IGMWH 15

436 19 4
                                    

Stephanie's POV

"Bakit ba kasi napaka epal mo ah?" Ang galit na sabi ko kay Grey.

Bigla nalang akong hinila.

Tinitigan niya lang ako at hindi nagsalita habang hawak hawak padin ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako." Ang mataray na sabi ko at tinangaal ang kamay ko at nag crossed arms.

"Aba! Ikaw na nga itong sinusundo eh." Ang masungit na sagot niya na para bang pabalang.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Did I tell you na sunduin mo ako? May paa ako alam ko paano umuwi." Ang sagot ko. Medyo natatawa lang ako sa utak ko sa mga reaksyon niya dahi literal na napaawang ang bibig niya. Akala niya siya lang mataray?

Ang sayang isipin na nakakaganti na ko sa kasungitan at kacoldan niya.

Ngumisi lang siya at nauna ng maglakad.

"Ah, tumawag pala sakin si Beatrize. Nag-aalala siya kasi hindi ka na raw niya macontact. May problema ba kayo?" Ang nag-aalalang tanong ko. Nagulat ako nang sinamaan niya ako ng tingin kaya napaatras ako.

"Wala kang pake" Sa tono ng boses niya para siyang galit na iritable.

Kaya naman tumahimik nalang ako.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Sumakay ka na?" Medyo malalim na pala yung iniisip ko at hindi ko namalayang kinakausap niya ko.

Nakasakay na siya sa motor niya at natural aangkas ako.

Inabot niya sakin yung helmet at sinuot ko rin agad.

Nakahawak ako sa likod, yung hawakan ng motor.

"Hindi ka ba papayag sa deal na yun?" Napatingin ako sa kanya nang marinig kong magsalita siya. 

"Di ko alam. Ano bang madudulot na maganda nun sa akin?" Ang mataray na sagot ko. Bumalik nanaman ako sa tono ng mataray na pananalita dahil hindi pwedeng maging mabait ako sa kanya dahil hindi naman siya ganoon sakin.

Narinig ko naman na para siyang natawa.

"Magkakaroon ka ng gwapong asawa, sikat na asawa at makakasama mo pa ang crush mo. Diba maganda yun?" Ang natatawang sabi nito. Hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon dahil sa helmet pero naiimagine ko na, ang sarap bangasan!

"Maganda pala yun, hindi ako nainform ha!" Ang mataray ko namang sagot sa kanya.

"Pag-isipan mong mabuti." Ang seryosong sabi niya habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa paligid.

Talaga! Pag-iisipan ko.

"Talaga naman, hindi ko pagsisiksikan ang sarili ko sa taong may mahal ng iba." Ang mahina kong sabi.

"Ha? Anong sabi mo?" Ang tanong ni Grey na ngayon ay napatingin sakin.

"Sabi ko, tumingin ka sa minamaneho mo at baka mabunggo tayo." Ang palusot ko. Napakapit ako sa beywang niya nang bigla niyang bilisan ang pagmamaneho.

Pakiramdam ko naiwan ang kaluluwa ko ah.

Mabilis kaming nakarating sa bahay namin.

"Dad!" Ang masiglang bati ko nang datnan si daddy sa labas ng gate.

"Salamat Grey ah!" Ang sabi ni dad kay Grey. Ngumiti naman si Grey at nang tumingin siya sa akin tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Saan ka ba galing anak? Buti nalang pinasundo kita kay Grey." Ang medyo nag-aalalang tono ni Dad.

Napangisi nalang ako.

"Kasama ko naman si Jayven Dad eh tas bigla akong hinila niyang inutusan mo." Nagcrossed arms ako at tinitigan si Grey na kunwari inosente.

"Pinapasundo lang kita. Grey dito ka na mag gabihan." Inaya ni Dad si Grey na kumain.

"Naku Dad, nagmamadali na siyang umuwi eh.  May gagawin pa daw siya. Diba Grey?" Nilakihan ko ng mata si Grey para umoo at hindi pumayag sa alok ni Dad.

Makikita sa kanya na parang naguguluhan siya.

"Ganun ba? Sayang naman kahit sandali lang iho!" Napaka talaga ni Dad. Nagpupumilit pa ah.

"Si—"

"Dad naku naman, alam mo namang busy itong si Grey eh. Malapit na rin ang Music Fest kaya madami pa siyang gagawin." Nag inarte ako na kunwari concern kaya naman napa "oo" nalang si Grey.

"Opo tito eh, andami ko pa pong gagawin. Next time nalang po." Ang sabi ni Grey kaya naman pumasok na kami ni Dad sa bahay.

Natatawa ako nang makita siyang naguguluhan. Hays! Kala niya. Hindi siya welcome dito. Kung alam lang ni daddy kung paano ako itrato ng mokong na iyon.

"Anak sana pinapasok mo muna dito si Prince." Ang sabi ni Mommy.

Isa pa itong nanay ko na ito. Bakit ba kasi.

"Naku, mommy nagmamadali siya eh. Next time nalang daw po." Ang pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Kumain ka na ba?" Ang tanong niya.

"Opo mommy. Kasama ko nga si Jayven kanina nilibre niya ako. Kaso pinasundo na agad ako ni Dad." Ang kwento ko kay Mom.

Tumago naman siya at nakinig sa kwento ko.

"Sige mommy, akyat na ako." Ang paalam ko. Nagtungo na ako sa kwarto ko para mag-ayos at magbihis.

Napatingin ako sa phone ko nang may tumunog.

From: Benj cold

Bukas ah! Mga tanghali dito sa bahay namin?

Ay oo nga pala! May usapan kami nito. Tinatamad ako pumunta kaso kailangan ko din. Mag-eexam na kaya kailangan ko na rin ng tutor.

To: Benj cold

Sige mga 11:30 am. Paki handa na yung lunch ko.

Tumunog na agad yung phone ko. May tumatawag.

Beatrize is calling you...

["Hello Stephanie!"]

Mukhang masaya na siya sa tono ng boses niya.

"Oh, kamusta? Okay na ba kayo?"

["Oo. Pinuntahan niya ako kanina dito. Dumaan lang siya para bigyan ako ng chocolate."]

"Ah, ganun ba? Mabuti yan. Sabi naman sayo wag ka mag-alala eh."

["Kaya nga eh. Ang sweet niya parin."]

"Hahahaha. Naku bagay talaga kayo." Medyo masakit ah. Parang sinaktan ko yung sarili ko sa sinabi ko. Pero parang totoo naman, bagay talaga sila.

["Hahaha! Salamat."]

"Hindi ka pa ba matutulog?" Ang pag-iiba ko sa usapan.

["Matutulog na rin. Tinawagan lang kita para malaman mo at hindi ka na rin magworry sakin. Salamat Stephanie ah."]

"Ganun ba? Naku, wala iyon. Kaibigan kita syempre."

Pagkatapos ng medyo mahabang daldalan binaba na rin niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Anong gagawin ko?

Kapag pumayag ako sa deal. It's either masaktan ako o masaktan si Beatrize.

For sure magiging sila parin naman ni Grey.

Pero mahirap makita na kayo nga. Kayo nga magkasama pero iba parin yung mahal niya. Ano magpapaka martyr ako? Kasal ako pero wala sa akin ang puso niya?

Pero paano si Beatrize? Paano ang friendship naming dalawa?

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon