nakapag
swimming kasi kanina e” sabi ko sa kanya. “E bakit sya natatawa don?”
tanong nya ulit sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya at di ko na sinagot
ang tanong nya. napasulyap muli si Katrina sa akin at nakita nya kausap
ko si Nika, napasimangot sya pero pasimple kong sinenyas sa kanya na
siraulo si Nika at natawa muli sya.
“Siguro hindi lang swimming ang gagawin nyo mamaya” sabi nya sa akin.
“Swimming lang ano, tapos na kagabi yung iniisip mo” sabi ko nalang.
Napatingin sa akin si Nika at sabi nya “Ginawa nyo kagabi?” sabi nya sa
akin. “Yup, two times” sabi ko naman at ngumiti ako sa kanya. “Saan
naman?” tanong nya ulit sa akin. “Sa kwarto nya” sabi ko. “Ows? Ang
lakas naman ng loob nyo, pano magulang nya?” tanong nya ulit sa akin.
“Nandun naman sila tulog” sabi ko ulit. “Kaya nyo gawin yon kahit meron
sila?” tanong ulit nya sa akin. “well mas masarap kasi pag may thrill e”
sabi ko sa kanya at tumawa ako bigla. Napasimangot sya at sabi nya “may
thrill, dib a nakakatakot baka mahuli kayo?” sabi nya ulit. “Oo
nakaktakot pero yung ang thrill non, mas masaya, mas masarap promise”
sumbat ko sa kanya. “So siguro mamaya gagawin nyo sa pool ano?” tanong
nya ulit. Ngumiti nalang ako sa kanya at sabi ko “swimming lang…..pero
kung may chance” di ko na tinuloy at ngumiti nalang ako sa kanya. Di na
umimik si Nika at pinapanood nalang namin na nagtatawanan ang mga
magkapamilya.
Nang matapos ang salo salo nila ay naglakad na kami pauwi sa bahay
kasama si Katrina at magulang nya. “Pepito nag eenjoy ka ba dito?”
tanong ng tatay ni Katrina. “Opo nag eenjoy po ako” sabi ko naman.
“Bukas ng gabi sasama ka sa salo salo namin, kasi kami naman ang bangka”
sabi ng nanay ni Katrina. “Bangka?” natanong ko kay Katrina. “Every
night after dinner, mag kwento ang each family about mga achievements
nila sa taon, bukas kami naman ang magkwekwento at ipapakilala ka ng
maigi sa lolo at lola ko” sabi ni Katrina. “Ipapakilala kita as my
husband” hirit ni Katrina sabay tumawa sya. Napatingin ako sa nanay at
tatay niya at tumatawa lang sila. “diba mommy, husband” hirit nya ulit.
“Gusto mo ata magalit ang lola mo, alam mo naman conservative yon, baka
maatake ng di oras yon iha” sabi ng nanay nya at napalakas ang tawa ng
tatay nya. “Sya nga pala mommy at daddy, di kami naka swimming ni Pepito
kanina umaga, pwede ba kami mag swimming ngayon na?” tanong ni Katrina
sa magulang nya. “Sige lang basta wag masyado magbabad sa tubig at gabi
na baka magkasakit kayo” sabi ng tatay nya at tumingin sa akin si
Katrina at napangiti.
Pagkapasok namin ng bahay at agad kami nagbihis at nagmadaling pumunta
sa pool area. May mga pinsan sya doon kaya doon muna kami sa gilig
naupo. “Naman, privacy naman” sabi ko at natawa si Katrina. “oo nga
naman cousins privacy please” hirit din ni Katrina. Trenta minutos ang
lumipas at paalis na ang mga pinsan nya sa pool at inasar pa kami ni
Katrina na kaming love birds naman daw ang gagamit ng pool. Nang
magtampisaw ako sa pool ay agad tumalon si Katrina, may mga tao pa sa
paligid kaya palangoy langoy lang kami. Napadaan sina Ted at Nika at
sabi ni Ted, “oh insan and insane to be, late na ha”. “ngayon lang may
privacy e” sabi ni Katrina sabay tumawa sya. Natawa din si Ted at sabi
nya sa akin “Pepito, sexy ng insan ko ano?” at sumagot ako na “oo nga e,
kahit di naka on yung heater ng pool nag iinit ang tubig” sabi ko pabiro
at bigla nilublob ni Katrina ang ulo ko sa tubig. Tawa ng tawa si Ted at
sabi pa nya “sige antok na ako tulog na kami” pero biglang nagsalita si
Nika “gusto ko din magswimming” napatingin kami lahat kay Nika, “gusto
mo magswimming? Sige mag swimming ka” sabi ni Ted sa kanya. “Di mo ako
sasamahan?” tanong ni Nika kay Ted. “Antok na ako, kung gusto mo nandyan
naman si Katrina at Pepito para samahan ka” sabi ni Ted. Nagsimangot si
Nika at nauna naglakad sumunod naman si Ted at napatingin nalang ako kay
Katrina.
