Prologue

271 3 2
                                    

"Tama na yan Pen, baka wala ka nang pambayad" natawa ng mapakla si Penelope sa sinabi ni Romar. Katrabaho niya ito sa isang bar sa Katipunan kung saan siya nagsusummer job.

"Problema ko na yun Mar, basta give ka lang ng give" ngumiwi na lang si Romar bago salinan ang baso niya.

Nakakatawa dahil dapat nainsulto siya sa sinabi ni Romar. Pero hindi e. Totoo naman kasi. And weird din na yun ang sinabi nito instead na "Tama na, lasing ka na"

"Ako na nga" Inagaw na niya ang bote bago pa nito mapuno ang baso niya.

Hindi niya alam kung maiinis, maawa o matatawa siya sa sarili niya. Pero ayaw naman niyang mainis dahil sakit lang yon sa ulo. Wala naman siyang mapapala kung kaaawaan niya ang sarili niya. Kaya tumawa na lang siya ng nakakaloko at napansing napatingin sa kanya ang lalaki sa tabi niya.

Hindi niya ito pinansin. Wala siyang pakealam. Sa dami ng problema niya wala na siyang keber kung titigan man siya ng kung sinong Pontio Pilato.

Tinitigan na lang niya si Mojito, ang kaulayaw niya ngayong gabi.

"Mukang wala nang matitira sa sweldo ko dahil sa'yo Moji" Naramdaman niyang nagiinit na ang mga mata niya kaya pumikit siya ng mariin.

"Pero okay lang. Ako na lang palagi ang taya e. Napapagod na ako, ikaw lang naman ang konswelo ko. Okay lang to ngayon lang naman."

Nagsalin siya ulit ng alak sa baso bago nilagok. Mejo nahihilo na siya pero sige pa rin siya sa paginom. Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa kukote niya at nagpapakalasing siya ngayong gabi.

Kailangan niya pang lumuwas pauwi ng pampanga bukas ng maaga dahil nagtext ang nanay niya na may sakit daw si Bunso. Kaya mukang goodbye na naman sa sweldo niya.

Natawa na lang siya nang mapakla. Bakit kaya ganon ang kapalaran niya? Laging taya, laging in-charge. Kaya siguro naisipan niyang maginom ngayong gabi kahit hindi naman talaga siya umiinom. Siya si Ms. Responsible e. Aha! Yun nga siguro mismo ang dahilan. Napapagod na siyang maging responsable dahil wala naman siyang napapala. Kahit sa mismong sweldong pinaghirapan niya mukang wala siyang mapapala. Kaya pinagtuunan na lang niya ng pansin si Mojito.

Magsasalin na sana siya sa baso niya ng may pumigil sa kamay niya.

"I think you've had more than enough, Miss" Napaangat siya ng tingin sa nagsalita.

T*ngina. Lasing na nga ata talaga ako. Ang gwapo ng pakielamerong to.

Sinubukan niyang ikurap ang mga mata niya dahil baka namamalikmata lang siya. Ang gwapo kasi ng lalaking nakahawak sa kanya. Ang bango bango pa. Hindi niya mawari ang kulay ng mga mata nito dahil madilim, pero alam niyang hindi itim ang mga iyon. Tapos deep set pa. Wow, ang tangos rin ng ilong. At nang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito, parang nauhaw siya bigla ng bonggang bongga. Bakit kasi parang ang sarap sarap at ang pupula ng labi nito?

Teka, tao ba to o nananaginip na ako? Sh.t

Pero napakurap siya nang muling magsalita ang lalaki.

"So what do you think?" sabi nito na mukang amused na amused sa kanya.

"Huh?"

"Did I passed your inspection Detective?" tanong nito at ngumisi.

"Y-Yes" hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin pero lalong hindi niya alam bakit sumagot siya ng Yes.

nalintikan na talaga.

Hiyang hiya na siya! Parang mas gugustuhin niyang bumuka na ang lupa at kainin siya. Pero dahil alam niyang imposible iyon, nagbaba na lang siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsasalin ng alak sa baso niya.

"I said you've had enough miss" sabad na naman ng gwapong pakealamero sa tabi niya.

"Kuya, hindi porket gwapo ka ay pwede mo na akong pakealaman" sikmat niya dito dahil sa inis. Di na matuloy tuloy ang inom niya at lalong nakakainis yon dahil  uhaw na uhaw na siya.

Sa wakas binitawan na nito ang kamay niya at nailapit na niya ang baso sa labi niya. Pero pagkalapat na pagkalapat pa lang ng baso ay bigla nitong inagaw sa kanya at binottoms down.

"Bullsh.t naman po! Ano bang problema mo? wala ka bang pambili para sarili mo?" Sigaw niya dito at sinuntok pa ang dibdib nito.

Hinawakan naman nito ang kamay niya at tiningnan siya ng masama.

Hindi niya alam kung anong problema ng lalaking ito at ang sama kung makatingin. Nagsisi tuloy siya kung bakit sinuntok niya ito, baka napalakas ang suntok niya kaya nagalit ito.

Sinubukan niyang kumalas sa hawak nito pero hindi siya pinakawalan.

Napaangat ang tingin niya dito at hindi niya alam bakit tumigil ang tingin niya sa mga labi nito.

Anak talaga ng pink na tilapia!

Uhaw na uhaw na talaga siya at parang kay sarap sarap nitong halikan! Anak ng gulay! Bakit kasi ayaw siyang pakawalan nito para makainom na siya?

Nakagat na lang niya ang labi niya at pilit na inabot ang baso mula rito.

"Please, Mister, Let me be be---" Pakiusap niya.

Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay lumapat na ang labi nito sa mga labi niya.

Oh sweeet holy cow. THIS IS INCEPTION. I'm dreaming within a dream. I'll sure punch anyone who dares to wake me up.

Nanigas ang likod niya. Paano ba ito? Hindi siya marunong humalik at parang ang expert expert ng pakielamerong ito. Anong gagawin niya? Ano ba to? French ba to? French lang ang alam niyang halik at hindi pa siya marunong. Lechugas. Hindi pwedeng palagpasin to. Hindi pwedeng smack lang!

Dahil di niya alam ang gagawin, nanatili lang siyang ganon. Pero nang magsimulang umatras ang lalaki ay parang nagpanic siya. Hinabol niya ang mga labi nito at tinugon ang halik.Full cooperation naman kaagad ang mokong.

Nang maghiwalay ang mga labi nila para sumagap nang hangin ay lalong hindi niya malaman ang gagawin. Hindi siya makatingin sa mga mata nito kaya nagsalin na lang ulit siya ng alak sa baso.

"That was unexpected. I guess...uhm, Sorry" sabi nito habang hinagagod ang batok.

Sorry? Nagsisi siya? Sorry daw? Nakakainsulto mehn!

Nagangat siya ng tingin dito para singhalan ito pero nagbara lahat ng sasabihin niya nang makita niya ang mga mata nito. Hindi niya masabi kung ano ang nandon pero sigurado siyang hindi pagsisi iyon.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya nang abutin niya ito at halikan.

Isipin mo na lang reward mo yan sa lahat ng hardwork mo.

Sht. Kung ganito ang reward sa lahat ng hardwork malamang walang tamad sa Pilipinas.  

Sabi niya sa sarili niya at pilit inignora ang sigaw ng isip niyang "NOOOOOO PENNY! THIS IS WRONG"

"Shut up brain. Something this good should be illegal to be wrong"

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon