IGMWH 18

451 19 6
                                    

Stephanie's POV

"Anak nakapagpasya ka na ba?" Tanong ni Dad.

"Alam mong kailangan mo yung gawin, hindi ba?" Ang sabi nito.

"Alam ko namang mahal mo siya, at alam kong nasa mahirap kang sitwasyon ngayon, Pero mawawala satin ang lahat kapag di ka pumayag." Dagdag niya pa.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Parang kailangan ko nalang pilitin ang mga bagay.

"Pero nasa sayo parin ang desisyon, kung ayaw mo ok–"

"Hindi dad, Hindi mo na kailangang sabihin iyan. Pumapayag na ako." Ang sabi ko sa kanya.

Tama ba itong desisyon ko? Bakit parang hindi ako masaya? Bakit parang may kung anong sakit akong nararamdaman?

Pagkatapos  ng pag-uusap namin ni Dad, di ko na maalis sa isip kung ano anong mangyayari sakin sa deal na iyon.

"Oy be ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jonah.

"Tulala? May iniisip ka no?" Pang-aasar pa ni Micah.

Tumingin lang ako sa may bintana at umiling.

"Masakit lang yung ulo ko." Tipid kong sagot.

"Haaaa? Bakit?" Sabay nilang sigaw. Hindi maipinta ang mukha nilang dalawa. Parang alalang-alala.

"Be wag mong sabihing buntis ka!?" Nagulat ako ng ilapit nilang dalawa anng mga pagmumukha nila sa akin.

"Ano? Ano nanaman bang kalokohan iyan mga bakla?" Medyo iritable kong tanong sa kanila.

Ngayon pa nila ako inaasar eh hindi ko na nga alam ang gagawin ko.

"Joke lang ito naman eh. Halata kasing stress na stress ka diyan eh." Ang sabi ni Micah.

"Excuse me!"

"Ah saglit lang ah."

"Oy Sy may naghahanap sayo!" Sabi ng isa kong kaklaseng lumapit sa akin.

Sino naman yun?

"Hala ka be!" Pang-aasar nanaman ng dalawa kong kaibigan.

Dumiretso agad ako sa labas para tignan kung sino iyon.

Pero wala naman.

(You've got a message)

From: Grey
Vacant kayo right? Puntahan mo ako sa likod ng clinic.

Napataas ang kilay ko nang makitang yung mokong lang pala na iyon.

Why would I go there?

(Kring kring)

Grey is calling you...

Nagulat ako nang magring ang phone ko.

Ano ba kasing problema niya?

["Hello?"]

"Oo papunta na!" Pasigaw kong sagot at agad na binabaan siya ng tawag.

Kainis naman kasi eh.

"Bakit ang tagal mo?" Maangas niyang bungad habang nakaupo sa isang bench doon.

"Ano naman sayo?" Pagtataray ko kaya naman napataas ang kilay niya sa sagot ko.

"Aba! Ginaganyan mo na ko? Matapang ka na?" Mayabang nitong sabi habang papalapit sa akin.

"Haist! Ano ba kasing problema mo? Bakit mo ba ako pinapunta dito? Ha?" Naiirita kong tanong at lumayo sa kanya. Sobrang lapit niya na kasi kanina.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon