Stephanie's POV
"Bitiwan mo na nga siya Grey!" Ang sabi ni Benj habang hawak padin ang braso ko.
"Ano bang pake mo ha?" Ang maangas na sagot ni Grey.
"Teka nga! Teka. Bitiwan mo ko Benj. Kayong dalawang bakla kayo tigilan niyo ko ah!" Ang sigaw ko sa kanila bigla naman nila akong sinamaan ng tingin.
"Anong sabi mo?" Ang sabay nilang sabi.
"Wala! Layuan niyo ko!" Ang mataray kong sagot at umalis na.
Pumasok na ako sa classroom at doon na nagstay.
"Oh nandyan ka na pala Cess. Saan ka galing kanina?" Ang nagtatakang tanong ni Jayven na kakapasok lang.
"Diyan lang sa library. Ikaw ba? Kumain ka na?" Ang tanong ko dito.
"Ah ganun ba? Hindi pa eh. Hinahanap kasi kita kanina nung nakita kitang tumakbo kaso bigla kang nawala." Ang sabi nito at umupo na sa tabi ko.
"Ganun.. Ah oo may humahabol kasi sakin kanina eh. Teka may kukunin lang ako." Kinuha ko ang biscuit na binili ko kanina at binigay kay Jayven.
"Thanks." Ang sabi niya at ngumiti. Nginitian ko na lang tin siya.
"Sino ba yung humahabol sayo?" Ang tanong nito habang kumakain padin.
"Basta. Wala yun." Ang sagot ko sa kanya.
"Ahh... Nga pala Cess may pupuntahan ka ba mamayang uwian? I mean are you going home early?" Ang tanong ni Jayven.
Wala naman akong pupuntahan ngayon. Uuwi sana ako ng maaga para hindi ako makita ni Grey.
"Wala naman didiretso lang agad sa bahay." Ang sagot ko sa kanya.
"Is that so? Since you're free,Pwede ba kitang maaya lumabas mamaya?" Napataas naman ang kilay ko. Aba! Himala. Hahaha."Sige! Sure hahaha...Ngayon ka lang naman manglilibre eh." Ang sabi ko sa kanya. Syempre para di na rin ako makita ni Grey.
Napatawa naman si Jayven.
"Sige. Mamaya ah." Ang sabi niya kaya naman tumango nalang ako.
Mabilis din naman natapos ang mga klase namin ngayon at syempre kailangan ko magmadali para di makita ni Grey.
"Ano? Tara na!" Ang pag-aaya ko kay Jayven.
"Grabe parang di halata na excited ka naman." Ang sabi niya habang natatawa padin. Ay basta kelangan ko ng makalabas dito.
"Stephanie!" Napalingon ako nang makita si Benj.
Ano nanamang kailangan nitong mokong na ito?
"Bakit?" Ang mataray kong tanong habang nakacross-arms.
"Ipapaalala ko lang na kailangan nating matapos bukas yung kanta." Ang sabi niya. Ay! Di pa nga pala nafafinalize yun. Although tapos naman na kailangan nalang ireview.
"Saka ihanda mo na kung kailan kita pwedeng itutor." Buti nalang di niya nakalimutan yung pangako niya sakin.
"Sige sige. Kailan ba natin gagawin? Time? Location?" Ang mataray ko padin na tanong.
"Hmm since walang pasok bukas dahil paghahandaan ang Music Fest, sa bahay nalang namin? O sa bahay niyo?" Ang tanong ni Benj.
Napatingin naman ako kay Jayven na tahimik lang na nakikinig.
Naalala ko na baka di maganda kung samin dahil baka anong isipin nila Dad at Mom.
"Sige text nalang kita mamaya." Ang sabi ko sa kanya at umalis na kami ni Jayven.
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...