IGMWH 27

21 0 0
                                    

Stephanie's POV

Napatingin naman sina Benj at Jayven sa kanya.

"Una na ako." Nagpaalam na ako kay Benj at Jayven. Nagprisinta si Benj na isasabay niya na lamang pauwi si Jayven at pumayag naman ito.

Silang dalawa lang ang may alam na magkakilala at magkaibigan kami ni Grey, hindi pa iyon alam ni Beatrize at ayaw ipaalam ni Grey dahil ayaw niyang magselos at bigyan ng ibang meaning ng girlfriend niya ang pagkakaibigan namin.

Una akong nagpaalam kay Beatrize para hindi niya kami mahalata.

Ilang minuto rin akong nag-antay sa labas, sinamahan naman ako ni Jayven.

Nagkwentuhan lang kami saglit at dumating na si Grey.

"Salamat Jayven." Ang sabi ko at nagpaalam na sa kanya.

Feeling ko isa itong forbidden love na kailangan mong magtago. Pero ang kinaibahan sa ibang love story ay mag-isa lang akong nagkakagusto.

"Anong palabas iyon?" Biglang tanong ni Grey na seryosong nagmamaneho.

"Ha?" Tanong ko naman.

"Yung kanina." Pagtutukoy niya sa nangyari kanina.

"Bakit mo tinatanong?" Mataray na tanong ko ulit.

"Magpapagamit ka na nga lang sa iba, kay Benj pa." Sabi nito at ngumisi.

"Sinong nagpapagamit at ano naman sayo?" Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad namang pumasok sa kotse.

Pagkatapos ng usapan namin bago umalis ng bahay nina Beatrize ay hindi na siya nagsalita ulit hanggang sa makarating kami sa bahay.

Pagkarating sa bahay ay hindi ko na rin siya pinansin at dumiretso na agad ako sa kwarto.

Nakakapagod. Pakiramdam ko sobrang haba ng araw na ito.

Nag-unat na lamang ako at nahiga sa aking kama nang tumunog ang aking cellphone.

phone rings

[Hello?"]

"Hello Benj."

["Hmm, gusto ko lang humingi ng sorry kanina."]

Mukhang sincere siya sa sinabi niya. At least narinig ko na siya magsalita magmula nang nangyari kanina.

["Kinukulit kasi ako ng mga kaklase ko at may mga naghihinala na, na si Beatrize ang gusto ko. Ayaw ko lang mas lumala pa ang sitwasyon. Pero mukhang ikaw naman ang magugulo nito."]

Tama naman siya, okay lang naman sa akin ang nangyari kanina. Mahirap nga naman malaman ang totoo kaya minsan kailangan nating gumawa ng kasinungalingan para matago iyon.

"Ayos lang, iniisip ko lang kung paano iiwasan ang mga kwentuhan tungkol sa akin."

["Tutal ako naman ang nagsimula, ako nang bahala kaya wag ka ng mag-alala. Sorry ulit."]

Pagkatapos ay ibinaba niya na ang tawag.

Bago ako matulog naisipan ko munang bumaba sa kusina para uminom ng gatas. Hindi naman sa pagiging bata, pero nakasanayan ko na ang pag-inom nito lalo na noong nasa bahah pa namin ako.

Hindi ko naman inaasahan na makita si Grey sa sala na busy sa pagkalikot ng kanyang laptop. Hindi naman kasi siya madalas lumabas ng kwarto niya. Dito sa bahay namin para lang kaming boarders, hindi gaano nag-uusap. Kung mag-usap man kami ay tanungan lang at tungkol sa mga bilin.

Dumiretso na lamang ako sa kusina at hindi siya pinansin.

Naisipan kong timplahan siya ng kape. Hindi ko rin alam anong pumasok sa isip ko, pero siguro bilang pretend wife dapat maging mabait din ako lung minsan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Got Married With Him (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon