Part 41

471 0 0
                                        


Ang Malikot na Pakikipagsapalaran ni Pepito - Nika 3

Kinalabit ni Katrina si Nika at napatingin si Nika, nilapit ni Katrina ang katawan niya at lumapit din si Nika, bulong ni Katrina pero di ko ulit narinig kahit sa harapan ko lang sila nagbubulungan. “Mommy pwede
bang matulog sa bahay si Nika ngayon at bukas nalang sya uuwi?” sabi bigla ni Katrina. “Sure, walang problema, di ba siya hahanapin sa kanila?” sabi naman ng nanay niya. “tatawagan ko nalang po sila” sabi naman ni Nika. “O sige di bale at sa isang araw pa naman ang pasukan” sabi pa ng nanay nya. Nagtinginan si Katrina at Nika at napasandal na ulit sila sa upuan at pumikit ng mga mata.

Pagdating namin sa bahay nina Katrina ay tinulungan ko silang magbaba ng gamit. Pagkatapos ko sila tulungan ay inimbitahan nila ako kumain nalang ng pananghalian doon at after lunch nalang daw ako uuwi. Pumayag naman ako at tumawag ako sa bahay para sabihin na nakauwi na ako pero walang sumasagot sa bahay. Di ko din napansin kung nandon ang kotse
pagkat nakasara naman ang garage door. Wala pa yung kasambahay nina Katrina pagkat nagbakasyon din sya, kaya ang nanay ni Katrina ang nagluto ng pananghalian at tumulong naman ako sa kanya.

“Pepito ok lang ako dito, doon ka sumama kina Katrina” sabi ng nanay ni Katrina. “Di po tutulong po ako sa inyo, nakakahiya naman” sabi ko. Natawa ang nanay ni Katrina at sabi niya “Kung pareho ka lang sana si Ted di sana di sila maghihiwalay ni Nika” sabi niya. “Kawawa nga si Nika ho e, di trinatrato ni Ted ng maganda” sabi ko. "Ganun ba? Pano ba nya tratuhin si Nika, ikento mo nga sa akin" sabi niya. Natawa kami konti at sabi ko “Basta hindi po maganda e, hindi pa nga niya ipinakilala nung turn na nila” sabi ko. “Ay oo nga ano, di ko napansin yon, bastos na bata yon talaga, girlfriend nya di nya pinakilala ng maigi, baka naman hiwalay na sila non?” hirit ng nanay ni Katrina. “Hindi pa po, sila parin noon, naawa nga ako kay Nika e, kaya sabi ko kay Katrina kaibiganin niya” sagot ko naman. “Alam mo iho medyo ninerbyos ako kasi akala ko ikaw ang dahilan ng paghiwalayan nila” nagulat ako at sinabi niya yon. “Ako po?” sabi ko naman. “Oo nung una akala ko ikaw kasi lagi ko kayong nakikitang magkasama ni Nika” sabi nya sa akin. Medyo napalunok ako at napansin pala niya yon, “Ay lagi po kasi kami naiiwan after dinner, so nagkakilala kami, at tuwing naiiwan kami nagsasama nalang kami, at pag pangit ang trato ni Ted sa kanya nilalayo ko nalang sya at hinahanap namin si Katrina” palusot ko nalang. “sorry iho at ganun ang naisip ko ha, alam mo nanay ako at concerned din ako sa anak ko” sabi nya. “Wag po kayong mag alala di ko po sasaktan si Katrina” sumbat ko naman.

Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi, eksaktong pumasok sa kusina sina Katrina at Nika. “Hala si mommy hinalikan si Pepito, mommy ha akin yan!” sabi ni Katrina at tumawa bigla ang nanay niya.

“Hay naku kung nandito ka lang kanina at may nasabi siyang kayak o hinalikan niya ang anak” sabi ng nanay niya. “Ano ang sinabi nya mommy?” tanong ni Katrina. “Sabi ni Pepito na mahal na mahal ka niya at di ka niya sasaktan” sagot ng nanay niya. Namula ang mukha ni Katrina at napatingin sa akin, niyakap ako ni Katrina at hinalikan sa labi sabay sabi nya “mommy gusto mo na magka apo?”. Napatingin ang nanay nya sa kanya at tumawa lang sya pero sabi nya “Katrina mamaya mag usap tayong dalawa” at nagulat si Katrina. “Tungkol saan mommy?” agad na tinanong ni Katrina. “Basta mamaya na” sagot ng nanay nya. Kinabahan si Katrina at napaupo sa harap ng lamesa, tumabi naman si Nika at ngumiti sa akin.

Pagkatapos ng pananghalian ay agad na akong umuwi sa amin, gusto sumama ni Katrina at ni Nika pero pinaiwan si Katrina at may pag uusapan daw silang mag ina. Si Nika ang sumama sa akin at pagdating namin doon walang tao sa bahay. Eksakto naman dumating yung guard at binigay na susi ng bahay at sabi nya umalis ulit daw ang mommy at daddy ko at bukas babalik. Agad akong nagpasalamat at pumasok na kami sa bahay. Niligpit ko ang mga gamit ko saka nagbihis at pinuntahan agad si Nika sa sala.
Dahil walang magawa sa bahay sabi ko balik nalang kami sa bahay ni Katrina at hinintay namin si Katrina sa garden nila. Ilang minuto ay lumabas si Katrina at sinamahan kami sa garden. “Ano pinag usapan nyo?” sabi agad ni Nika. “Tinanong ni mommy kung may nangyari na sa amin ni Pepito” sabi niya at nagulat ako. “O anong sabi mo?” hirit ni Nika. “Di sinabi ko na oo” sagot ni Katrina. “nagalit ba sya?” tanong ko agad kay Katrina. “Hindi naman, pinagsabihan lang ako na mag ingat” sagot naman nya. "Ow? Ano pa sabi nya?" hirit ko naman. “Gawin daw natin lagi,araw araw gabi gabi” biro ni Katrina at nagtawanan silang dalawa.

Nagulat kami at bigla akong tinawag ng tatay ni Katrina, takot na takot akong tumayo at lumapit sa kanya. Pumasok kami at nandon din ang nanay ni Katrina, takot na takot na ako at ninenerbyos. Pinapaabot lang pala sa akin yung picture frame na nakasabit sa dingding nila at agad naman akong pinalayas. nagbalik ako agad sa garden at naupo. “Ano sabi sa iyo?” tanong agad ni Katrina. Nag inarte naman ako na malungkot at sabi ko “Katrina, di na daw tayo pwede magkita…”. “Ano??!!!” biglang sigaw ni Katrina sa gulat. “oo daw, layuan na daw kita” sabi ko pa sa malungkot na tinig at niyuko ko lang ulo ko, sa loob loob ko ay natatawa na talaga ako at gusto ko na sabihin na biro lang pero ang sarap asarin si Katrina. Napaupo lang si Katrina at kumunot ang mukha at medyo napapaluha na. “Kaya Nika pareho na tayo, pwede na kita ligawan” sabi ko at napatingin silang dalawa sa akin. Gulat at tulala si Nika samantalang tuliro si Katrina at nakatingin lang sa akin. Di ko na natiis kaya natawa na ako “Ang itsura nyo nakakatawa, sana may camera, biro lang yon ano” sabi ko sa kanila at natawa si Nika pero si Katrina ay tumulo parin ang luha nya. Tawa kami ng tawa ni Nika at biglang tumayo si Katrina at lumapit sa akin at sinakal ako "Huwag mo akong bibiruin ng ganon!!! Ano talaga ang sinabi nila? Sabihin mo o papatayin na talaga kita!" sabi ni Katrina. Kahit nasasakal ako ay nagawa ko pang tumawa, “Sabi ni dad, gawin daw natin lagi at gusto na nila magkaapo” biro ko ulit. Lalong naasar si Katrina at si Nika ay tawa ng tawa, “Ano ang sinasabi nila!!??” sigaw na ni Katrina. “Wala, may pinaabot lang na picture frame sa dingding” sabi ko naman at agad na binitawan si Katrina. "Picture frame? Nagsasabi ka ba ng totoo?" sabi nya. “Oo, pero kung gusto mo paniwalaan yung isang sinabi ko di sige payag ako” biro ko pa sa kanya. Sinakal ulit ako ni Katrina at sabi nya “alin yung maghihiwalay na tayo tapos liligawan mo si Nika?”. “Hindi, yung isa, yung gagawin natin lagi” sabi ko nalang dahil di na ako makahinga. Bumitaw si Katrina at tinignan ako ng masama, “Kung nagsisinungalin ka tignan mo lang” sabi nya at pumasok sya sa loob ng bahay.

