Grey's POV
Naiwan akong nakatayo doon habang si Princess ay tumakbo na pabalik sa restaurant.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon, pero gusto kong kalimutan niya na ako.
"Grey ang tagal mo naman!" Ang sabi ni Beatrize at umupo na ako agad sa tabi niya.
Napatingin naman ako kay Princess na ngayon ay nakatitig sakin ng masama.
Nakita ko naman si Jayven na napatitig sakin at kay Princess.
"Ah tara kain na tayo!" Ang sabi ni Jayven.
Kumain kami at naglibot. Pagkatapos ng galang wala masyadong kibuan ay umuwi narin kami. Hinatid ko si Beatrize at magkasama namang umuwi sila Princess at Jayven.
Pagkauwi ko ay nadatnan ko siyang umiinom.
Tinitigan ko lang siya at nilagpasan.
"Anak patawarin mo ako." Ang sabi niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at nagtungo na sa kwarto ko.
Nagbihis na ako agad at humiga na sa kama ko.
Nakakapagod na itong buhay na ito. Punong puno ka na ng sekreto na pilit mo nalang tinatago.
Napapagod na kong magtago dahil alam kong may mapapahamak kapag nabunyag ang mga ito.
Pero ako ang nasasaktan. Ako, dahil pamilya ko ito.
Flashback
Noong isang araw lang narinig kong may nakalampag sa taas. Sa kwarto ng dad ko.
Hindi ko na tinignan iyon at dumiretso na lamang sa kusina.
Akala ko nagbago na siya magmula ng mamatay si mommy. Pero hindi parin pala.
Pero ang mas lalong nagpasakit sakin ay nang malaman ko kung sino iyong palagi niyang kasama.
"Dad!" Nakita ko ang pagkagulat at kaba sa mga mata nila.
"G-Grey?" Ang gulat na tanong niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Dad.
"Natural nandito ako dahil bahay ko ito." Ang galit na sagot ko sa kanya.
"Magpapaliwanag ako." Ang sabi ni Dad pero agad naglakad palayo.
"Grey? Patawarin mo ko!" Ang sabi ng babae at hinawakan ako sa kamay.
"Hanggang ngayon? Akala ko ba tinapos niyo na ang relasyon niyo?" Ang galit na galit na tanong ko. Nanggagalaiti ako sa galit at parang gusto kong makasapak sa galit.
Ngayon pa man din ay death anniversary ni mommy.
"Di mo manlang madalaw si Mommy sa sementeryo. Ikaw!" Ang pagturo ko sa babae.
"Kaibigan ka pa man din ni Mommy tapos, tapos ganto lang magagawa mo sa kanya?" Hindi ko na napigilang umiyak kaya tumakbo nalang ako papunta sa labas.
Nakita ko si Princess na papunta sa bahay namin. Kaya agad akong nagpunas ng luha ko.
"Prince!" Ang masayang bati niya sa akin.
"Ilang beses ko bang uulitin sayo na wag mo na akong tatawagin niyan?" Ang sabi ko sa kanya. Kaya agad naman siyang nagsorry.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Ang iritableng tanong ko sa kanya.
Kaya hinila ko agad siya para makalayo sa peste naming bahay.
"Aray aray! Gusto lang naman kitang kamustahin. Di mo na ako pinapansin sa school." Ang sabi niya. Nakakita ako ng lungkot at sakit sa mga mata niya kaya agad ko siya binitawan.
"Ayos naman ako." Ang walang emosyon kong sagot.
Ngumiti naman siya.
"Bakit kailangan bang pansinin kita?" Ang masungit kong sagot at umalis na agad habang siya ay naiwang nakatayo doon.
End Of Flashback
Ilang araw matapos ang pangyayaring iyon ay hindi ko na pinansin ang Dad ko.
Nagpasya akong manahimik nalang pero di ko parin makakalimutan iyon.
"Sir sir!" Nagising ako sa ingay na narinig ko.
"Sir ano pong meron?" Agad akong bumaba nang marinig ang tinig ni Aling Perla sa baba.
"Sir Grey huhuliin po nila ang dad niyo." Ang pag-aalalang sabi ni Aling Perla sa akin.
Dinala na nila si Dad sa prisinto.
Stephanie's POV
Narinig ko nanamang nagtatalo si Mommy at Daddy kaya agad akong bumaba sa sala.
Umalis si Daddy kaya hinabol ko siya sa labas.
"Daddy!" Ang sigaw ko sa kanya.
"Mommy saan siya pupunta?" Ang nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"May pupuntahan lang siya saglit." Ang sagot ni Mommy at pumunta na sa kusina.
"Mommy okay lang po ba kayo? Kayo ni Dad?" Ang nag-aalalang tanong ko kaya sinundan ko agad siya sa kusina.
Tumango naman siya at niyakap ako.
"Okay kami anak. Wag ka ng mang-alala." Ang sabi ni mommy.
Ngayon ay sabado kaya maghapon lang akong nasa bahay. Nakaharap sa computer at tamad na tamad.
Napatingin ako sa orasan at 5:30 pm na pero wala padin si Dad. Nag-aalala na ko sa kanya.
"Anak, ang mga desisyon ko ay makakbuti sa pamilya natin. Tandaan mo yan." Nagising ako sa narinig kong boses. Ngunit pag bangon ko ay wala namang tao.
3:00 am na pala hindi manlang ako nakakain ng gabihan pero nagpasya akong matulog nalang ulit.
Pagkagising ko ay Sunday na, Ang bilis ng araw. At ngayon ang araw ng lakad namin ni Dad.
Someone's POV
"Anong ibig sabihin nun?" Ang tanong niya sa akin.
"Noong buhay pa man si Jane pinagkasunduan na namin iyon pati ni Marco." Ang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Pe-pero paano na tayo?" Ang malungkot na tanong niya.
"Alam mong kailangan matuloy iyon diba? Mawawala din ang lahat ng pinaghirapan ko." Ang saad ko.
"Tsaka alam mong makukulong ako pag hindi natuloy iyon at pag nalaman nila ang totoo. Hindi ba?" Ang tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya at nagsimula ng umiyak.
Niyakap ko siya ng mahigpit na parang ito na ang huli naming pagkikita.
"Magmula ngayon, kalimutan na natin ang mga nangyari. Magiging balae na kita." Ang sabi ko sa kanya at mas lalong dumurog ng puso ko na makitang ngumiti na lamang siya kahit alam kong nasasaktan na siya.
Nagpasya siyang umalis na at hindi na nagpaalam.
Stephanie's POV
Pagkababa ko ay nakita ko agad na nakabihis na si daddy habang kausap si mommy. Para nanaman silang nagtatalo pero hindi ko alam kung ano iyon. Pero mukhang may hinala na ako.
"Anak, bakit di ka pa nakabihis?" Ang tanong ni Dad.
"Nalimutan mo na ba na may lakad tayo ngayon?" Umiling ako at ngumiti kaya agad akong pumunta sa kwarto ko para mag-ayos.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sinabi niya na magsuot ako ng pormal.
Kaya naman nagsuot ako ng dress.
"Makinig ka nalang sakin. Kung mahal mo pa ang pamilyang ito." Narinig kong sabi ni Dad kay Mom pagkababa ko.
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...