Chapter 5: Bea

31 0 0
                                        

Kinabukasan wala ako pasok pagkat may lakad si Madam Becky kasama ang mga amiga niya kaya late ako nagising. Naalala ko si Victoria at ang hubad niyang katawan, tinigasan ako agad habang pinagpapantasyahan ko sya. Biglang pumasok sa kwarto si Bea para tawagin ako kumain, agad ako nagpatagilid pagkat bukol na bukol ang ari ko. “Maya na ako kakain inaantok pa ako” sabi ko sa kanya. “Halika na, wala ako kasabay kumain, sige na” lambing nya pero pinikit ko mga mata ko at naramdaman ko nahiga sya sa tabi ko. “Hoy Athan lalamig na yung pagkain halika na kasi” sabi nya.
“Sige two minutes, mauna ka na susunod ako” sabi ko pagkat nakababa ang shorts at brief ko. Humarap sya sa akin at tinitigan ako sa mata, “Gusto mo balik nalang ako mamaya pag tapos mo na yang ginagawa mo?” sabi nya bigla at tumawa ako para di ako mabuking. “Ano pinagsasabi mo?” sabi ko at ngumiti sya. “Di nakasara pinto mo kanina, nasilip kita bago ako pumasok” sabi nya at buking na pala ako umpisa palang. “Wala ako ginagawa ano, baka iba naisip mo” palusot ko at bigla niya hinawakan ang kumot. “Talaga? Kung wala kang ginagawa papayag kang iaangat ko tong kumot” sabi nya. Huminga ako ng malalim, nakakahiya ako, para tumigil na sya magsasabi nalang ako ng totoo.

“Oo na, wag mo na iangat. Well nurse grad ka so naiitindihan mo naman siguro na healthy ito diba?” sabi ko nalang at binitawan niya ang kumot. “See hindi naman mahirap magsabi ng totoo diba? Okay, sino pinagpapantasyahan mo?” sabi nya at natawa nanaman ako. “Grabe ka naman, di naman kailangan may pagpantasyahan ano, I mean diba kailangan talaga ng lalake magdischarge. Mahirap naman maipunan, ayaw ko magkawetdreams. Alam mo naman yon diba?” palusot ko nanaman. “Sinungaling, sabihin mo na sino, hindi ako naniniwalang wala, meron at meron yan. Sino siya?” tanong niya at tawa ako ng tawa.

Di ako titigilan ni Bea, ayaw ko naman aminin na si Victoria pinagpapantasyahan ko pagkat may asawa na yon, baka mandiri sya sa pagkato ko. “Ang tagal, aminin mo na para tumigil na ako. Di na tayo bata, sabihin mo na sino, yun lang naman tanong ko e” sabi nya at tinignan ako. “Ikaw” sabi ko at tinitigan niya ako ng matagal sabay tumawa sya ng malakas at pinalo ako. “Sira ka talaga, sabihin mo na totoo kasi” sabi nya at tawa parin sya ng tawa. “Nagsasabi na nga ng totoo e, ikaw nga e” sabi ko at lalo tumindi ang tawa nya pero bigla sya tumigil at tinitigan ako.

“Pumasok na si daddy” sabi nya bigla, ngumiti lang ako, “Oo alam ko narinig ko yung kotse” sagot ko at tinignan niya ako ng masama. “Slow ka talaga!” sigaw niya sabay bumangon sya at tumayo, naglakad sya papunta sa pinto pero bigla niya hinila ang kumot, di ako handa kaya nahila niya ito at nakita niya ang tigas na tigas na ari ko at tawa sya ng tawa. “Hoy tara na lalamig na pagkain” sabi nya sabay lumabas na sya ng kwarto.

Bumaba na ako at nakaupo na sa harap ng lamesa si Bea, nahihiya tuloy ako sa kanya sa nasabi ko. Nginitian niya ako at napansin ko nagtali sya ng buhok nya. Mabagal sya kumain at bawat subo nya tinititigan niya ako, nilayo ko ang tingin ko at parang nagbago ang damit niya, iba ang suot niya sa kwarto kanina, ngayon nakasuot sya ng masikip at manipis na sando. Halatang wala syang bra pagkat bumubukol ang nipples nya. Napalunok tuloy ako at ngumuya ng matagal. “Bakit?” tanong nya, “Ah wala, masarap tong luto mo” sabi ko nalang. Ngumiti ulit sya at napatitig ako sa leeg nya, tinigasan nanaman ako at parang inaakit talaga niya ako.

“Ano naman kinasarap niyan e prinito ko lang naman yang hotdog, tapos prito din yang itlog” banat niya at ang talim ng titig niya kaya di ko sya kaya tignan sa mata. Pagkatapos namin kumain ay naligo ako, pagkalabas ko ng banyo nakasalubong ko sya na nakatwalya lang, nagkatitigan kami saglit, “Ano tinatayo tayo mo dyan? Alis na at maliligo ako” sabi nya kaya agad ako tumabi at pumasok sya sa banyo at sinara ang pinto.

Natapos na ako magbihis at mag ayos ng kwarto, bababa na sana ako para isampay ang twalya sa labas nagkasalubong ulit kami ni Bea, nagkatitigan ulit kami, halos nanigas ako pagkat ang bango bango niya. “Ano?” tanong niyang parang siga pero naglakad na ako papunta sa hagdanan. “Psst Athan” sabi nya at paglingon ko nakita ko syang inaalis ang twalya at inabot sa akin. Nasilayan ko saglit ang hubad na katawan nya pero agad kong nilihis ang tingin ko. “Pakisabit narin sa labas” sabi nya at inabot niya ang kanyang twalya. Nayanig ang utak ko, di ko masyado nakita ang katawan niya, naghihinayang ako at muntik pa ako nalaglag sa hagdanan pagkat pilit kong iniisip ang katawan niya.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon