IGMWH 4

604 30 8
                                    

Stephanie's POV

"Ako? Bakit ako tinatanong mo?" Ang gulat na tanong ko sa kanya.

"You said you will help me, Right? So katulad ng sinabi mo dapat alam ang nararamdaman ng sumusulat para tumugma sa kanta. Diba?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay patuloy lang na nakatitig sa labas.

"Ako? Importante ba yung nararamdaman ko eh tutulungan lang naman kita eh." Ang seryosong sabi ko.

*bell rings*

"Time na! Sige aalis na ko. Pag isipan mo yung gagawin nating kanta ah." Ang sabi ko.

Tinignan niya lang ako kaya naman umalis ma ko agad.

Aba! Snobber talaga nung mokong na yun ah. Naku! Mukhang mahihirapan aking makupagtulungan dun.

Nang makarating ako sa room sakto at wala pa ang susunod na teacher namin.

"Oh Prinsesa, saan ka galing?" Ang tanong ni Jonas sa akin.

Agad naman akong umupo at inayos ang mga gamit ko.

"Diba kasama mo si Benj kanina? Bakit ka daw niya tinawag?" Ang nagtatakang tanong ni Micah.

"Ahh-"

"Oh? Magkasama kayo? Bakit? Saan? Ano daw meron?" Ang sunod sunod na tanong ni Jonas.

Ay, intregera talaga tong baklang to.

"Oo nga. Saan kayo galing? Pinagpalit mo na si fafa Grey?"
Ang sabi ni Micah. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumawa si Jonas.

"So anong nga bes? Anong meron magshare ka naman." Ang sabi ni Jonas.

"Nagpapatulong siyang gumawa ng kanta." Ang seryosong sabi ko. Tumaas naman ang kilay nila at parang nagtataka.

"Bakit ikaw? Anong meron?" Ang gulat na tanong ni Micah. Grabeh naman siya sakin. Parang walang bilib.

"Uhm. Di ko alam." Ang tipid na sagot ko.

Sakto naman at dumating na ang susunod naming teacher. Buti naman at hindi na makakapagtanong itong dalawang ito.

Ilang oras ding tunganga lang ako at nakikinig aa mga lectures ng mga teacher namin.

Ito na ang pang last subject at ilang minuto nalang uwian na.

Nakatitig at binabantayan ko lang ang relo sa may pader habang ito bored na bored na. Tapos na din naman akong mag sulat ng pinapasulat ni Mrs. Gonzaga. Ang english teacher namin.

Kailangan kong makauwi agad dahil baka maabutan ako ni Benj. Ayoko po namang makausap iyon. Napaka cold kasi saka intregero eh.

3. 2. 1.

*kring*

Kasabay ng pag bell ay agad namang pagtayo ko.

"Oy Prinsesa, aalis ka na?" Nilingon ko si Jonas.

"Oo be eh." Ang nagmamadaling sagot ko.

"Hindi ka samin sasabay?" Ang tanong ni Micah.

"Hindi, hindi muna. Nagmamadali ako eh." Ang mabilis na sagot ko at agad ng lumabas ng classroom.

"Anong nagyari doon?" Ang tanong ni Jonas kay Micah.

Mabilis akong lumabas ng room baka maabutan pa ako ni Benj eh.

Tumatakbo ako ng mabangga ako sa isang matigas na bagay.
Takte. Katangahan naman Stephanie.

Binuksan ko ang mata ko at laking gulat na hindi pala iyon bagay kundi tao.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon