Stephanie's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil may usapan kami ni Beatrize.
"Anak? Gising ka na ba?" Narinig ko si Daddy na nasa kusina kaya pumunta naman ako agad dun.
"Yes dad." Ang sagot ko.
"Maaga ka ata ngayon ah. Himala!" Tumawa naman siya kaya tinitigan ko siya.
"Sorry na." Ang tawa niya pa.
"Grabe ka talaga dad! Ganyan ka nga. Anyway, si Mom?" Di ko pa kasi nakikita si mom ngayong umaga.
"Maaga siyang umalis. Mas maaga pa sayo." Tumawa nanaman siya.
"Okay, tawa pa dad." I rolled my eyes at nagsimula ng mag-ayos.
"Dad alis na ako." I go to the kitchen at nagpaalam kay daddy.
"Sana kahit sa pag-uwi maaga ka na." He said while laughing. I just fake a laugh and leave.
Makaalis na nga. Trip nanaman ako ni Dad eh."Wait. Next week may mahalaga tayong pupuntahan ah." Ang sabi niya.
Uhhm?
"Saan dad? Baka mamaya may gagawin ako." Ang katuwiran ko.
"Ahhh basta. Kailangan yun. Importante." Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatango nalang ako.
Okay okay. Parang galit nanaman ah.
"Sige Dad! Bye." Saka mabilis na umalis.
Mabilis naman akong nakarating sa school namin dahil hindi pa traffic.
Pagkapasok ko sa gate nakita ko na agad ang isang babaeng kumakaway sakin magmula sa garden.
"Beatrize! Ang aga mo naman. Di pa naman ako late diba?" Ang sabi ko habang papalapit sa kanya.
"Hindi naman. Talagang maaga lang ako. Kamusta ka naman?" Ang tanong niya. Ngumiti naman ako at agad na sumagot.
"Ayos naman na. Wala na akong pake sa kanila. Hahaha." Ang sabi ko at ang mata ni Beatrize na pag-aalala ay napalitan ng tuwa at ngiti.
Hindi ko aakalain na ang dating inaakala kong mataray, masungit at salbahe na si Beatrize ay mabait pala talaga. Siguro naisip ko yun dahil nga may gusto ako kay Grey.
Pero siguro hindi niya na dapat malaman iyon.
"Oo tama yun. Tignan mo ko natural lang. Hindi ka pa man din sikat pero may haters ka na. Oh diba?" Parehas na lamang kaming natawa sa sinabi niya. Patuloy kaming nagkwentuhan ng kung ano anong bagay na parang matagal na kaming magkakilala.
Sa pagkukwentuhan namin naalala ko ang bagay na naikwento niya kahapon sa akin.
Flashback
Sobra akong nacurious sa sinabi niyang base on her own experience, kaya naman kinulit ko siya para magkwento.
"Okay, if that is what you want. I'll going to tell you my story. Are you ready?" Ang sabi niya. Ngumiti naman ako para sabihing oo.
"I'm freshman that time. Bagong tungtong ko sa school na ito. At bagong balik ko sa lugar na ito. Because when I was young lumipat kami ng bahay kaya napilitang umalis dito. Then meron isang group ng girls na laging nangbubully ng mga students. Alam mo ba kung ano pa ang nakakatawa doon?" Seryoso akong nakikinig sa kanya. At itinaas ko lang ang isa kong kilay bilang expression ng pagtatanong.
"Parehas lang din silang freshman tulad ko." Bigla naman siyang napatawa habang inaalala ang nakaraan.
"Diba siga na agad sila. Then there was a time na may binully sila and that is my classmate. They always wait my classmate in their meeting place at doon kinukuha nila ang baon niya. Di ko alam kung bakit patuloy niya silang sinusunod pero ang alam ko ay nababalot lang siya ng takot. So that time, I decided to confront those girls at doon simulang nagalit sakin ang mga iyon."
Habang tumatagal at lumalalim ang kinukwento niya. Nakikita ko sa mata niya na inaalala ang mga panahong iyon."That was the first time na may nagalit sakin dahil sa ginawa kong iyon. Pero hindi lang doon natapos iyon dahil doon pa iyon nagsimula. Then there is that guy na biglang nagtransefer dito sa school at naging heartrob. Honestly, at first wala akong pake sa kaniya. But because we are classmates and he is my bestfriend's friend nagkakilala at naging close kami." Nakita ko naman sa mata niya ang tuwa nang ikuwento niya ang sinasabi niyang 'guy' na alam ko na kung sino.
"Is that Grey? The guy you are talking about?" Kahit alam ko na tinanong ko parin sa kanya.
"Yes he is." Ang sabi niya at ngumiti. Ngumiti na lamang ako sa kanya. Pero nababalot ako ng curiosity. Paano sila nagkakilala, paano siya nagustuhan ni Grey at paano naging sila.
"At ayun hanggang sa maging crush ko siya. Nalaman yun ng mga babae sa school lalo na ng group ng girls. Kaya mas lalo silang nagalit sakin. Dumating pa ang isang taon at nalaman din ng marami na gusto niya din ako. Kaya mas marami pa ang mas nagalit sakin. Puro masasamang salita nga ang naririnig ko sa kanila. Malandi raw ako. But I just ignored them kasi alam kong hindi ako ganoon. That girls are Sheena's group." Ang sabi niya.
End of Flashback
Dahil sa kinuwento niya sakin kahapon nagbago ang pagkakakilala ko sa kaniya. Minsan kasi kapag may gusto ka sa isang tao naiisip mo na kontrabida agad yung taong gusto ng taong gusto mo. Siguro nga wala naman siyang kasalanan eh. Di niya naman kasalanan na gusto din siya ni Grey.
"Hey!" Nagulat ako sa biglang yumakap kay Beatrize. Si Grey pala.
Sa totoo lang nasasaktan ako everytime nakikita ko sila magkasama kasi sa sobrang tagal ko ng nagustuhan si Grey umaasa padin ako. Siya kasi ang first love ko.
Patuloy na umaasa na sana mahalin niya din ako. Patuloy na umaasa na sana pansinin niya na ko ulit.
"Hey. This is Stephanie. Remember her?" Ang pagpapakilala ni Beatrize sakin. Well I think naaalala pa naman niya ako.
"Of course I do." He said.
Pagkatapos niya sabihin yun nakita ko na tumingin siya sa akin. Di ko alam kung masamang tingin ba yun. Di ko alam.At pagkatapos noon ay umalis na sila. Habang ako pumunta na rin sa room since magsisimula na ang klase.
"Be, nakita kita ah. Kausap mo si Beatrize. Friends na ba kayo?"
Ang intrigerang tanong ni Jonas. Well lagi nga yang curious."I think so." Ang maikli kong sagot at tamang pagpasok ng aming teacher kaya agad na akong pumunta sa proper seat ko.
Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa hindi ko namamalayang break time na pala.
"Be kain na tayo." Ang aya ni Micah kaya pumunta na kami agad ng canteen. Katulad ng gawain ni Jonas tumatakbo siya lagi para maghanap ng bankanteng upuan kaya kami ni Micah ang laging napila para bumili.
Natapos ng bumili si Micah ng pagkain nila ni Jonas at naiwan pa ako sa counter since ang tagal ng tindera magpabarya.
"Miss eto na. 58 pesos." Ang sabi niya sabay abot ng sukli sa akin.
"Thank you po." Bumili lang ako burger at shake.
Papunta na ko sa table namin nang...
"Ohmyghad!"
"Im sorry miss. Natapunan ka ba? Teka pupunasan ko." Ang sabi ng lalaking nakabangga sa akin.
"No. Okay lang ako. Di naman natapon. Muntikan lang. Pero, okay lang ako." Pinigilan ko na siya since di naman ako napaano.
Nakita ko naman na ngumiti siya.
"Di ka padin nagbabago Cess." Lumingon ako sa kanya at ngumiti lang siya at mabilis na umalis.
"Be, ano na antagal mo dyan ah." Narinig ko na sigaw ni Micah.
Pero nakatingin padin ako sa pintuan na pinaglabasan ng lalaking iyon.
Hindi kaya! Siya lang ang tumatawag sa akin nun.
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...