IGMWH 8

508 24 4
                                    

Stephanie's POV

Nagulat naman ako kaya bigla akong napatayo.

"Grabe para ka naman nakakita ng multo." Ang sabi niya.

"Ge-Grey?" Nauutal na sabi ko. Nagulat kasi ako na nasa harap ko ngayon si Grey. Which is parang imposible ata.

"Nagulat ka naman? Syempre wala ng iba. Ako itong poging poging si Grey." Ang sabi niya.

"Grey hindi ka parin pala nagbabago." Ang nakangiting sabi ko.

Lumapit siya sa akin. Pero parang nagliliwanag ang paningin ko.

"Stephanie? Oy gising..." Napadilat ako at nakita ko si Benj sa harap ko.

"Kanina ka pa ba dito? Nakatulog ka ata sa sobrang aga mo. Sabi naman sayo di mo na ko kailangang hintayin." Ano nanamang pinagsasabi nitong hangin na ito? Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang naman di ka mabiro. Anong oras ka ba dumating dito 7:00 palang oh." Ang sabi niya habang pinapakita sakin ang relo niya

"6:39 nandito na ko. Inagahan ko talaga." Ang sabi ko.

"Ahh.. ganun ba? Nga pala nakita mo ba si Grey" Ang tanong niya.

Agad naman akong sumagot.

"Bakit pumunta ba siya dito?" Ang excited na tanong ko.

"I mean sa panaginip, Stephanie." Tumawa naman siya. Huh? Pano niya nalamang? Teka...

"Paano mo nalamang napanaginipan ko siya?" Ang nagtatakang tanong ko. Tinitigan ko lang siya at muli tunawa nanaman siya.

"Paano Grey ka ng Grey kanina diyan." Ang natatawang sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Grabe pati sa panaginip mo siya parin." Ang sabi nito.

Aba epal talaga ang kumag!

"Eh ano naman sayo?" Ang mataray na tanong ko.

"Well ganun talaga siguro. Ramdam kita." Ngumiti siya ng bahagya tapos bumalik sa emotionless niyang mukha.

Ilang oras din kaming umisip ng kantang gagawin. Ang gusto niya raw kasi na concept ay tungkol sa broken hearted. Oh diba? Sumesenti siya.

Pagkatapos namin makagawa ng kalahating part pumasok na kami agad sa klase namin.

"Be? Kamusta na yung kanta niyo ni Benj? Ano balita?" Ang tanong ni Micah. Vacant namin ngayon dahil absent si Mrs. Villamor.

"Ayun... Ah kalahati palang nagagawa namin eh." Ang sabi ko.

"Tungkol ba saan iyan?" Ang tanong niya.

"Broken hearted." Ang walang emosyon kong sabi. Tumawa naman sila ni Jonas.

"Ayyy grabe be... Ano kayang nararamdaman ni Benj." Ang sabi naman ni Jonas. Nagkibit balikat lang ako kasi di ko rin alam.

"Siguro broken hearted siya kasi si Grey ang gusto mo." Ang natatawang pang-aasar na sabi ni Micah.

Ano daw? Kahit kailan talaga itong dalawang ito.

Tumawa rin si Jonas at sumang-ayon kay Micah.

"Oo nga no. Siguro may gusto yun sayo. Kaya sayo siya nagpatulong." Ang pang-iintriga nanaman ni Jonas.

"Hay ewan ko sa inyo! Ayun? Magkakagusto sakin? Parang hindi ata." Ang sabi ko habang umiiling.

Tinignan naman nila akong dalawa magmula ulo hanggang paa. Aba ano nanaman kayang iniisip nila?

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon