Chapter 1: Sikreto ni Ninong

3.4K 2 0
                                        

Chapter 1: Sikreto ni Ninong

Wala na akong mga magulang, ang nagpaaral sa akin ng college ay ang bestfriend ng tatay ko na si Ninong Bobby. Matagal ko na sya di nakikita, ni graduation ko di sya pumunta kasi busy sya. Di ko sya masisisi kasi kahit di niya ako anak pinapadalhan niya ako ng tuition at allowance. Ngayon na walang patuturan ang buhay ko pupuntahan ko sya para humingi ng tulong.

Eight years na ako di nakapunta dito sa bahay niya, pareho parin ang itsura at parang walang nagbago. Bente minutos na ako kumakatok pero wala ata tao kaya nagpasya ako mag antay. Gutom na ako pero wala ako pera kaya wala ako magawa.

Hapon na at may tumigil na kotse sa harapan ng bahay. May bulag na bumaba sa kotse, pagkababa niya umalis na ang kotse. Nang titigan ko mabuti nagulat ako at si ninong Bobby yon. “Ninong! Ano nangyari sa iyo?!” sigaw ko at nilapitan ko sya. Di ako pinapansin ng ninong ko at nagtataka ako. “Ninong ako si Athan, ano po nangyari sa inyo?” tanong ko at tinulak nya ako palayo at nagdiretso sya sa pinto.
Binuksan nya ang pinto at bigla ako hinila papasok. Sinara nya ang pinto at inalis ang shades nya. “Punyeta ka masisira ang gimik ko sa iyo” sabi nya at tinabi nya ang walking stick nya at shades. “Ninong di ka bulag?” tanong ko at tinitigan nya ako, “Ano sa tingin mo?” sagot nya at nahihilo na ako talaga.

“Tara na sa bahay” sabi nya at nagpunta kami sa likod ng bahay at lumabas ng pinto doon. “Eto bahay niyo diba ninong?” tanong ko. “Madami kang tanong basta sundan mo ako” sabi nya at sa likod ng bahay may magarang kotse, di ako makapaniwala meron syang RAV4 e ang laswa ng itsura ng bahay niya. “Sa inyo to nong?” tanong ko. “Shut up ka nga, get in the car” sabi nya at natatawa ako pagkat parang nag iba ang ugali niya.
Tahimik nalang ako at after ten minutes pumasok kami sa isang residential area kung saan ang gaganda ng mga bahay. Pinasok nya ang kotse sa isang garahe at saka sya lumabas. “Tara na ano pa inaantay mo” sabi nya kaya lumabas narin ako at nagdiretso kami sa pinto. Lingon ng lingon si ninong at nagtataka na talaga ako, pagbukas ng pinto nanlaki ang mata ko pagkat isang napakagandang dalaga ang nandon.

“Hi daddy” sabi ng babae at humalik sa ninong ko. “Bea ito si Athan, yung anak ng bestfriend kong nasa impyerno na” sabi ni ninong at tumawa si Bea. Di ako makapaniwala na may anak si ninong na ganitong kaganda, matangkad sya at mahaba ang buhok, hanep pa ang legs nya at ang kinis. “Ninong sure ako nagmana sya kay ninang” biro ko at tumawa si ninong. “Bea anak palabasin mo na nga yang animal na yan” sabi ninong at tawa ng tawa si Bea.

Naupo si sinong sa sofa at naghanda si Bea ng meryenda namin. Nakwento ko kay ninong ang problema ako at nagalit sya sa akin. Mabait masyado si ninong kaya pumayag sya na tumira ako sa bahay niya. “Bea iha, makikikain lang si Athan dito, paghandaan mo nga ng kumot at unan at doon sya sa old house titira” sabi ni ninong.

“Ninong bakit doon? Bakit di pwede dito?” tanong ko. “Wala akong tiwala sa iyo! Kanina mo pa tinititigan anak ko! Dun ka sa old house, banned ka dito!” sigaw nya at tumawa nalang ako. “Teka ninong, bakit ka nag aacting na bulag kanina?” tanong ko at nakiupo na si Bea sa amin. “Trip ko e” sagot ni ninong at natawa ako bigla pagkat asal bata sya. “Ninong talaga bakit ka nagbubulag bulagan?” tanong ko. “Sa tingin mo pano ko binayaran ang tuition mo at saan ako kumukuha ng pera para sa allowance mo? Itong bahay sa tingin mo pano ko to nabili?” tanong nya.

“Ows? Namamalimos ka?” biro ko at tawa ng tawa si Bea. “Tado! Sa tingin mo sa pamamalimos makakabili ako ng ganitong bahay at mapapaaral ko kayong dalawa?” sagot nya. “Ah alam ko na, kasama kayo sa combo na banda, lahat kayo bulag. Uy nong marunong ako mag gitara baka pwede mo ako ipasok” hirit ko at binatukan niya ako. “Masahista si daddy” sabi ni Bea at nagulat ako. “Masahista?” tanong ko at tinignan ako ng masama ni ninong. “Bea magluto ka na nga at mag uusap kami ni Athan” sabi ni ninong at dinala ako ni ninong sa likod ng bahay nila.

Random Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon