The Naughty Adventures of Pepito - Hiwaga ng Pasko 2
Ilang araw nalang pasko na, wala na kaming pasok at wala naring pasok
sina Katrina. Nagsama kami ni Katrina at buong umaga naubos ang oras
namin sa kwentuhan sa bahay nila. Pagkatapos namin kumain ng
pananghalian sa bahay nila ay nagpunta kami sa mall para maglibot libot
lang. Pag uwi namin ay sabi ko maghapunan sa sya sa bahay pagkat nakita
ko nandon na magulang ko.
Sa hapunan ay nabanggit ng tatay ko na magpapasko kami sa probinsya at
baka umabot pa kami ng new year doon. Nalungkot ako bigla pagkat hindi
ko makakasama si Katrina sa pasko at bagong taon. “Katrina baka gusto mo
sumama sa amin, papayagan ka kaya?” tanong ng tatay ko kay Katrina.
“Gusto ko po sumama, sige po magpapaalam ako mamaya” sabi ni Katrina.
Tuwang tuwa ako sa narinig ko at pagkatapos namin kumain ay sinamahan ko
si Katrina pumunta sa bahay nila. Nandon na ang mga magulang nya at agad
syang nagpaalam. “Dad, pwede ba ako sumama kina Pepito at magchristmas
at new year sa probinsya?” sabi ni Katrina. Napatingin ang mga magulang
nya sa amin, nahiya ako bigla at akala ko hindi sila papayag. “Ok lang,
pero Christmas lang, new year kailangan natin pumunta sa reunion.” sabi
ng tatay nya. “E pano yan, di ko alam pano yan mag bus ako papunta sa
reunion?” sabi ni Katrina. “Sunduin ka namin sa probinsya” sabi ng tatay
nya. tuwang tuwa si Katrina pati ako narin ay natuwa pagkat magkasama
kami ni Katrina sa pasko. “Teka, since magpapasko si Katrina sa inyo,
baka pwede kang mag new year sa amin Pepito?” sabi bigla ng nanay ni
Katrina. Napaisip ako ng malalim at agad ako pumayag, siguro papayagan
naman ako ng magulang ko pagkat sasama naman si Katrina sa amin ng
pasko. Pagkauwi ko ng bahay sumama din si Katrina at ako naman ang
nagpaalam, pumayag ang mga magulang ko kaya maayos na ang lahat.
Ika 23 ng disyembre nagpunta kami ng probinsya kasama namin si Katrina,
27 kami susunduin ng mga magulang ni Katrina para magpunta naman kami sa
kanila. Pagdating namin sa probinsya ay doon kami sa bahay ng lola at
lolo ko nakitira, malapit lang yon sa bahay ng uncle ko kung saan kami
dati nakitira nung summer. Patay na ang lolo at lola ko, caretaker
nalang ang nag aalaga dun sa bahay, may tatlong kwarto don at isa ang
ginagamit ng caretaker ng bahay. isang kwarto ang para sa mga magulang
ko at sigurado isa para kay Katrina, at sigurado ako sa salas ako
matutulog. Nang magpunta kami sa kwarto tanging dala ko ang gamit ni
Katrina, agad pumasok si Katrina sa kwarto at binuksan ang mga bintana.
“Pepito, saan ang gamit mo?” sabi ng tatay ko. “Nasa salas, dun ako
matutulog diba?” sabi ko naman sa tatay ko. “Dyan na kayong dalawa ni
Katrina, iakyat mo na ang gamit mo mamaya” sabi nya sa akin. Nagulat ako
sa sinabi nya at napatingin ako sa nanay ko. “O ano pang hinihintay mo?”
sabi ng nanay ko. napatingin ako kay Katrina at napapangisi na ako kaya
agad ako bumaba at kinuha ko na ang gamit ko saka dinala sa kwarto.
Pagpasok ko ng kwarto ay di ko matanggal ang ngiti ko sa mukha ko,
magkasama na nga kami ni Katrina sa pasko, at sa iisang kwarto pa kami
matutulog.
Nagbihis si Katrina at nagsuot sya ng maisking shorts, litaw na litaw
ang mapuputing legs nya sabay hapit na hapit na tshirt, at niyaya niya
ako na ipasyal ko sya. Hot na hot na nga ang weather don at lalo pa nya
pinainit ang katawan ko. Agad naman ako nagbihis at lumabas kami ng
bahay at dinala ko sya sa bahay ng uncle ko para ipakilala. Tinuro ko
din ang bahay nina Eunice at kumatok kami doon para tignan kung nandon
siya. Sabi ng autie nya wala pa si Eunice pero darating sila para
magpasko. Nilibot namin ang plaza at lahat ng lalake napapatingin kay
Katrina. Nang mapagod kami ay bumalik na kami sa bahay ng uncle ko para
mananghalian.
Habang nagsisiyesta kami sa kubo ay may mga dumating sa bahay ng uncle
ko. Napuno ng ingay kaya napasilip kami ni Katrina kung sino ang mga
dumating. Nakita ko yung ibang unle at auntie ko dumating at nandon din
sina Arelene at Clarissa at yung mga makukulit na mga bata. Nakita ako
agad ni Arlene at agad hinila si Clariss para puntahan ako. Lumapit
naman si Katrina sa tabi ko at agad ko siya pinakilala sa mga pinsan ko.
“Pepito iakyat mo mga gamit namin” sabi ni Clarissa sa akin. Natawa si
Arlene at sabi nya “Clarissa mahiya ka naman kasama niya girlfriend
nya”. “Ok lang, dito muna tayo, sige Pepito iakyat mo na gamit nila”
sabi naman ni Katrina. Tumawa sina Arlene at Clarissa habang pumunta ako
para kunin ang mga gamit nila sa kotse. “Masunurin sa girlfriend si
Pepito, parang hindi ikaw yan” sabi pa ni Arlene sa akin. Ngumiti nalang
ako at nagpunta na ako para kunin ang gamit nila. Nakita ko naman yung
tatlo nagpunta sa loob ng kubo.
