Page 19

94 0 2
                                    

You're such a jerk Ian! You blew it. You just have to be not an asshole for a day and you blew it!

Inuulan na ng mura ni Ian ang sarili niya nang magwalk out si Penny sa kanya. Sobrang tanga niya!

Pero nang humupa na ang inis niya sa sarili, nagecho lahat ng huling sinabi ni Penny sa isip niya.

"Look Ian, I'm sorry that you're acting that way. Palalagpasin kong tingin mo sa akin malandi pero sana maisip mo na mula't sapol naman nilinaw mo na wala tayong patutunguhan. And besides you said we're just having fun so why are you turning nuts now and accusing me of flirting with a guy I barely know?"

Hindi niya rin alam bakit siya nagkakaganun. Tangina nagseselos ata siya o sobrang gusto niya lang sapakin yung Carlo na yun nang makita niyang hinahawakan nito si Penny. Nalintikan na!

This has never happened before, he always knew what to do when it comes to a girl but now he seems so lost with Penny. Putangina bakit kasi ang duwag niya?

In all honesty he panicked when Penny started the talk about DTR [defining the relationship]. He didn't know what to say because he himself can't figure out all this shenanigans. All he knows is that he's happy. He's happy with Penny.

But bottomline is he's a jerk! He didn't know what to say so he ended up doing what he does best. He screwed up. He told Penny what he usually tells his girls without taking in consideration what she might feel. Now he realize Penny's not like any of them. But he still don't know what they have but he sure doesn't want it to end.

You have to do something about this. Fuck!

****

Ang gulo ng buhay!

Ang sabi ng ex niya manhid siya, ngayon ang tingin naman sa kanya ni Ian malandi na agad. Puta sobrang labo! Sorry kung nakapagmumura siya pero sobrang labo talaga.

Nanggaling na mismo dito kung ano silang dalawa. Buti nga nagkaron pa siya ng lakas ng loob itanong talaga dahil kung hindi para pa rin silang tangang nagpapatintero. Di ba maayos na nga yung ganung nilinaw niya? O edi sabi naman nito hindi sila at fun fun lang, kaya bakit ito nagkakaganon? So ineexpect ba nito na lahat ng lalaki dapat layuan niya? Ughhhh.

Una sa lahat kaya nga siya nagattemp na linawin ang lahat para malaman niya kung anong hawak niya dito, kung saan sila lulugar sa buhay nila sa isa't isa.

Teka! Pero bakit nga ba siya nababadtrip? Hindi ba sumangayon rin naman siya? Saka pabor nga sa kanya na hindi maging sila dahil hindi siya sigurado kung kaya niyang madagdagan pa ang listahan ng priorities niya? UGHHHH.

Tama na nga. Huminga na lang siya ng malalim at sinabi sa sariling tama na muna ang pagiisip, dapat magenjoy siya.

Pagkatapos niyang iwanan si Ian sumunod na siya kanila Jasmin na nakapila sa EKstreme. Pakiramdam niya napansin naman ni Jasmin na bad mood siya pero hindi na ito nangusisa pa, alam na nitong ayaw niyang tinatanong dahil magkukwento na lang siya pag ok na.

"Si Ian?" tanong ni Carlo.

"Bakit ba masyado kang concern sa kanya?" nabigla ata ito sa sagot niya. Maging siya nabigla din sa pagiging rude niya.

Sinasabi na nga ba niya, masama talaga sa sistema niya yung ganitong unstable feelings. hay.

Nginitian na lang niya si Carlo na hindi na nakasagot, "Di ko alam e, baka may kinuha sa kotse."

"Ah, okay ka lang ba?" concerned na tanong nito.

"Oo naman."

"Talaga?" ulit pa nito.

"Oo promise."

"Talagang talaga as in?"

"Ang kuliiiiit ah!"

"Di nga? Okay ka lang talaga?"

Natawa na siya. Hahaha, ang kulit naman kasi paulit ulit oo na nga e.

"Oo nga. Isa pang 'talaga' hindi na ako okay. haha."

Okay ka nga ba talaga? tanong niya sa sarili

Hay. Si Carlo pwede niyang kumbinsihing okay siya, pero ang sarili niya? Malabo. Dahil alam niyang di naman siya okay -_-

Bumalik si Ian pagkatapos ng kulang kulang 30 minutes at nakadalawang rides na sila; yung EKstreme at Jungle Log Jam. Kanina nagtext ito sa kanya nagtatanong kung asan sila, edi nireplyan niya ito ng 'Rio Grande period' bahala itong maghanap kung saan banda. At ngayon magkakasama na silang nakapila.

Hindi niya ito pinapansin. Buti na lang dahil di naman ito masyadong nagpapapansin kaya di siya nahihirapan, mejo kinakausap din nito si Fred at Jasmin, edi siya si Carlo naman kausap kasi kawawa naman kung walang kakausap dito di ba?

Nung turn na nila iniwasan niyang mapatabi either kay Carlo o Ian, pero dahil lima lang naman sila mejo malabong mangyari un dahil ang posibleng pwesto niya lang para maiwasan ang dalawa ay pumagitna kay Jasmin at Fred na hindi naman mapaghiwalay. Sooooooo in the end si Ian ang nakatabi niya -_-

Naiilang siya pero ginawa niya lahat para makontrol ang pagkailang at di makahalata ang tatlo nilang kasama. Well dahil magaling naman siya sa pagpapanggap edi effective. Pero kahit anong gawin niya hindi na bumalik ang pagkagood mood niya.

Pagkatapos nilang tatlo masakyan halos lahat ng rides nagyaya si Ian na magmeryenda sila, edi kumain naman sila. Pagkatapos nun nag gala gala na lang sila at bumili ng mga souvenir and then nagdecide na rin silang umuwi na. Mga 6:30 na rin yun at pare pareho na silang pagod, lalo na siya.

Pagkadating nila sa parking Area nagtatawanan sila dahil sa joke na di na niya matandaan dahil lumilipad ang isip niya, nakiki 'hehe' at 'haha' na lang siya.

"Ui ikaw tinatanong." sabi ni Jasmin.

"Ay sorry ako ba?" haha

"Oo ikaw! ang lutang mo grabe."

"Sorry na, o ano bang tanong?"

"Anong lugar ang ta-----Galit ka ba sakin?" di natapos ni Carlo ang joke nito dahil biglang humirit naman si Ian.

Napatulala tuloy siya dito. fhvhfrdkv stupid talaga!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." tumawa siya ng nakakaloko para mabawasan ang awkwardness, pero parang nadagdagan lang naman dahil sa exaggerated niyang tawa. "Hindi ah! Ikaw na nga nanlibre tapos magagalit ako? tara na nga." segway na lang agad!

*Awkward silence* Mga 3 seconds na dead air tapos biglang binuksan ni Jasmin yung pinto. Buti na lang. Thanks Jas!

Pagkasakay nila ng kotse nagsalita si Ian.

"Okay lang kayo jan guys?"

"Oo naman." sagot ni Fred.

"Ikaw okay ka lang?" tanong naman nito sa kanya tapos inabot pa ang kamay niya pero syempre iniwas niya agad.

"Oo naman. Sobrang fun!" sarcastic niyang sagot dito nang di ito tinitingnan. Yung sarcasm naman niya siniguro niyang ito lang makakahalata.

"Good."

Malamig na sagot nito. Finally! Napikon na ata -_____-

So pano na yan ngayon? What becomes of us when there's no more Fun?

Bumuntong hininga na lang si Penny. Di na niya alam ang gagawin.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon