IGMWH 11

463 21 5
                                    

Grey's POV

Kinagabihan ng huliin si Dad ay umuwi rin siya agad.

Ikinuwento niya sa akin na babagsak na raw ang kumpanya namin at pinagbintangan siyang ninakaw niya ang mga share ng stock holders.

"Ganyan talaga napapala ng mga manloloko." Kahit alam kong inosente si Dad, nananaig parin ang galit ko sa kanya.

"Ang bilis nga naman ng karma hindi ka manlang sinorpresa." Ang walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Anak. Kailangan ko ng tulong mo." Ang nalungkot na saad niya.

"Ano nanaman iyon? Idadamay mo nanaman ba ako diyan?" Ang sagott ko sa kanya.

"Anak, kasi tinulungan ako ng papa ni Stephanie. Siya ng nagpalaya sa akin at handa niya rin akong tulungan sa kumpanya." Ang sabi nito.

Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Haist. Grabe ang bait talaga ng papa ni Stephanie sayo no? Kahit traydor kang kaibigan." Ang sabi ko sa kanya.

Oo traydor ang papa ko. Siningaling siya at manloloko.

"Anak kahit anong ulit mong sabihin yan tatanggapin ko nalang iyan pero sana patawarin mo na ako." Ang malungkot na saad nito.

Tinignan ko lang siya.

"Pakasalan mo si Stephanie. Iyon lang ang ang kondisyon nga papa niya." Ang sabi niya sa akin kaya napaharap ako sa kanya.

"Ano? Sino ka para diktahan kung sino ang papakasalan ko?" Ang galit na tanong ko kay Dad.

"AKO ANG AMA MO!" Nagulat ako nang tumaas ang boses niya at sapakin ako.

Napahawak naman ako sa pisngi ko at pinunasan ang dugo sa labi ko.

"Hmm...hmm" napngisi nalang ako sa inis.

"Anak, pasensya na, Pasensya na Grey. Hindi ko sinasadya." Ang sabi niya at hinawakan ako sa balikat.

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tinalikuran na siya.

"Palagi namang hindi mo sinsadya diba?" Ang bulong ko.

Umakyat na ako ng kwarto.

Pati ba naman ito kailangan kong mainvolve.

Paano kaya kung pumayag nalang ako.

Pero paano si Beatrize? Paano na siya?

Naguhuluhan ako. Hindi ko alam ko kung papayag ba ako.

*toot toot*

Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko.

Si Beatrize.

["Hi Babe?"]

"Hello! Ang aga mo atang nagising ah."

["Oo nga eh! Nanaginip kasi ako."]

"Talaga? Anong panaginip?"

["Nightmare! Panaginip na ayaw kong mangyari."]

"Ganun ba? Ano ba iyon?"

[I--]

"Kailangan na natin tapusin "to!" Nakarinig ako ng ingay sa baba.

"Ah babe, wait lang ang. Tawag ka nalang mamaya."

["Sige. Bye Babe."]

Lumabas agad ako ng kwarto ko.
Nakita ko na may kausap si Dad.

Oo kausap niya ang ka-affair niya.

Ang mama ni Princess. Si tita Marise.

Matagal na silang may relasyon ni Dad. Pero tinago ko iyon dahil ayaw kong malaman ni Mom ang tungkol doon.

Dahil ayaw kong masira ang pamilya namin at pagkakaibigan namin ni Princess.

Pero kahit ganoon sobra akong nasasaktan lalo na noong namatay si Mom. Nadiagnose siya dahil sa sakit sa puso.

At dahil walang sikretong hindi nabubunyag.

Nalaman ito ni Mommy at iyon ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Inatake siya sa puso at hindi manlang sila nakapag-usap ni Dad.

Ito ang dahilan kung bakit pumunta ako sa Amerika.

To forget at malayo sa kanila.
Dahil di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng galit pagkatapos noon.

Kahit kay Princess ay nagalit ako noon. Hindi ko na din kaya, kaya naman lumayo na ko.

Nakaramdam ako ng galit dahil sa nawala si mommy habang ang pamilya ni Tita Marise ay buo parin at masaya.

Kaya naman pagkatapos ng ilang taong pamamalagi ko sa Amerika, nagpasya na rin akong bumalik dito sa Pilipinas pero kapag nakikita ko si Stephanie kahit si Dad at Tita Marise ay naaalala ko ang mga nangyari.

Hindi ko alam pero bakit ba ganto ang nararamdaman ko kay Stephanie. Oo, alam ko wala naman siyang kasalanan diba?

Akala ko malilimutan ko na ang lahat. Akala ko natapos na ang mga iyon. Pero ngayon? Meron pa pala silang relasyon.

Patuloy parin nila kaming niloloko.

Sa totoo lang naaawa ako maging kay Princess at kay Tito Marco. Niloloko sila ni Tita Marise nang hindi manlang nila alam.

Ilang taon kong tinago ang mga sikretong ito pero ngayon parang hidi ko na kaya.

Hindi ko na kayang nakikita pa silang nag sasama.

Nasa taas lang ako habang nakikita si Dad at Tita Marise na nag-uusap.

Niyakap ni Dad ng mahigpit si Tita Marise.

"Magmula ngayon, kalimutan na natin ang mga nangyari. Magiging balae na kita." Ang sabi ni Dad kay Tita Marise.

Agad naman ding umalis si Tita Marise.

Napatingin si Dad sa direksyon ko at nakita niya ako.

"Anak, last na pagkikita nanamin ito. Pangako." Ang sabi ni Dad. Tinitigan ko lang siya.

"Anak, nagbago na ba ang isip mo?" Ang tanong niya.

"Sasang-ayon ka na ba sa pagpapakasal niyo ni Princess?" Ang dugtong niya pa.

Tinignan ko lang siya kaya naman nagbago ang tingin niya tila ba nadismaya at nalungkot siya.

Pumasok na ako ng kwarto at naligo na. Nagsuot ng pormal na damit.

Di ko alam pero nagbago ang isip ko.

Oo, papayag na ko. Dahil alam kong ito lang ang paraan para tuluyan silang magkalayo.

Ito lang ang natatanging paraan para mabuo parin ang pamilya namin ni Dad.

Nag-ayos ako at bumaba na.

Nakita ko si Dad na nakabihis. Paniguradong may meeting din siya ngayon.

"Saan ka pupunta Grey?" Ang tanong niya sa akin.

"Sasama sayo." Ang simple kong sagot na ikinakunot ng noo niya.

"Huh? Ibig sabihin?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Yup Dad, pumapayag na ko." Ang walang emosyon kong sagot.

"Talaga bang? Talaga anak? Salamat!" Sa tuwa niya ay napayakap siya sa akin.

Hindi niya rin ba naisip na way na din ito para magkalayo sila ni Tita Marise.

Pero imbis na magalit at itulak ko siya.

Nanaig ang pagiging anak ko at niyakap ko din siya.

"Syempre, para sayo Dad." Ang sabi ko at niyakap siya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagpapatawad.

Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa Hotel ng Dad ni Stephanie dahil doon daw sa amin sasabihin.

Sabi ni Daddy hindi parin daw alam ni Princess ang arrangement.

Pero I'm sure matutuwa iyon.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon