IGMWH 19

455 17 5
                                    

Stephanie's POV

From: Grey Mokong

8:00 am yung start ah. Just reminding you.

Nagising ako sa text ng mokong. Kaaga aga text niya agad ang bumungad sa akin.

"Princess!" Narinig kong tawag ni Mommy.

"Opo?" Labas ko ng kwarto ko.

Nagulat ako nang makita si Benj sa baba.

"Good morning?" Nakangising bati nito.

Nagulat ako nang maalalang di pa pala ako nakakapag suklay.

Napatakbo ako sa kwarto at nakita na 7:30 na pala.

Pero bakit nandito si Benj?

Nagmadali akong mag gayak.

"Princess..." Sigaw ulit ni Mommy.

"Ito na po!" Kaya binilisan ko na at bumaba na agad.

Dahil no classes naman nakacivilian nalang ako.

Dress to be particular.

"Anak, ang tagal mo naman. Nasa labas na yung nag-aantay sayo." Sabi ni Mommy. Kaya nagpaalam na ako at pumunta na sa sasakyan ni Benj.

"Oh bakit?" Tanong ko dahil nakatitig siya sa akin.

"Ahhh.. wala!" Sagot nito.

"Bakit mo pala ako pinuntahan? Hindi ka naman nagsabi eh." Ang tanong ko sa kanya.

"Ipaparinig ko na sana yung final na practice namin, kaso mamaya nalang pala." Ang sabi nito.

"Ahh sige mas okay kapag live nalang." Sabi ko.

"Ikaw kamusta na yung ginawa mong kanta? Diba sasali ka sa composition contest?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya at umiling.

"Ahhh hindi na ako sumali." Sabi ko sa kanya.

"Sayang naman. Hindi niya maririnig yung ginawa mo para sa kanya." Medyo malungkot na saad niya kaya napatawa nalang ako.

"Naku! Hayaan mo na yun. Wala na akong pake sa kanya." Ang sabi ko.

Bakit ganun? Parang hindi ako kumbinsido sa naging sagot ko.

Nakarating na kami sa campus.

"Tara!" Sabi ni Benj sabay hila sa braso ko.

"Saan tayo pupunta? Diba mag-istart na?" Nagtatakang tanong ko ng dalhin niya ko sa may tambayan nila.

"Ha? 9:00 pa ang simula." Ang sabi ni Benj.

"Pero..." Wait sabi sakin ni Grey 8 daw ang simula.

Niloloko niya ba ako?

Pinarinig sa akin ni Benj yung final nila nanpractice at mukhang maganda talaga ang naging kinalabasan ng kanta.

"Ang galing!" Masayang sabi ko.

"Galingan niyo performance niyo ah!" Ngumiti naman si Benj.

Although special number lang naman yun kelangan pa rin dahil malaki ang expectations ng mga students ng campus sa kanila.

"Oo naman!" Sagot niya.

"Oy tara na!" Aya niya kaya sumunod nadin ako agad.

Dumiretso kami sa grupo nila na nasa backstage. Nadatnan namin silang nag-aayos na.

"Oy Benj! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Shon.

"Kanina ka pa hinahanap ni Grey." Sabi naman ni Roby.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon