Stephanie's POV
Agad naman kaming pumunta ni Grey sa ospital na sinabi ni Mommy.
"Ah excuse, saan po dito yung room ni Mr. Sy?" Hingal na hingal na tanong ko sa nurse sa lobby.
"Ma'am nasa room 101 po siya sa 3rd floor." Sagot nung babae.
"Salamat po." Agad naman akong tumakbo papunta doon.
"Princess!" Narinig ko tawag ni Grey.
"Princess teka naman. May kasama ka kaya." Dagdag pa niya pero hindi ko siya pinansin at tumakbo na sa may elevator. Wala akong ganang makipag usap sa kanya ngayon.
"Haaayyss!" Narinig kong hinga niya nang makasakay kami sa elevator.
Hindi ko siya pinapansin at unti-unti ng tumutulo ang luha ko.
Hindi ngayon. Hindi pwede.
Nang makarating kami sa 3rd floor agad akong tumakbo para hanapin yung room ni Dad.
Nakita ko si Mommy na umiiyak habang nakaupo sa isang bench.
"Mommy!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya.
Napatayo siya at yumakap sa akin. Nagsimula na siyang humagulgol.
"Mommy anong nangyari? Bakit pati ikaw duguan? Nakapagpatingin ka na rin ba?" Nag-aalalang tanong ko.
Maging si mommy ay sugatan at may mga bakas pa ng dugo.
"Si Daddy? Nasaan si Daddy, Mommy?" Sunod sunod na ang tanong ko dahil sa kaba habang tumutulo na anng luha ko.
"Ayos na ako anak galos lang ang natamo ko pero anng Dad mo..."
"Anong nangyari kay Daddy?"
"Kritikal siya ngayon dahil bumangga ang sinasakyan namin sa malaking sasakyan kanina." Paliwanag ni Mommy.
"Ha? Panong nangyari yun? Paano si Dad?" Nag-aalalang tanong ko. Habang dumadami ang luhang tumutulo galing ssa mata ko.
Niyakap ako ni Mommy at sinabing magiging okay din si Dad.
Umalis muna siya saglit para kausapin ang doktor tungkol sa kasalukuyang lagay ni daddy.
Tahimik lang na nakaupo sa tabi ko si Grey habang ako ay hindi pa rin mapahinto sa pag-iyak dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
"Magiging okay din si Tito." Binasag naman ni Grey ang katahimikan. Magmula kaninang pagdating namin sa ospital ay ngayon lang siya nagsalita.
Napatingin ako sa kanya at nginitian niya naman ako.
"Tignan mo magang maga na iyang mata mo. Magiging okay din si Tito. Ngumiti ka na." Payo niya.
"Paano ako makakangiti kung kritikal ang daddy ko ngayon?" Galit na tanong ko na ikinagulat niya.
"Pasensiya na. Pinapagaan ko lang naman ang loob mo." Ani niya. Kaninang nakangiti ngayon naman ay seryoso na ang kanyang mukha.
Bigla naman akong naguilty baka gusto niya lang namang makatulong.
"Hindi lang naman kasi kalagayan ni daddy ang problema ngayon, kundi pati financial dahil nagsimula ng kunin ni lolo ang mga bank accounts ni Daddy." Naiiyak na sabi ko.
Bigla namang lumapit sa akin si Grey at nagulat ako nang ilagay niya ang ulo ko sa balikat niya at niyakap niya ako.
"Kaibigan mo ko kaya sabihin ko kung ano ang matutulong ko." Seryosong saad niya.
"Kung pumayag na tayo sa kondisyon nila lolo para hindi na mahirapan ang pamilya natin nang ganto." Dagdag niya pa.
May point siya doon. Kailangan na talaga namin magpakasal dahil ayun lang naman ang ikasasaya nila lolo.
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Dla nastolatkówNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...