IGMWH 25

41 3 0
                                    

Stephanie's POV

Nakahiga ako sa kama nang maalala ko ang nangyari noong kasal namin ni Grey.

Flashback

Tahimik akong naglalakad sa hallway nang hindi ko sinasadyang makarinig ng usapan.

"Sa tingin mo matutuwa kaya siya pag nalaman niya?" Ang tanong ni tito Timothy kay mommy.

"Mas magiging komplikado ang lahat kapag nalaman niya ang totoo." Ang sagot naman ni mommy.

"Isikreto nalang natin ito. Alam mo naman kung bakit niya ginawa iyon. Diba?" Dagdag pa ni mommy.

"At least okay na, fullfilled na ang mga pangako."

                   

Anong sikreto ang pinag-uusapan nila?

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Grey. Bakit kasi kabute ito na bigla na lamang sumusulpot?

"Hallway ito, baka natutulog ako dito?" Sarkastiko kong sagot sa kanya sabay ngumisi. Nakita ko naman na nainis siya sa sagot ko.

"Kanina ka pa hinahanap nila lolo ro-"

"Sige mauuna na ako." Narinig naming sabi ng daddy ni Grey.

"Tara na!" Inaya na ako ni Grey at hinila ako.

"Ano ba! Ang sakit." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan nila?" Mahinang tanong ko sa aking sarili.

"Princess." Lumapit sa amin si mommy.

Tinanong ko si mommy tungkol sa pinag-usapan nila ni tito Timothy. Ipinaliwanag niya sa akin na isa lamang acting ang nangyaring disgrasya sa kanila ni daddy. Hindi raw talaga sila nabangga dahil iyon ay plano nila lolo. Gusto raw nila mas mapaaga ang kasal at wala namang magawa sila daddy laban doon. Hindi raw sana nila sasabihin dahil baka magtanim ako ng sama ng loob sa kanila.

"Anak? Pagpasensyahan mo na at nagsinungaling si daddy sayo." Ang ani daddy.

"Dad, you don't need to do that. Pinag-alala mo ako. Papayag naman ako." Sabi ko, nag-alala talaga ako na akala ko ay totoo iyon kaya laking gulat ko nang makita siya sa kasal namin na maayos at malakas. Yinakap ko na lamang siya ng mahigpit.

Pero totoo naman, wala naman na akong magagawa kahit ayaw ko. Wala kaming karapatang umayaw dahil pamumuhay namin ang magiging kapalit nito.

Ito talaga ang pinahahalagahan ni lolo David at lolo Felipe. Importante sa kanila ang negosyo.

End of Flashback

Grey's POV

Pagkapasok ni Stephanie sa kwarto ay nagpasya akong tawagan si daddy.

["Hello, anak! Napatawag ka?"]

"Ngayong sinunod ko na ang kagustuhan mo, pwede bang ako naman ang humiling sa iyo?"

["Oo naman, Grey."]

"Layuan mo na si tita Marise, please lang. Nakita ni Princess na magkausap kayo noong kasal namin. Umisip naman ng alibi si tita Marise nang magtanong si Princess tungkol doon."

["Sorry, Grey."

"Lahat na ginawa ko para sayo, kaya ako naman ang humihiling ngayon. Sinira mo na ang pamilya natin kaya tama na. Tigilan niyo na ang relasyon niyo. Hindi na kayo pwedeng magsama dahil kasal na ang mga anak niyo."

Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Princess matapos niyang makita at makarinig ng usapan ni daddy at tita Marise. Ayaw kong malaman niya ang tungkol doon dahil magiging isang malaking gulo lang iyon.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon