Stephanie's POV
"Grabe be ang gwapo naman nung Javen na yun."
"Totoo bang kaibigan mo siya Prinsesa?"
Ang pangungulit ni Jonas at Micah. Kanina pa nga sila ganyan simula ng pumasok si Jayven at malaman nilang kaibigan ko siya.
Maski ako rin naman nagulat na nakita ko siya ulit. Since bata pa nga kami nung huli kaming nagkita.
"Mga be magtitingin na ko ng bakanteng upuan ah. Yung order ko." Ang sabi ko sa kanila.
Agad naman akong dumiretso sa isang upuan na bakante.
Nagulat naman ako nang biglang may grupo ng mga lalaki ang inunahan ako doon.
At ayun... Ay sila Grey.
Tinitigan lang ako nito at si Benj naman ay tumingin ng pacold? Aba iba iba din ang mood nito ah.
Sabagay kahit nakakausap ko siya, Mataray padin talaga siya.
"Ooopps, Sorry. Sa kabila ka nalang." Ang pang-aasar na sabi ni Roby.
Hindi na ko nakipagtalo at di rin ako lumingon para tignan ang mga unggoy na yun.
Naghanap na lang ako ng panibagong bakanteng upuan, Pero malabo ata dahil break time na at madami ng tao.
"Cess! Princess." Ang sigaw ni Jayven?
Tumayo siya sa kinauupuan niya at hinila ako papunta roon.
"Mukhang naghahanap ka ng upuan. Dito oh, wala nan akong kasama. Ikaw ba?" Ang masayang sabi nito. Umupo naman na ako sa harap niya.
"Ganun ba? Wala ka pa bang nakikilala dito? Oo meron akong kasama. Yung dalawa kong bestfriend." Ang sagot ko sa kanya.
Mukhang masaya siya ah. Di manlang mag-alok ng kinakain niya.
"Uhm... Wala pa eh. Ikaw pa nga lang kilala ko dito eh. Saka si--"
Di pa siya natatapos magsalita nang marinig ko ang tili nila Jonas at Micah."Be! Oh be, andito pala si Jayven." Ang masayang sabi ni Micah.
Haist. Harot talaga. Hahaha.
"Hello! Upo kayo. Mukhang wala na kasing bakanteng upuan." Tumayo siya at inalok sila Jonas at Micah.
"Wow. Ang gentleman mo naman." Ang pabebeng sabi ni Jonas at natawa naman ako sa kanila.
Nagdadaldalan sila habang ako nakatingin sa gawi nila Grey na kanina pa tumitingin sa amin.
"Jayven nakita mo na ba si Grey?" Ang tanong ko sa kanya.
Nagtaka naman ang dalawa.
"Kilala mo si Grey?" Ang sabay na tanong ni Micah at Jonas.
"Hindi pa eh. Pero gusto ko na nga siya makita eh." Ang sabi ni Jayven.
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Grey pero wala na siya.
"Hey Jayven! Bumalik ka na pala!"
Nagulat ako nang makita si Grey na nasa harapan na namin at kinakausap si Jayven.
"Oy Grey! Kumusta na? Hahanapin nga sana kita mamaya eh!" Ang masayang sagot ni Jayven at nakipag apir pa kay Grey.
"Ito ayos naman may banda kami dito sa school. Nabalitaan ko nga na nandito ka na." Ang sagot ni Grey at umupo sa tabi ko na ikinagulat ko.
"Ahh, oo nga nakwento nitong si Cess sakin kanina." Ang sagot ni Jayven napatingin naman sakin si Grey at ngumiti kaya nginitian ko nalang din siya.
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...