IGMWH 7

541 24 2
                                    

Stephanie's POV

Maaga nanaman akong nagising, since then ganto na talaga ako magising.
I checked the clock and 5:30 palang ng umaga. Kaya tumayo nalang ako and started to look around my room. Na parang may inaalala.

Then I saw this picture in my drawer. The picture of me with two boys. We are, I think grade 4 in this picture.

I can still remember them. My childhood bestfriends.

I still have connection with the other one but looks like he already forgot me. His name is Prince. Yes he is Prince. Prince Grey Lim.

Siya yung kaibigan ko magmula pagkaanak samin. Since magkaibigan ang mga parents namin.

Kaya nga Prince at Princess ang ipinangalan nila sa amin para iremind daw na bestfriend forever ang family namin.

Mas matanda sakin si Prince ng isang taon pero parehas kami ng grade ngayon.

Iyon ay dahil sa late siya nag aral para antayin ako. Well, ayun kasi ang gusto ng parents namin na parati kami magkasama.

Kahit sa school palagi nilang pinapakiusapan ang teachers na dapat magkaklase kami.

There was time na may mga sikreto ako na hindi ko kayang sabihin kela mommy, at si Grey ang nadiyan para masabihan ko.

He is always a good brother to me. Para na talaga kaming magkapatid, since bata palang kami lagi na kaming magkasama. He always treat me as his younger sister. Alam niya lahat ng gusto at ayaw ko. Alam niya kapag malungkot ako kahit hindi ko sabihin. Ganoon kami kaclose sa isa't isa.

Pero as we grow up. May isang bagay akong hindi maintindihan at lagi nag iiwan sakin ng katanungan.

Bakit habang tumatanda kami may isang bagay akong nararamdaman pag kasama ko siya?

Ayun ang laging palaisipan para sa akin.

Habang tumatagal feeling ko nahihiya ako sa kanya. Kaya nga minsan nagtataka siya sa kinikilos ko.

Pero merong isang lalaking dumating at naging kaibigan namin. Siya si Jayven. Nakilala namin siya noong grade 3 kami. Bago palang siya sa school namin at kami ang una niyang nakilala.

Dati palaging kaming dalawa ni Grey ang magkasama pero simula nang dumating siya palagi na din siyang sumasama sa amin.

Habang patagal ng patagal di ko na alam ang nararamdaman ko. Hanggang isang araw bigla akong kinausap ni Jayven at inamin niya na nagkakagusto siya sa isang babae.

At ang babaeng iyon ay AKO.

Sa totoo lang ayun ang unang beses na may nagsabi sakin noon kaya hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya tumawa lang ako.

Pero pati siya ay tumawa lang din siguro dahil noong mga panahon na iyon ay di padin namin alam ang mga pinagsasabi namin.

Pero magmula ng pumunta si Grey sa ibang bansa at lumipat ng school, si Jayven di ko na nakita. Tanging si Grey nalang ang nakita ko at ang mas malala di niya na ako pinapansin, o baka naman di niya na ako kilala.

*phone rings*

Muntikan ko na mabato ang cellphone ko sa gulat.

"Number lang?" Pero agad ko namang sinagot para malaman kung sino iyon.

["Sy? Nakaisip na ako ng gagawin."]

"Sorry, pero sino ito?" Ang nagtatakang tanong ko.

["Si Benj to. Magkita tayo sa music room mamaya".]

Di pa man din ako nakakasagot agad na niyang binaba. Ang bastos talaga.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon