IGMWH 16

456 22 2
                                    

Stephanie's POV

"Princess... Anak gising na!"

Napatingin ako kay Mommy na nasa harapan ko at nagmamadaling gisingin ako.

Napatingin ako sa orasan sa tabi ng kama ko. 7:00 am palang.

Wala namang pasok.

"Ma, ang aga pa! Sabi ko sayo mga 9 mo na ako gisingin eh." Pagrereklamo ko. Aakmang matutulog ulit ako.

"Nandyan si Grey!" Ang sigaw ni Mommy.

Napatayo ako nang malaman yun.

Ano nanamang ginagawa ng kumag na iyn dito sa bahay.

"May pupuntahan daw kayong dalawa ngayon?" Napanganga nalang ako at napa "WHAT" face.

Saan naman? Bakit hindi ako nainform.

Pinipilit kong maging kalmado at cold kapag nandyan siya at kaharap ko siya.

Gusto ko kasing maipakita sa kanya na hindi ko na siya gusto at totally moved on na ako sa kanya.

Naligo nalang ako at nag-ayos, tsaka bumaba.

Nakita ko siyang nakaformal na damit at nakatitig sa akin.

Para tuloy akong matutunaw sa titig niya. Hindi ko alam kung bakit parang kinikilig ako. Ang gwapo ng ayos niya ngayon.

Teka! Ano ba yan Stephanie! Umayos ka nga. MOVE ON!

Kamuntikan na akong mahulog sa hagdan buti nalang napakapit ako agad.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang mataray na bungad ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at nagcrossed arms.

"Saan ang meeting mo?" Sarkastiko kong tanong.

"Nandito ako para sunduin ka dahil may mahalaga tayong pupuntahan." Ang sabi nito habang nakacold na tingin.

"Bakit naman ako sasama sayo aber?" Mataray kong tanong.

Tumayo naman ito at dahan dahang lumapit sa akin.

Napaatras naman ako sa takot.

"Malelate na tayo kaya magmadali ka na!" Medyo iritable niyang pagkakasabi.

Hindi ko alam pero umakyat na agad ako sa takot sa kanya. Nagsuot ako ng simple white dress. Di ko rin alam kung saan kami pupunta pero mukhang formal yun.

"Sige anak! Mag-iingat kayo ah." Nagpaalam na kami kay mommy at hinila naman ako bigla nitong Grey na ito sa sasakyan niya.

"Saan ba kasi ang punta natin?" Bored na bored na ako at wala akong kaide-ideya kung saang lupalop ng Earth kami pupunta.

"Urgent meeting." Seyoso niyang sagot habang seryosong nagmamaneho.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag seryoso.

"Ano ba yan Stephanie! Erase erase! Manahimik ka na nga lang." Bulong ko sa sarili ko. Para akong engot na nakikipag-usap sa sarili ko dito.

"Ehem ehem!" Nagulat ako nang makita kong nakatitig sa akin si Grey.

Hindi ko alam pero bigla akong nataranta kaya napatingin ako sa labas ng bintana.

"Ayos ka lang ba?" Seryoso nitong tanong.

Ang init init ng pakiramdam ko. Feeling ko kinakabahan ako.

"Ang init lang." Tipid na sagot ko.

"Huh? Yan na ang pinakamalakas ah." Sambit ni Grey.

Hindi ko mapigiling mainitan. Bakit ba ganto yung feeling? Pakiramdam ko hindi magandang ideya na sumama ako sa kanya.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon