Stephanie's POV
"Para sayo ito."
Kasabay ng pagsigawan ng mga estudyante ay pagiging kabado ko naman.
Ewan ko ba kung bakit tumataliwas ang nararamdaman ko.
Kaya naman yumuko na lamang ako para hindi makita si Grey.
"Ohhh...Ohhhh..."
Nagsisimula palang ang pagtugtog ng gitara nilalamig na ako.
Kahit pa alam ko na yung kanta parang makakarelate parin talaga ako.
"Longer than the river,
What I'm willing to wait.
Higher than the tower,
What I'm willing to reach.
Deeper than any sea,
What I'm willing to swim.
And Taller than any tree,
What I'm willing to climb."Simula palang ng pagkanta ni Benj talagang halata sa boses niya ang feelings.
"Cause you owns my heart,
And it beats so fast."Bigla akong kinabahan nang kumanta na si Grey. At yung part ng kanta niya ay yung nararamdaman ko ngayon.
Kaya napa tingin ako sa kanya pero sa iba naman siya nakatingin.
Kaya napatingin ako sa gawi na tinitignan niya. Kay Beatrize...
"But I need this to stop.
Cause I don't have the guts,
To tell you this feeling,
That I keep on hiding.. ""Kakaiba yung kanta nila ngayon friend." Narinig ko sabi ni Micah.
"Iba talaga pag ikaw tumulong magcompose eh." Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Iba talaga. Iba talaga pag-umaasa.
Napatingin muli ako kay Grey at nakatingin siya kay Beatrize. Ang sakit namang matunghayan ito.
Kaya naman kahit gusto kong tapusin umalis na ako.
"Stephanie, saan ka pupunta?" Tanong ni Beatrize.
"CR." Maikling sagot ko sabay ngiti.
Umalis na ako sa covered court at naglakad lakad muna.
Pagkatapos ng isang oras na pagtambay sa may canteen nagsimula ng dumami ang tao dahil simula na siguro ng contest.
"Oy be! Saan ka galing kanina?" Tanong ni Micah nang makasalubong ko sila.
"Ahh diyan lang." Sabi ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya pa.
"Nga pala friend ang ganda nung kanta ah. Parang sincere talaga." Pagsabat naman ni Jonas.
"Ganun ba?" Ngiting sabi ko.
"Siya nga pala, hinahanap ka kanina ni Benj." Ang sabi naman ni Jayven.
"Talaga? Nasaan siya?" Tanong ko.
"Ewan ko na, pero kanina nandoon pa siya sa may court." Sabi ni Jayven.
Nagpaalam na muna ako sa kanila para puntahan si Benj.
"Oy bes ang galing talaga nila kanina!"
"Syempre magaling kumanta si Grey eh."
"Saka syempre magaling tin magcompose si Benj no."
"Wait para lang sa pagkakaalam ko si Sy katulong niya na nagcompose si Benj eh. Hindi kaya."
"Hindi kaya para kay Stephanie yung sinulat na yun ni Benj."
"Talaga yung babae na iyon. Una si Grey ngayon naman si Benj."
BINABASA MO ANG
I Got Married With Him (On-Going)
Teen FictionNaranasan mo na bang magkagusto? Pero patago at di pwedeng malaman ng ibang tao? Magkagusto sa taong sikat, At crush ng lahat? Paano naman kung ang iyong pinapangarap ay biglang matupad sa isang iglap? Makakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pero...