Naranasan mo na ba ang mainlove?
Sa taong sikat at crush ng lahat?
Ako oo, crush na nga lang ang meron ako, ang dami ko pang kaagaw sa mundo.
Lagi ko nalang siyang tinatanaw sa malayo, dahil malabo talagang mapansin niya ako.
Pero masaya sa pakiramdam ang mainlove.
'Yung feeling na lagi kang tatanaw sa bintana, makita mo lang siya.
'Yung feeling na pagdadaan siya, 'di mo alam anong gagawin.
'Yung feeling na bigla ka nalang pagpapawisan, pag nakikita mo siya.
'Yung feeling na marinig mo lang ang pangalan niya, okay ka na.
'Yung feeling na makita mo lang siya, masaya ka na.
Sobrang saya ang feeling na mainlove, Lagi kang inspired.
Pero what if 'di naman ikaw ang gusto niya?
Dahil may gusto na siyang iba?
Anong mararamdaman mo?
Masakit 'diba? Yung feeling na umasa ka talaga.
Di ka naman pala niya gusto. Pero ano namang gagawin mo?
Titigil ka na ba o magpapatuloy ka?
Kasi ako, kahit 'di niya ako gusto, Aasa pa rin ako. Medyo asang asa, pero mahal ko kasi siya.
Kahit na may iba pa siya gusto.
Siya parin ang minamahal ko ng totoo.Minsan masakit sa pakiramdam pagnakikita ko silang magkasama. Pero ano namang magagawa ng tulad ko, eh magkarelasyon nga sila 'diba?
Invisible lang naman ako na nagmamahal sa tulad niya. Sa taong tulad niyang may mahal ng iba.
Paano naman kung lahat ng hinihiling mo ay matupad?
'Yung hiling mo na sana makasama mo siya.
'Yung hiling mo na sana mapangasawa mo siya.
Ay matupad bigla?
Ano naman kaya ang mararamdaman mo?
Masaya 'diba? Abot langit sa tuwa! 'Yung parang jumackpot ka sa lotto.
Ganyan lang naman ang naramdaman ko ng malamang, Magpapakasal ako, at sa taong sobrang gusto ko.
Para bang natupad na lahat ng kahilingan ko. Pero 'di naman niya ako gusto.
Ang hirap pala ng ganto, Kasal ka nga, Di ka naman gusto.
Parang mas masakit pa ito sa umaasa kasi, Kasal ka nga, Kasama mo nga, Tanong mahal ka ba?
Hanggang kailan kaya kami magkakaganto? Hanggang kailan kami magtatago? Kasal ka nga, pero sekreto.
Ang hirap pala talaga pag Arranged Marriage ang kasal. Dati nababasa ko lang ang mga ganto. Ngayon, nangyayari na sa akin.
Bakit ba kami napunta sa sitwasyon na ito? Papakasalan mo pa yung taong ayaw sayo. Pangarap ko lang namang mapakasal sa taong mahal rin ako.
Paano nga ba kami napunta sa puntong ito? Ano nga ba ang rason, bakit ko pinakasalan ang taong ito?
Hanggang kailang ko ba mararamdaman ito? Hanggang kailan ba ako aasa sa taong ito?
Sa taong ubod ng SUNGIT, SUPLADO, COLD at SAMA NG UGALI!!!
Ako si Princess Stephanie Sy at ito ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...