IGMWH 26

57 4 1
                                    

Stephanie's POV

"Be? Pupunta ka ba mamaya?" Ang tanong ni Jonas sa akin.

"Gusto mo ba sumama ako?" Ang tanong naman ni Jayven.

"Nakakahiya naman kasi kung hindi ako pumunta diba?" Ang tanong ko sa kanila.

"Ikaw, kaibigan mo naman siya eh." Ang sabi ni Micah.

"Pero, mag-ingat ka ah." Ang bulong nito.

"Pwede mo ba akong samahan?" Gusto ko sanang may kasama dahil nakakahiya naman kung ako lang at mga kaibigan ni Beatrize.

"Oo naman." Ang sagot ni Jayven.

Ayaw sumama nina Jonas at Micah dahil hindi niya naman daw close si Beatrize at nahihiya raw sila.

Makalipas ang ilang oras na panonood namin ng contests ay napagpasyahan ng umuwi nina Jonas at Micah.

"Mauna na kami be ah." Ang paalam ni Jonas.

"Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na ah?" Saad ni Micah at naglakad na sila palayo.

"Tara na!" Aya ni Jayven.

"Bibili muna ako saglit ng regalo." Ang sabi ko kay Jayven.

Bumili ako ng journal para kay Beatrize, ang alam ko kasi mahilig siyang magnotes.

*phone rings*

"Hello?" Sinagot ko agad ang phone ko nang makitang si Benj iyon.

["Nasaan ka na? Pupunta ka ba?"]

"Nandito sa shop malapit sa school. Pupunta ako kasama si Jayven."

["Sige, daanan ko nalang kayo dyan. Antayin niyo ako ah!"]

"Okay."

"Sino yun?" Ang tanong ni Jayven

"Si Benj. Yung isang kaibigan ni Grey." Saad ko.

"Ah, close ba kayo nun?"

"Hindi naman." Mailking sagot ko.

Wala pang limang minuto ay dumating na agad si Benj. Tahimk lang kami buong byahe dahil si Jayven ay nasa tabing upuan ni Benj at ako naman ay mag-isa lang sa likod.

Sampung minuto lang ang aming byahe dahil malapit na village lang ang tinitirhan nila Stephanie magmula sa school.

"Nandito na tayo!" Ang sabi ni Benj matapos niyang ipark ang sasakyan.

Bumaba na kami ni Jayven parehas. Namangha naman ako sa ganda ng bahay nila. Malaki ito at moderno ang style.

Pagpasok namin ay agad kaming binungad ng isang kasambahay nila.

"Pasok po kayo." Ang sabi nito. Nginitian ko naman siya bilang tugon.

"Stephanie!" Dali-daling tumakbo si Beatrize nang makita kami.

"Thank you at nakapunta ka." Ang masiglang sabi nito. Inabot ko naman sa kanya ang regalong binili namin ni Jayven.

"Happy birthday!" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Salamat, sana mag-enjoy kayo Stephanie at Jayven. Tara na sa loob." Sumunod kaming tatlo sa kanya sa loob.

May mga tao na roon at puro mga taga section nila ang bisita. Meron din namang iba na sa tingin ko ay kaibigan naman ni Beatrize sa ibang section at school. Karamihan sa kanila ay kilala ko naman at paniguradong kilala rin nila ako.

Ngayon ang 16th birthday ni Beatrize. Parang sweet 16 kumbaga, pero simple lang daw ang handaan nila.

Nakita namin si Grey na kumain ngayon sa isang lamesa kasama sina Shon at Roby. Inaya naman kami ni Benj na doon na lamang din umupo dahil wala naman kaming kilala.

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon