Stephanie's POV
Agad kong pinindot iyon at laking gulat na video ko iyon noong nabangga ko si Grey hanggang sa pinaalis niya ako.
"Impokrita talaga itong Sheena na ito." Naiiyak ako sa galit ngayon.
Sheena Vazquez:
Landi naman this girl! Papansin pa kasi .#bitch #flirt
At puro hateful comments ang nababasa ko sa post na iyon ni Sheena.
Hays kahit kailan talaga ganyan na siya. Sa totoo lang marami na siyang mga binubully at inaaway. Lalo na yung mga fangirl ni Grey.
Ang pagkakaalam kasi sa school namin isa ako sa fangirl ni Grey pero hindi ko alam kung bakit alam ni Benj na may gusto ako kay Grey.
*kring kring*
"Hello? Ang sakit naman sa tenga ng boses mo. Ano ba iyon?"
["Be!!! Nakita mo na ba?"]
"Micah pwede hina ng boses ng unti? Ano ba yun?"
["Yung post ni Sheena na demonyita! Nakita mo ba yun? Nakita mo na ba?"]
"Oo nakita ko na nga. Kanina lang."
["Sumusobra na talaga yang bruhang iyan ah! Di niya ba alam na pwede siyang maguidance dahil sa ginawa niya? Okay ka lang ba?"]
"Oo naman... Bakit naman hindi ako magiging okay? Hayaan nalang natin siya."
Pagkatapos ng usapan namin ni Micah ay agad na akong natulog sa sobrang inis.
Kinabukasan, agad akong bumangon dahil kailangan kong pumasok ng maaga para hindi pagpiyestahan at mabigyan ng atensyon.
Ngunit pagpasok ko ay marami na agad ang mga estudyante. Maraming mata ang mga nagtitinginan sakin. Maraming bibig ang nagbubulungan sa paligid ko.
"Nakita mo ba yung pinost ni Sheena?"
"Oo. Diba siya yung babae doon?"
"Siya nga. Di ka nagkakamali."
"Oo nga mukha siyang desperada doon sa video."
"Sinabi mo pa. Nakakahiya kaya."
Kung anu-anong bulungan ang naririnig ko. Para naman akong sikat nito. Di naman ako yayaman pag pinansin ko itong mga taong ito eh.
Palakad na ko palayo ng may bumangga sa aking babae...mga babae.
"Look who's here? Hahaha... The higad! May mga tao... I mean hayop talaga na kahit di mo hinahanap ay nagpapakita no? Parang ikaw!"
Aba kung sino nga talaga ang makikita mo ngayong araw na ito. Aalis na sana ako palayp ng hilain ng isang kasama ni Sheena ang buhok ko."Oppss! Teka girl! Saan ang punta? Are you in a hurry?" Ang maarteng sabi nito habang hawak padin ang buhok ko.
"Aray ko! Bitawan mo nga ang buhok ko." Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya at tinanggal niya din naman agad iyon.
"Pwede ba! Tigilan niyo nga ako. Nagmamadali ako. Kung kayo hindi busy pwes ako busy ako. Marami pa kong gagawin at hindi ko kayp priority para pag aksayahan ng oras ko."
Ang mataray na sabi ko sa kanila. Ay iba na ko. Pano ko nasabi yun? Imbis na tigilan nila ako mas lalo ata silang nagalit dahil sa sinabi ko."And so kung hindi mo kami priority? Nagmamadali ka? Siguro magpapapansin ka nanaman kay Grey no? You fangirl! You're just a fangirl kaya quit dreaming na mapapansin ka niya." Hinawakan ako ni Sheena sa braso at mataray na sinabi iyon. Aba ano bang problema nito?
"I'm just a fangirl. Eh kayo, ano ba kayo? Diba fangirls lang din naman? Ano bang problema niyo at ayaw niyo akong tigilan? Imbis na pag-aksayahan niyo ko ng oras pumunta nalang kayo doon sa Grey niyo at landiin niyo na siya. Diba ganoon naman kayo? Are you sure na ako ang higad o baka kayo?" Napabitaw si Sheena sa pagkakahawak niya sa akin at nagsimulang maasar.
"How dare y--" Sasampalin na sana niya ako nang may biglang tumabig ng kamay niya.
"Ano nanaman bang mga problema niyo?" Lahat kami ay napatingin sa nagsalitang iyon.
"Oh! You're here Beatrize. Bakit ka ba nangingialam?" Ang mataray na sagot ni Sheena sa kanya.
Teka anong ginagawa ng syota ni Grey dito?
"Ano nanaman bang problema mo sa fangirl ni Grey?" Ang sabi ni Beatrize. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.
"Look, wala namang ginagawang masama yung tao eh. Napaka sensitive niyo kasi. Porket may lumapit kay Grey feeling niyo aagawan agad kayo." Hinawakan niya ako sa wrist at nagpatuloy sa pagsasalita.
"If she's just a fangirl. Always remember na ganoon lang din kayo kaya know your limitations. Don't act like his girlfriend." Nagulat ako nang hilain niya ako palayo sa kinatatayuan ko at maging sa sinabi niya ay gulat na gulat ako. Pati sila Sheena ay nagulat, literal na gulat dahil kahit nakaalis na kami nakatayo padin sila.
"How dare you! I hate you Beatrize!" Ayun na lamang ang naisigaw ni Sheena.
Kitang kita sa mukha ni Beatrize ang pang-aasar dahil nakangisi parin siya hanggang ngayon.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Oh. Ayos ka lang ba? Sorry pala hinila kita." Ang sabi niya. Kalmado na ang boses niya at di katulad kanina na mahahalata mong galit siya. Ang ganda ng boses niya at parang inosente.
"Teka. Bakit mo nga pala ako tinulungan? I mean mapapaaway ka lang sa kanila diba? Kilala mo naman siguro sila. Kahit pa ikaw ang girlfriend ni Grey." Ang sabi ko sa kanya. Nagpatuloy siya maglakad kaya sinundan ko nalang siya since na late na din naman ako sa first subject.
"Hindi ka ba papasok sa first subject mo?" Ang tanong niya habang umupo siya sa isang bench malapit sa canteen.
"Uhm. Hindi na. Late na din kasi ako eh." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Ganun ba? Ah nga pala ako si Beatrize. Ikaw si? Ano nga ulit pangalan mo?" Ang tanong niya. Di ko alam kung bakit parang ang bait niya. Ibang iba sa pagkakaalam ko.
"Princess Stephanie Sy. Stephanie ang tawag nila sa akin." Ang sagot ko.
"Princess... ahh. It reminds me of someone." Ngumiti siya at nag-isip ng malalim.
"Sino yung someone na yun?" Ang tanong ko. Bumuntong hininga lang siya at ngumiti.
"Nothing. Just a childhood memory." Ang sabi niya.
"Ah ganun ba. Nga pala, nalimutan ko magthank you kanina. Thank you nga pala. Pero kaya ko naman sila eh. Pero thank you padin kasi kung hindi mo sinanggi yung kamay ni Sheena siguradong namumula na yung pisngi ko ngayon." Tumawa naman siya sa sinabi ko. Mukha talaga siyang mabait.
"Wala yun. Alam mo hindi naman kasi titigil yung mga yun. Kahit na kaya mo sila di ka nila titigilan. Base on my experience na din. Maniwala ka ganoon talaga sila." Ang sabi niya.
"What do you mean by that?" Naexperience niya na? Nabully na din kaya siya?
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...