Naiwan kami ni Nika sa labas at tawa parin sya ng tawa. “Loko loko ka talaga, pinaiyak mo siya”. “Siya nga pala wag mo na sanang banggitin na wala magulang ko ha, nahihiya na kasi ako sa kanila” sabi ko kay Nika. “E di pano ka mamayang gabi?” tanong naman nya sa akin. “Ayos lang ano, iniwan na nila ako dati mag isa, kayak o naman magluto” sabi ko sa kanya. “Gusto mo samahan kita?” malambing nyang sinabi sa akin. “Huwag nalang baka di ka nanaman makabangon kinabukasan” sabi kong pabiro sa kanya. Tumawa sya at sabi nya “Ikaw naman ang hindi ko papabangunin' biro nya din sa akin. Bumalik si Katrina at nakangiti na sya, naantok naman ako kaya nagpaalam na ako na uuwi sa amin. Tinitignan lang ako ni Nika at parang gusto niyang sabihin kay Katrina na wala akong kasama sa bahay pero sinensyasan ko siya agad. Pumasok ako sa loob ng bahay para magpaalam na at dumiretso na ako sa bahay namin para magpahinga.

Pagdating sa bahay ay niligpit ko ang mga gamit ko, nag ayos ng kwarto at saka natulog. Nagising ako dahil nagriring ang telepono kaya agad akong bumaba para sagutin ito. Nakausap ko ang tatay ko at sabi nya Madaling araw na ng lunes sila makakauwi, sabado palang ngayon, sabi ko ayos lang ako at ako na ang bahala sa lahat. Pagkatapos namin mag usap napatingin ako sa oras, alas 5 na ng hapon, matagal din ako nakatulog at gusto ko pa matulog kaya lang nagutom na ako. May gusto ako kainin pero wala sa ref namin kaya nagpasya akong pumunta sa store sa labas ng village, kaya kinuha ko ang susi ko at pero saka lumabas ng bahay. May sumitsit sa akin nang nakalayo ako konti, nakita ko si Nika dala ang gamit niya at nandon sa gilid ng bahay nakaupo. Agad ko siyang pinuntahan at sabi ko “ano ginagawa mo dyan? Bakit dala mo gamit mo?”. “Ikaw saan ka pupunta?” agad naman niyang sabi sa akin. “Pupunta ako sa store sa labas may bibilhin ako, pero bakit ka nandyan?” tanong ko ulit sa kanya. “Dito ako makikitulog sa inyo” sabi nya sa akin. "Sira ka ba? Akala ko ba don ka kina Katrina?" sabi ko sa kanya. “Hindi, sabi ko kay Katrina uuwi na ako, hinatid nya ako dyan sa guard house”. “E bakit di ka pa umuwi?” tanong ko ulit sa kanya. “E dito nga ako sa iyo matutulog” sabi nya ulit. “Matutulog?” sabi kong pabiro at napatawa sya. “Nakakainis ka kanina pa ako kumakatok di mo binubuksan, kanina pa ako nagaantay dito” sabi naman nya. “Sorry nakatulog ako e, eto susi pasok ka na at may bibilhin lang ako sa labas, may gusto ka ba ipabili?” tanong ko sabi ko sa kanya. “Red Bull” sabi nya sabay tumawa sya ng malakas, napatawa din ako at sabi ko “ilan?”. “Sira punta ka na, bilisan mo at gutom narin ako” sabi niya at pumunta na ako sa store.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon